자정 대학교 03

44 5 0
                                    

Chapter Dedicated Towards:
Krissa_109























Third day, ngayon ay ang pangatlong araw ng pasukan. Sa loob ng nakalipas na dalawang araw ay wala pa ring nagbago sa loob ng paaralan, walang gurong nagtangkang magturo kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisimula ang klase.

Bumukas ang black gate upang papasukin ang pitong naglalakihang motor-siklo, sabay-sabay na pinaandar ng mga lalaki ang kanilang itim na bike patungo sa tuktok ng burol. Matapos makapag-park ay bumaba na ang mga ito saka naglakad papunta sa garden.

Kahapon ay dito sila nagkita-kita. Nag-iikot sila Brix at Chase nang mapadpad sila sa malaking garden ng school. Itinuro ng dalawa ang nakitang lugar sa iba kaya naman napag-pasyahan nilang gawin itong tambayan, their territory.

"Zero, ano nanaman ba to?" tanong ni Ace saka pinakita ang cellphone, nagpe-play doon ang isang video.

Inis na hinablot ni Zero ang cellphone saka pinanuod ang video, uminit agad ang ulo niya matapos mapanuod ang video saka tinurn off ang phone. Binato niya ito pabalik na agad namang sinalo ni Ace.

"Hoy Zero, ito ba yung dahilan kung bakit ka late kahapon?" tanong ulit ni Ace ng hindi siya sagutin ni Zero.

"Papansin lang yan, I'm sure na kasabwat niya yung nagpost ng video para sumikat siya."

Magsasalita pa sana si Ace pero napatigil ito ng bumagsak ang katawan ni Brix sakanyang harapan. Galing lamang ito sa isang mahabang takbuhan kaya naman tagaktak ng pawis ang cute nitong muka.

"Wait lang... kailan ba tayo magsisimula?" sa kabila ng mapanlinlang nitong anyo ay ang kanyang malalim na panglalaking boses. Hinihingal na inabot ni Brix ang mineral water saka uminom.

"We still need to know this school." paalala ni Kai, naka pikit ang mga mata nito habang nakikinig sa usapan.

"Ayan naman parati yung sinasabi niyo eh, nagsasayang lang tayo ng oras." angal ni Jay, tiningnan ito ng masama ni Kai kaya naman agad rin itong nanahimik.

Tumunog ang school bell, sinyales na tapos na ang klaseng hindi naman talaga naganap. Halos lahat ay nagpuntahan sa parati nilang pinupuntahan tuwing recess-- ang cafeteria. Tumayo na sila Zero saka naglakad papunta sa cafeteria kasabay ang ilang mga studyante.

"Grabe kamo yung pagkain nila dito." maktol ni Brix na para bang kinikilabutan.

"Parang bulok yung ingredients na ginamit nila." sabi naman si Jay saka umaaktong nabubulunan.

Pumasok na sila sa cafeteria, tulad kahapon ay madali nanaman nilang naagaw ang atensyon ng mga babae. Tumayo si Mich saka tumakbo palapit kay Chase, with her hips swaying around like a wanna-be super model. Ngumuso na lang si Sofia saka inubos ang natitirang milkshake, hashtag loner forever kahit walang forever.

"Honey!!!" tawag ni Mich kay Chase saka ito yinakap ng mahigpit. Ginantihan ito ni Chase ng ngisi saka hinila paupo sakanyang lap.

Ang magulong cafeteria ay nahulog sa katahimikan ng bumukas ang double door. Hindi ito gumawa ng kahit anong ingay ngunit sapat na ang presensyang inilalabas ng bumukas ng pinto upang matigilan ang lahat. Napa lingon ang lahat ng pumasok ang isang babae.

Ang badge na naka kabit sa kaliwang dibdib nito ang nagpapakita sa lahat kung ano ang ranggo nito sa paaralan. Umupo ito sa dulong bahagi ng cafeteria, kung saan malayo sa lahat.

Midnight UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon