자정 대학교 01

142 10 0
                                    

Chapter Dedicated Towards:
SakuraImperial








Midnight University, a popular school for intelligent and talented teenagers. Isang tanyag na paaralan na kilala sa buong Asia... ang pagiging sikat nito ay ang dahilan kung bakit mas lalong nakilala ang ating bansa sa Japan at South Korea. Dahil sa hindi maubos na connection para sa resources ng founder ay hindi na ito maihahalintulad sa iba pang paaralan.

Matatagpuan lamang ito sa taas ng isang mayaman na burol sa Pilipinas, ang 13ft tall na pader nito ang humaharang mula sa mga outsiders upang walang maka pasok na kahit ano o sinong unexpected visitor. Mahigpit rin ang seguridad dahil sa security team na naka bantay bawat segundo... habang isang malaki at mataas na kulay itim na gate naman ang tanging daanan papasok at palabas.

Sa taas ng burol na isang kilo metro ang layo mula sa black gate ay may naka tayong tatlong building. Ang unang building ay pagmamay-ari ng freshmans at second years, mayroong apat na sections kada isang year. Habang ang second building naman ay territory ng third and fourth year sophomores. At library, laboratory, cafeteria, club rooms at iba pa naman ang laman ng pangatlong building.

Pero dahil sa hindi mapantayang kasikatan ng paaralan ay hindi maiwasang tumaas ang tingin ng ilang mga studyante sakanilang sarili. Sabi nga sa isang lumang kasabihan, perfection is dangerous. Hindi mapigil na kaguluhan laban sa iba't-ibang paaralan, kaya naman upang maiwasan ang nangyari mula sa nakaraan ay isang kakaibang patakaran ang pinatakbo ng founder.

Taon-taon ay isang tournament ang nagaganap sa loob ng unibersidad. Isang klase ng labanan kung saan masusukat ang talino, talento at lakas ng mga piling studyante... Midnightian ang tawag sa mga studyanteng nag-aaral ngayon sa Midnight University.

Mayroong apat na klase ng Midnightian... ayun ay ang Alpha, Beta, Omega at Rogue. Ang pinaka-una at nag-iisang mayroon ng pinaka mataas na posisyon sa buong paaralan ay tinitingala bilang ang Alpha, tanging ang kampyon lamang ng tournament ang makaka-upo sa pwestong ito. Tulad ng mga karaniwang alpha ay ito ang mamumuno sa buong pack, ito ang magpapatupad ng bawat batas at parusa.

Ang sunod na klase ay ang pangalawa sa pinaka mataas, ang kanang kamay ng alpha... ito ay walang iba kundi ang Beta. Ang pumapangalawa sa kampyon lang ang makaka-kuha sa titolo na ito, pangalawang pinuno na may trabahong panatiliin ang katahimikan ng school... at sundin ang bawat utos ng pinuno.

Habang ang pangatlo ay kilala bilang Omega, ito ang mga normal na studyanteng walang posisyon sa paaralan. Iilan lamang sa mga omega ang may pangalan na kilala sa buong campus, halos lahat kasi sakanila ay matatawag na ordinaryo. At ang panghuli ay ang Rogue, sila ang pinaka delikado at ang grupong may pinaka kakaunting myembro. Ang mga studyanteng ito ay ang mga nagre-rebeldeng walang ibang ginawa kundi ang sirain ang patakaran ng paaralan.



































































































Ngayon ay ang unang araw ng pasukan, at hindi tulad ng mga karaniwang unang araw ay kapansin-pansin ngayon ang mabigat na atmosphere na naka dagan sa buong paaralan, ramdam na ramdam ang madilim na awrang naka balot sa burol. Doble rin ang gwardiyang naka bantay at tila ba handa ng umatake ano mang oras.

Lahat ng ito ay dahil sa balitang kumalat tatlong linggo bago magsimula ang pasukan... ang balitang nagdala ng saya, lungkot, takot at pagkalito sa ilang mag-aaral. Ilang oras pa bago sumikat ang araw kaya naman madilim pa sa buong paligid.

Midnight UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon