Chapter 2: Not the 'L' Word

786 47 0
                                    

Hi or hey! Tapos na ang exams! WOOOOOOOOH! Sinisimulan ko na ang mag-revise ng chapter 2 WOOOOT! Hahaha!

Anyways, keep reading this story, okay? Nakita kong ang dami palang short chapters dito. :O pati yun, i-rerevise kop o. wooh. Medyo madami rin pala. Hahaha!

Pero keribels haha!

Okay, tama na chuchu ko. Haha Read and enjoy the revised chapter 2 of My Superstar. *wink

--

Chapter 2:

Your fiance is this kid. Zach Gutierres..

"Hoy, ano? Tulala ka nanaman diyan? Parang walang iniintinding exam." Nagising ako sa pag-rerewind ko ng mga sinabi sakin nila uncle Larry at lola Rita nung araw na pinauwi ako ni lola kaagad sa bahay. Hindi kasi maialis sa isip ko na titira siya sa hacienda kasama ko ng tatlong buwan.

Tatlong nakakainip na buwan.

"Sorry. M-may naisip lang akong..medyo nakakainis." Sagot ko kay Larah na nakikiusyoso sa room namin ngayon. Departmental exams ng mga business courses ngayon na may super major na subjects at syempre kasabay namin si Larah.

Kaso iba ang room niya. Aba malay ko sa babaeng to at nandito nakikitambay at nakiki-review.

"Eh ano ba naman kasi yang iniisip mo nanaman? Papasa ka dyan, sus naman!" sagot niya sakin. Sa katunayan niyan, kahit alam kong crush na crush ni Larah si Leo e hindi ko pa sa kaniya nasasabi ang nangyari at nalaman ko nung isang araw.

Naka-two nights and one day na sila sa hacienda at ang akala kong mala-anghel na pagmumuka nung mga lalakeng yun e mala-demonyo pala. Sayang nga si Zach e, crush ko pa man din yung mata niya tapos siya pa ang pinaka-malala ang pag-uugali.

Hindi ko na kayo kekwentuhan kung ano ang mga pinag-gagagawa nila sa mansion pero isa lang ang masasabi ko sa inyo, safe pa naman ako at hindi pa ako nakakaranas ng ka-demonyohan nila. Yung mga maid, oo.

Nag-review. Nag-review. Nag-review. Hanggang sa dumating ang tagabantay namin at pinalayas si Larah dahil sa iba nga ang room niya. Sakto rin naman ang pagdating ni Nico na may smudged na lipstick sa bandang leeg niya.

Tinitigan siya ng masama nung prof na nasa harap ng klase pero tanging ngiting pamatay fangirls-ni-Nico lang ang ibinigay niya at parang tanga, bumigay naman yung prof. Take note guys, that professor is gay. *shakes head

"Mr. Montenegro, take your seat." Mahangin na utos nung prof sa kaniya na may kasama pang pagpaypay sa muka niyang namumula na sa kilig. Tang**ang kalandian yan. Buti pa siya may lakas na loob na lumandi kahit na bading siya. Eh ako? Hindi ko man lang magawang magka-gusto sa iba. Hindi ko man lang magawang lumandi ng iba.

Nakakaloka. May subject ba na nagtuturo kung paano mag-move on?

Nagsimula ang exam namin. Nag-ubos ako ng oras. Nagpasa. Naghintay. Aba, ang dami kasing arte ni Nico. Lumandi pa.

Pagkalabas na pagkalabas ni singkit ng room e nilapitan niya ako kaagad at pinat ang ulo ko na para akong uso. Ngumuso pa siya nun at nag-puppy eyes. Kung hindi lang siya nagmukang cute baka kanina ko pa siya naupakan.

"How's the test?" masigla niyang tanong sakin at hindi ko naiwasan ang ngumiti ng bahagya dahil sa care niya. "Ayos lang naman. Napakadali." Sagot ko sa kaniya at ngumiti siya ng nakakaloko sakin at tumango. Kasabay pa nun ay ang paulit ulit niyang pagtapik sa ulo ko.

Hinawi ko ang kamay niya at tanging tawa lang ang ginawa niya.

"Argh! Grabe. Buti ka pa nadalian, bes. Pambihira, yung samin? Aba ang dali rin naman! Ang daling hulaan!" napalingon kami ni Nico sa likod ko nang bigla naming marinig ang boses ni Larah na nagsasalita ng basta basta. Siguro kung hindi namin siya kilala at napansin agad e baka napagkamalan siya ng ibang estudyante na nababaliw na.

My Superstar (Original) (Cringey Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon