Chapter 12: Sorry

72 3 0
                                    

Isang mahinhin, mabait, maganda, matalino, pala-kaibigan at anak mayaman ngunit puno ng misteryo ang kanyang pagka-tao kasama ang mga kaibigan. Siya si Louience.

Ano kaya ang mga sekreto na tinatago niya? Tunay ba siyang kaibigan o nagbabalat kayo lang, at ang totoo ay kampon pala siya ni Satanas!

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Louience's POV


Hello! My name is Louience and I'm 18 year's old, actually kaka-debut ko lang last month! I'm half Korean and half American! Isa lang naman pala ako sa mga niloko at pina-iyak ng magaling kong ex, walang iba kundi si Jaiely Park. Kaya ang naging results, wala na akong tiwala sa mga lalaki. Kung lahat sila ay lolokohin rin lang ako, mas maganda na lang siguro na tumandang dalaga. Minsan nga natatanong ko na lang sa sarili ko kung ano ba ang nagawa ko sa mundo para makaramdam ako ng sobrang sakit? Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Sana nga may dumating bigla sa buhay ko para tulungang makalimot ang puso ko.



Nagising ako sa reyalidad dahil sa pag-pitik ng napaka-bait kong kaibigan sa noo ko, walang iba kung hindi si Kaith Dieln. Ano bang problema niya? Ang sakit kaya ng ginawa niya!



"Bakit ba?" tanong ko sabay pout.



"Hindi mo pala kami naiintindihan, kanina pa kaya kami dal-dal ng dal-dal dito tapos ikaw na sa sarili mong mundo." singhal niya sa akin. Nag-pout ako tapos niyakap siya.

"Sorry na po! Ano ba kasi 'yong mga sinasabi niyo na hindi ko napakinggan?" tanong ko. Inalis niya muna ang pagkakayakap ko sa kanya at tinignan si Zarnia. At parang alam ko na ang ibig sabihin nito, siya na ang bahala na mag-paliwanag ng lahat-lahat sa akin.



"Hindi pa kasi namin nakikita si Krystal simula ng ma-dismiss tayo sa klase. Kanina pa namin siya tina-tawagan pero hindi siya suma-sagot. Kaya balak sana naming tanongin ang mga kapatid ni Krystal para malaman na kung na saan siya ngayon. Ang sabi ng pinag-tanongan ko, nasa gym daw sila at nag-tae-taekwondo. At ang plano ay ikaw ang magtatanong sa kanila kung na saan si Krystal!" mahabang paliwang ni Zarnia. Na dahilan ng pagka-gulat ko



"AKO?! B-bakit naman ako, andyan naman si Kaith Dieln, ah!" gulat na tanong ko.



"Hindi kasi pwede, eh! Mahal pa kasi namin ni Janelle ang buhay namin tapos si Kaith Dieln naman wala daw siyang balak na kausapin ang mga kapatid ni Krystal. Mukha kasi silang gwapong ex-CON na isang tingin pa lang nila dapat matakot ka na! Kaya na-isip namin na ikaw na lang at saka malay mo gumana pala sa kanila 'yang pagiging malambing mo at saka don't worry kasama mo naman kami, 'yon nga lang ikaw ang magtatanong sa kanila!" paliwanag niya with puppy-dog-eyes. Pero bakit naman ako? Mahal ko rin kaya ang buhay ko. Tapos anong sabi nila nag-tae-taekwondo sila ngayon sa gym? Paano na lang kung ako ang atakihin nila mamaya? Pero sige, para naman 'to sa ikakapanatag ng loob naming lahat.



Mahigit isang linggo na rin kasi naming hindi nakikita ang mga nakakabighaning ngiti ni Krystal. Parang ibang tao na nga siya ngayon, hindi ngumi-ngiti, mainit ang ulo, palaging galit sa mundo, hindi pala salita, walang paki-alam sa iba, palaging nag-mumura at higit sa lahat palaging tulog sa klase. Pero palagi niya namang perfect ang mga quizes na binibigay sa amin. Pag tinatanong namin siya kung paano niya nakukuha lahat ng pagsusulit na binibigay, ang palaging sagot niya lang ay 'tsk'! Wala silang pinag-kaiba ni Tyrone! Tama nga ang sinabi ng kapatid niyang si Alyxz

The Demon AngelWhere stories live. Discover now