Chapter 3: A Cat and A Dog

676 40 0
                                    

Hi or hey guys! Kamusta naman ang lahat sa pagbabasa ng revised penal code, char..I mean, revised version ng My Superstar? Tatanggalin ko mga point of view ni Zach dito. XD Pero mukang mahabaang revision yun kasi kung hindi ako nagkakamali, maraming point of view si Zach sa dulo (?) pero baka yun nalang ang hindi ko galawin. Basta sa mga unang chapters nalang na maiikli ang i-rerevise ko. :)

Okay? Pabor kayo dun diba? Ako kasi, oo. Lol

Anyways, di ko na papatagalin pa, heto na ang revised chapter 3. *wink

Read and enjoy.

PayongPahabol: Kung ako sa inyo, hindi ko lalagpasan yung mga thought ni Chiena or ng kung sino pa ang may kasalukuyang point of view kasi hindi niyo magegets ang story kapag puro conversations lang binasa niyo.

--

Chapter 3:

Pagkatapos mag-walk out ni Zach bago pa man ako makaluto ng breakfast e agad rin naman silang bumalik ni Leo na may kasamang ngiting tagumpay sa muka niya. Si Leo naman e parang naiirita na natatawa sa bestfriend niya.

"Wow, good mood." Pagpupuna ni Josh kay Zach. Binigyan lang nito ng bad finger ang kababata at sabay tawa nilang mga lalake. Ganyan ba talaga sila mag-biruan? Bad finger agad agad?

Nagsiupo na silang dalawa sa mga upuan sa breakfast table habang ako naman ay nakahiwalay sa kanila dahil sa kitchen counter ako kumakain. Wala lang, simula bata kapag almusal dito kila lola dito na ako nasanay.

Nakaupo sa ibabaw ng kitchen counter habang naka-indian seat at may plato at orange juice sa tabi ko. Tinignan ako ni Zach ng..mmmedyo malalagkit at hindi ko naiwasan ang hindi kilabutan. Bakit ko ba kasi siya tinitignan?

"You look.." sambit niya habang nakatingin parin sakin. Napatigil ako sa pagsubo ko ng omelet na niluto namin ni Josh at sabay titig rin kay Zach. Napansin kong nag-umpisa siyang tumingin sa muka ko pababa sa labi ko pababa sa leeg ko, dahilan para mapalunok akong bigla, pababa sa collar bones ko at sa dibdib ko. Ay bastos.

"Hoy! Ang bastos mo ha!" singhal ko sa kaniya nang mapansin kong pati sa tiyan ko e tinitignan niya na ako. Remember guys, sports bra?

Napa-smirk siyang bigla sakin at yung tingin niyang napakayabang at nakakaasar ang ibinigay niyang sagot sakin. Bumaba ako ng counter at sabay kuha ng plato at baso ko. "Wait, san ka pupunta?" pagtawag niya ng pansin sakin. Hindi ko siya tinignan pero dere-deretso lang ako sa paglalakad..papunta sa tabi ni Josh.

Tinignan ako nito at ganun rin ng kakambal niyang si Jack at medyo nalito pa ako nung una dahil nga sa identical sila pero ng maalala ko na magkaiba ang eye color nila e alam kong si Josh nga ang tinabihan ko. "What?" tanong sakin ni Josh at tinuro ko panguso si Zach na sa ngayon ay nakatingin na ng masama sakin at kay Josh.

"What did you do, Zacky?" pa-boring na tanong ni Jack habang nag-mumulti tasking. Kumakain siya at nagbabasa ng dyaryo. Nag-shrug si Zach sa kaniya sabay tingin nanaman sakin ng malalagkit. Napanganga ako dahil sa kalandiang taglay ng lalaking to.

"Tigil-tigilan mo yang kalandian mo Zach ha!" sigaw ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako at kinindatan. Sakto naman na nakita ni Leo ang ginawa ng bestfriend niya kaya naman nabatukan niya ito. "You little shit. Stop bullying her." Sambit nito sa malanding nilalang na may kasama pang seryoso na tono ng pananalita.

Natawa naman ang kambal at sinamaan ko naman ng tingin lalo si Zach. "What? Ako ba nagsuot ng sports bra sa harap ng mga lalake at naki-jogging pa kasama mo? Ako ba nagsuot ng sports bra na kita yung sexy kong abs at yung cleavage ng obvious na malusog na dibdib, ha?" naiiritang sagot ni Zach sa bestfriend niya at muli siyang binatukan ni Leo.

My Superstar (Original) (Cringey Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon