자정 대학교 05

50 5 1
                                    

Chapter Dedicated Towards:
Storynever_end























Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka pinagmasdan ang tahimik na tanawin sa open field mula sa bintana ng bago naming classroom. Matapos ng insidenteng naganap kanina sa main bulletin board ay in-announce na magsisimula na ang klase.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at nagkaroon ako ng ganung picture sa bulletin board. Siguro ay kaagaw-agaw attention ang appearance ko? O baka naman mabilis akong sumikat dito? Pero hindi eh... iba naman kasi yung klase na tingin na binibigay nila sakin.

Marami ang may ayaw sakin, hindi iyon isang sikreto. Halata naman sa kinikilos ng ibang studyante na parang may ginawa akong masama sakanila. Grr... baka naman dahil sa presenyang meron ako?

All these thoughts are giving me a headache. Naputol lang ang pagde-daydream ko ng pumasok ang isang babaeng siguro ay nasa mid-thirties na. Base sa suot nitong uniform ay masasabi kong isa itong teacher.

Inilapag muna nito ang mga bitbit na folder sa teachers desk saka naka ngiti kaming hinarap. "Good morining, everyone." masayang bati nito saamin. Tumayo naman kaming lahat at binati ito pabalik bago umupo ulit.

Mas lumaki ang ngiti nito, tumalikod ito para kunin ang marker saka nagsimulang magsulat sa white board. "Before we start, let me introduce myself first." sabi nito bago kami ulit hinarap. "I'm Brianna Reyes, please call me Prof Anna. I'll be your advisor for the rest of the school year, so I hope we all get along together."

"Hmm..." inilibot nito ang paningin sa buong classroom. "Let's start with introducing ourselves to everyone first, shall we?" sabi ulit nito saka itinuro ang isang studyante mula sa first row.

"You, please stand up on front and introduce yourself." naka ngiting sabi ni Prof Anna. Tumayo naman ang babaeng studyante saka pumunta sa harap para magpakilala.

Mabuti na lang at naisipan naming sa last row umupo. Isa-isa silang nagpakilala, may ilang natagalan pa sa pagpapakilala dahil sa pagmamayabang ng kung anong meron sila at meron rin namang para bang hinahabol ng gutom na leyon dahil sa pagmamadali.

Normal ang takbo ng classroom. Maraming natatawa dahil sa ilang joker na nagpapakilala. Everything was going smooth hanggang sa ako na ang tumayo at naglakad papunta sa harapan. Ang kaninang puno ng tawanan at maingay na classroom ay napalitan ng katahimikan.

Makikita ang iba't-ibang klase ng tingin na ibinibigay sakin ng mga studyante habang naglalakad ako. Hindi ko na lang ito pinansin hanggang sa makarating ako sa harapan. Sanay naman akong nag-iiba ang atmosphere ng paligid pagdating sakin, kaya normal na rin ito.

"Zero Black... 17 years old." pagpapakilala ko.

Dahil nasa harap ako ay kitang-kita ko ang pasimpleng ginagawang bulungan ng iba habang naka tingin sakin. Kaya imbes magtagal sa harapan ay tiningnan ko na lang si Prof Anna, muka namang nakuha niya ang ibig sabihin ng tingin na ibinibigay ko sakanya.

"I guess that's all. Thank you, Mr. Black. You may now go back to your sit." naka ngiting sabi nito kaya nagsimula na akong maglakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon