Chapter 17: Girl Talk!

516 30 1
                                    

Hi or hey guys! Kamusta ulit ? hahah ngayon ay OCT 21 at kakapost ko lang kanina nung revised nung chapter 16 at heto nanaman ako hahaha anyways, nakita ko kanina na yung mga less 5K words na chapter pala nito ay umabot pa hanggang 40 PLUS! Yep! Nabasa niyo nga. 40 PLUS shoooocks pero sa kabutihan palad e puro 3K plus or 4K plus yung words nila pero naman! Balak ko parin siyang i-revise so ipagdasal niyo na matapos ko kaagad to dahil excited akong ituloy ang HAM at ang BTRG hahaha

Okay, enough chitchats, heto na ulit. Hahaha

READ COMMENT SHARE VOOOTE HAHAHA!

Enjoy!

---

Chapter 17:

Chiena's POINT OF VIEW

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?"

Nung tinanong niya sakin yun? Gusto kong sabihin na lahat gawin niya. Ipakita niya sakin sa kahit na ano man paraan na gusto niya nga talaga ako pero kapag binitawan ko ang mga salitang yun malamang sa malamang dadalhin ako nun sa kama at dun gagawa ng milagro. *blushes

Kaya ang tangi ko lang na sinagot ay isang alanganin. Isang pala-isipan para sa kaniya. Na kay Zach na ang alas kung tatagal siya sa 'relasyon' na meron kami o hindi.

Isa pa, nang masabi ko ang lahat sa kaniya na tungkol sa magulang ko at dahil sa pagkawala ng tiwala ko sa mga lalake e pakiramdam ko ginagawa niya lang yung mga ginagawa niya at sinasabi ang mga sinasabi niya para mapagaan ang loob ko.

Pakiramdam ko ang tingin niya sakin e isang baso ng tubig na kapag hindi hinawakan ng maigi at ng tama e mahuhulog parin naman ako pero in the end, mababasag ako. Parang sapilitan niya akong inaalalayan at hindi ko ito gusto. Masyado siyang intense gaya nalang ng paraan niya ng paghalik sakin.

Kaya sa sobrang frustrate ko sa mga ginagawa niya e nilayasan ko siya. Hindi ko na kasi alam kung papaniwalaan ko siya o hindi. Parang kahapon lang e sigawan kami ng sigawan, iyak ako ng iyak dahil sa kaniya, nang dahil sa kalokohan ng isang malanding nilalang tapos sabi pa niya fake ang relationship namin tapos ngayon?

'I like you Chiena.' *in the voice of Zach

Pero, tang***! Ano bang problema niya!? Yung totoo, sino ang babae saming dalawa? Sino ang magulo mag-isip samin dalawa? Sabihin niyo sakin!

Nakakainis diba? Tapos heto pa, ayan nanaman si Andy sa buhay ko. KAmusta naman ang 'date' namin kahapon diba? Nako, kung okay nga lang sa author e nagkwento na ako ng lahat ng nangyari at naganap habang nasa labas kami ni Andy pero naman, dadami daw masyado yung words sa isang chapter at ang librong to ay tanging para lang sakin.

Oo, sakin talaga.

Tapos sasanggi pa isip ko na, oo nga pala't pamilyado na yung lalakeng yun tapos ano? Inilabas pa ako tapos nilibre pa ako sa lahat ng gastusin sa 'date' kahapon? Para nga kaming hindi nag-break dahil kung tratuhin niya ako kahapon e normal lang. Wag niyo ng isipin kung paanong normal dahil, kahit anong sabihin niyo basta parang kami parin at walang nangyaring bad break up na naganap saming dalawa na sampung buwan na ang nakalipas.

Sa totoo lang, naisip ko kung paano kaya kung walang ahas na umahas? Paano kaya kung hindi siya nagpa-ahas? Paano kayo kung niya naanakan ang ahas na yon?

Pumunta akong kusina para uminom ng tubig para kumalma ang mga pag-iisip ko ng kung ano ano. Isa pa, hindi ko kinaya ang mga pinag-gagagawa ni Zach kanina. Naiinis din ako sa sarili ko dahil sa pinapayagan ko siyang hayaan ang gusto niyang gawin sakin. Tulad ng sunod sunod na kissing scene namin.

Ewan! Nag-eenjoy din ako eh. Matapos ba namang ilang buwan na walang humahalik sakin sino ba namang di matutuwa? Napaka-plastic ko naman kung hindi ko sasabihin na hindi ako nag-eenjoy sa paghalik niya sakin eh. Isa pa, nako! Napaka-galing humalik ni Zach. As in! Parang, nakakain ako sa isang buffet na walang kasawaan at walang kabusugan.

My Superstar (Original) (Cringey Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon