Chapter 6: I Don't Know

525 37 0
                                    

Hhi or her again, REJECTS! September 19 ngayon at I'm mending a broken heart. AHAHA! Charot lang! masaya ako para kay LUKE ano ba! Nakakatawa nga kasi parang ZACH at CHIENA talaga eh. Alam niyo ba na maliit, may piercings, brunette, and mahilig sa croptops at labas pusod na damit si Arzalyea? OMG, CHIENA na CHIENA nga eh. XD

Kaya natatawa rin ako. Angkop na talaga ang picture nila dito. Kaya nga, wait lang kayo dahil magpopost ako ng picture nila dito. Haha!

Okay enough chararats. Heto na ang next chapter *smooch!

--

Chapter 6:

It's been two days since nung araw na hindi ako pansinin ni Zach. Hindi ko parin siya maintindihan kung bakit kailangan niyang mag-react ng ganun. Ano naman kung tawagin ako ni Josh ng 'sexy'? Ano naman kung tinabihan ko si Josh? I mean, tinawag ako ni Josh malamang sa malamang lalapit ako sa kaniya diba?

Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niya akong hindi pansinin. I mean, wala akong ginawa sa kaniya! Isa pa, wag na wag niya akong aasahan na ako ng lalapit sa kaniya dahil siya ang lalake at kung tutuusin siya pa may kasalanan dahil sa mga childish acts niya. kaloka.

Gusto ko siya, oo. Pero naman siya na nagsabi sakin na hindi niya ako gusto sa ganung way. I mean, sabi niya 'Ang sarap mo kasi pagtripan' diba? Gusto ko siya pero alam ko sa sarili ko kailangan kong limitahan ang sarili ko dahil ayoko ng masaktan.

Kung ano man ang meron kami ni Zach ngayon, hanggang dun nalang yun. Isa pa, makakakita siya ng ibang babae na mas maganda at sexy kaysa sakin. Yung mas babagay sa kaniya.

"Bes, affected much ka ata masyado diyan sa hindi pagpansin sayo ni Zacky?" natatawang singit sakin ni Larah habang kumakain kami. Nandito ako sa bahay nila at hindi pa ako umuuwi ng bahay dahil nga sa pag-iwas sakin nung lalakeng yun. Napairaip ako.

"Ano ka ba, wala sakin yun." Sagot ko sa kaniya at narinig ko siyang tumawa. "Chienks, eh kung wala lang sayo e bakit hindi ka pa umuwi sainyo? Nauumay na kaya ako sa muka mo!" patawa-tawa niyang sabi sakin at binato ko siya ng tinapay.

Buti nalang at walang bato sa loob ng kusina nila.

"Haha! Grabe! Guilty much besh? Lakas ng tama mo ha." Pang-aasar niya sakin at tumayo ako sa pagkakaupo ko. "Aalis na ako para tigilan mo ko sa mga ganyan mo. Kadiri bes ha." Sagot ko sa kaniya at tumayo rin siya at sinundan ako papalabas ng bahay nila.

"Bes naman, inamin mo na nga sakin na gusto mo siya diba? Sus. Di ka pa ba affecte nun ha? Haha!" sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang susi ng kotse na pansamantala kong hinihiram. Yung mercedez na gamit ko nung isang araw? Yun.

"Oo nga, bes. Gusto ko siya pero hindi ibig sabihin ako ang lalapit sa kaniya para gumawa ng step na kausapin niya kaagad ako ulit. Isa pa, wala akong pakialam kahit na habang buhay pa niya akong hindi pansinin." Sambit ko habang umikot ako sa driver's side at binuksan ang pinto. Naupo ako habang si Larah naman ay nakatayo sa gilid.

"Bes, malay mo magustuhan ka niya rin diba? Kanina ka pa salita ng salita ng kung ano anong chararat diyan eh." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ang salitang bago lang sa pandinig ko. Ano ang chararat?

Bumuntong hininga ako at sumagot. "Larah, hinding hindi ako magugustuhan nung lalakeng yun. At syempre, yung mga sobrang sexy na babae ang gusto niya sigurado. Yung mga sanay sa kama. Hindi ako yun, besh."

Tumango tango si Larah sakin at ngumiti ng nakakaloka. "Oo nga pero may chance parin. Tsaka araw araw kayong magkasama kahit na hindi ka niya pinapansin ngayon at inaamo." Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Oo na, ako na hindi niya pinapansin. -________-

My Superstar (Original) (Cringey Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon