Chapter 5: New Friends Fighting For You

71 4 1
                                    

Yes! Wala ang mayabang nilang leader! Pero kasam naman nila si Pink Prnicess! At kamalasmalasan nga naman at nakita niya pa ako.


"LAHAT KAYO LUMABAS!" galit na sigaw niya habang nakatingin sa akin. Kaya lahat biglang nanahimik at saka sinundan ng tingin ang tinitignan niya. Mmm. I smell something sweet! Ano kaya ang mangyayari? Pero dahil sinabi niya lumabas, nagsilabasan naman ang mga uto-uto. Magpapahuli na lang ako! Ayoko kayang makipagsiksikan!


"Krystal hindi ka pa ba lalabas?" nagtatakang tanong ni Zarnia


"Oo nga naman, baka ikaw ang mabalingan ni Marniel kung nagkataon!" nagaalalang sabi naman ni Janelle


"Don't worry guyz, magpapahuli na lang ako. Ang hassle naman kung makikipagsiksikan pa ako!" nakangiting sabi ko sa kanila


"Ede sasabay na lang kami sayo!" nakangiti namang sabi ni Louience


"Mas mabuti pa nga, baka kung ano pang mangyari sayo!" nakapoker face paring sabi ni Kaith Dieln


"Okay! Mapipigilan ko ba kayo!" masiglang sambit ko. Nakakatuwa naman sila, kahit hindi pa man din kami tuluyang magkakilala eh ang babait na nila agad sa akin. Namiss ko na tuloy sila kuya Dale at ang gang. Kamusta na kaya sila? Inantay muna namin silang makalabas lahat bago kami naglakad palabas sa gym. Pero bigla kaming nagulat sa pagsigaw na ginawa ni Pink Princess.


"AT SAAN KA NAMAN PUPUNTA, BITCH!?" sigaw ni Pink Princess. Nagkatinginan muna kaming lima bago humarap sa kanya.


"Ako ba ang tinutukoy mo?" takang tanong ko habang tinuturo ang sarili.


"SINO PA NGA BA?" inis na sigaw nito sa akin. Bakit ba ang hilig nilang sumigaw dito? Nasa harap na niya kaya ang kausap niya!


"Hell-o! Diba nga sabi mo lumabas kaming lahat! Edi lalabas na kami! Atsaka pwede bang wag kang sumigaw, kalalaking tao kung makasigaw akala mo naman na kung sinong babae!" naka taas kilay kong sabi sa kanya. Nagtanong pa siya, sobrang obvious na nga ng sagot! Walang sense na kausap! =____=


"ALAM MO BANG WALA PA NI ISA ANG KINALABAN AKO AT PINAHIYA NG GANITO!" inis na sigaw niya. Pansin ko lang... bakit hindi na nagsasalita ang mga kasama niya? Ano sila pepe?


"So ang ibig sabihin lang non ay ako pa lang ang nagpapahiya at kumakalaban sayo? It's my biggest pleasure you know!" mapangasar na sabi ko sa kanya. Kaya pala apat lang sila na nakalaban ko noon sa Korea, kasi hindi siya kasama. At nang sinabi ko na 'It's my biggest pleasure' ay lalong namula ang mukha niya. Dahilan para matawa ako ng sobra sobra. Hinawakan ko na nga ang tyan ko dahil sa kakatawa.


"Y-you know what ang k-kyot ng napili mong kulay ng damit. K-kahit na hindi ka pa mag u-uniform. Kulay p-pink? I-it's so gay!" halos hindi na ako makahinga sa kakatawa habang sinasabi sa kanya ang komento ko.


"WAG NA WAG MONG SASABIHIN NA PARA AKONG GAY SA PABORITO KUNG KULAY! DAHIL SA ATING DALAWA PAGBALI-BALIK TARIN MAN ANG MUNDO MAS BAGAY PA RIN SA AKIN ANG PINK! MAS MUKHA PA NGA AKONG BABAE SAYO KUNG NAGKATAON!" galit na galit na sigaw niya sa akin. Lalo akong natawa sa itsura niya ngayon. Ang kasayahan ko talaga ang makitang nagagalit sa akin ang DNG!


"O MY GEE! ANG PINK PRINCESS NAGING RED PRINCESS NA NGAYON!" maarting sabi ko sa kanya. Ang ganda talagang mantrip ngayon. Lalo na pag isang member ng DNG!


"ENOUGH! ITIGIL NYO NA 'TO! PARA KAYONG MGA BATA, HINDI NYO BA NAISIP NA ISANG WALANG KWENTANG KULAY LANG ANG PINAGAAWAYAN NYO! HINDI BA KAYO NANDIDIRI SA MGA ASAL NYO!" inis na sigaw ng kasama niya.


"Paano na ngayon? Anong gagawin ko magagalit ba ako dahil may tagapagligtas ka? O hindi kaya ay tatawa dahil sa sinabi niyang nadidiri siya dahil isang walang kwentang kulay ang pinag-aawayan natin?" maarte kong sabi sa kanya. Sige kumagat kayo sa pain ko. Sisiguraduhin kong sa huli ay kayo rin lang ang mag aaway. MUWAHAHAHA! *cough* cough*


"HINDI YAN ANG PINUPUNTO KO DITO!" inis na sigaw sa akin ng isang member nila. Kung sino man siya, ipag patuloy niya lang ang ginagawa niya.


"STOP IT DAIELOU! PWEDE BA UMALIS NA LANG KAYONG LAHAT! HINDI NA KAYO NAKONTENTO SA PAMBUBULABOG SA IBA! NAKIKI-USAP AKO SA INYO TANTANAN NYO SI KRYSTAL!" galit na sigaw ni Kaith Dieln sa tinawag nyang Daielou. Kahit ngayon ko lang sya nakitang magalit ay natatakot ako. Iba siya magalit kung ibabasi mo sa palaging poker face nyang itsura. Kahit sino magagawang matakot sa kanya.


"KAITH DIELN, ALAM MONG HINDI AKO ANG NAG-UMPISA NG AWAY NA ITO! INAAWAT KO LANG SILANG DALAWA DAHIL PATI KAMI SUMASAKIT NA ANG ULO DAHIL SA KANILANG DALAWA!" depensang sigaw ni Daielou kay Kaith Dieln. Teka parang mali na ang nangyayari, hindi ba dapat ang DNG ang nag aaway? Bakit nasama ang mga kaibigan ko?


"PWEDE BA HINDI KAYO KAKALABANIN NI KRYSTAL KUNG WALA KAYONG GINAWANG MASAMA SA KANYA!" inis na sigaw ni Janelle sa kanila. Nagulat ako sa pagsigaw niya dahil parang wala sa itsura niya, sa pagiging sweet niya ang magalit ng sobra sa isang tao. Hindi ako makapaniwala na ang dalawa ko ng kaibigan ang nadadamay sa away namin ni Pink Princess. Hindi naman ito kasama sa plano ko ah!


"PATI BA NAMAN IKAW JANELLE! NGAYON NYO NGA LANG SIYA NAKILALA TAPOS KUNG MAGTIWALA KAYO, SOBRA SOBRA PA!" sigaw ni Pink Princess kay Janelle.


"KASI NAMAN MAS KATIWA-TIWALA SIYA KUMPARA SA INYO! KAHIT NA NGAYON LANG NAMIN SIYA NAKILALA HANDA PARIN NAMIN SIYANG IPAGTANGGOL KAHIT NA KAYO A ANG MAKALABAN NAMIN!" galit na galit na sigaw ni Zarnia sa kanila. SHIT! Kasalanan ko 'to kung bakit nadadamay sila Zarnia.


"KUNG GALIT PA RIN KAYO SA AMIN DAHIL SA PANG IWAN NAMIN SA INYO, WAG NYO NAMANG IPAMUKHA SA AMIN NA HINDI KAMI KATIWA-TIWALA! TAO LANG KAMI! AT NAPAPAGOD DIN KAMI!" sigaw ng pinakahuli nilang member.


"STOP IT JAY LEMIER! TUMIGIL NA KAYONG LAHAT! GALIT KAMI SA INYO DAHIL INIWAN NYO KAMI DATI! PERO DATI NA YON! IBA NA ANG NARARAMDAMAN NAMING GALIT SA INYO! ALAM NYO BANG GALIT NA GALIT KAMI SA INYO DAHIL SA KAYO YAN AT WALA NG IBA!" umiiyak pero may halong galit na sigaw ni Louience sa kanila. Teka anong ibig sabihin ni Louience? Iniwan sila ng DNG? Ibig sabihin may naging koneksyon sila ng mga kaaway ko?


"Tama na! Girls umalis na lang tayo dito!" yaya ko sa kanila para hindi na umabot pa sa sakitan. Galit ako sa DNG kaya ko sila pinagaaway, pero ang hindi ko alam na may mga tao din palang mas galit na galit sa DNG. Kung hindi ko lang pinahaba ang pakikipag sagutan kay Pink Princess hindi na sana aabot pa sa ganitong sitwasyon. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Sana nag timpi na lang ako para hindi na nadamay sa away ang bago kung mga kaibigan. Kahit ngayon lang kami nagkakilala hindi nila tinaggi na ipagtanggol ako kahit na ang DNG pa ang makalaban nila. Sana nandito din ang gang para magkakilala din sila.

The Demon AngelWhere stories live. Discover now