자정 대학교 02

61 6 2
                                    

Chapter Dedicated Towards:
KspKatren























Kanya-kanyang nakaw ng tingin ang mga kababaihan sa anim na lalaking naka upo sa gitnang bahagi ng cafeteria. Ang mga koreanong muka nito at mala-modelong katawan ang nagpapatulo ng laway ng ilan sa mga babae. Sinubukan rin ng ibang magpapansin sa mga ito pero bigo ang halos lahat.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Ace saka umi.nom ang kanyang pineapple juice, "Didn't I told you not to stay up late?" panenermon niya sa taong kausap niya sa telepono. "Lunch na pero naka hilata kapa rin dyan sa higaan mo, tumayo ka na nga saka pumunta dito." pahabol pa nito.

"Sige na, bilisan mo kung ayaw mong hindi kana papasukin ng mga guard." matapos niyang magsalita ay agad ring naputol ang tawag. Ibinulsa ni Ace ang kanyang cellphone ng tapusin ng kausap niya ang tawag, tiningnan niya ang lalaking nasa harap niya saka umiling.

"Damn, why don't I just knock some sense to him?" iritadong tanong ni Kai, napa buntong hininga na lang si Ace.

"Hayaan mo na... alam mo naman yung sitwasyon niya kahapon." isang matalim na tsk lang ang pinakawalan ni Kai bago bumalik sa pagkain. "By the way, how's your hand?" tanong ni Ace upang palitan ang pinag-uusapang topic bago pilit na ngumiti.

Nang mapansin ni Kai ang pagpapalit ng usapan ni Ace ay hinayaan niya na lang ito, itinaas niya ang kamao niyang naka balot sa bandage. "Mga ilang araw na lang okay nato."

"Ikaw rin, tumigil kana nga sa pakikipag basag-ulo. Muntikan nanamang tumawag ng pulis yung manager ng bar kagabi." sermon nanaman ni Ace habang naka turo ang tinidor sa muka ni Kai. Mahinang tinabig lang nito ang tinidor paalis sa harapan ng kanyang muka.

"Wag mo ngang itutok yan sa muka ko, mamaya matamaan pa yung mata ko eh." sabi ni Kai. "Isa pa, hindi naman ako yung naunang manggulo... lumaban lang ako."

"Basta, tigilan mo na yan kung ayaw mong ako yung bumugbog sayo." banta pa ni Ace pero hindi na lang ito pinansin ni Kai.

"Ano ba babe, you're so naughty talaga." malanding sabi ni Mich. Naka upo ito sa lap ni Chase habang mala-ahas na naka pulupot ang mga braso sa leeg ng lalaki. Mahinang napa tawa na lang si Chase bago uminom ng juice.

"Now say ahh..." malambing na sabi ni Mich habang hawak ang tinidor na may chocolate cake, umiling lang si Chase habang naka ngiti.

"Nah, I'm already full." pagtanggi nito, napa nguso naman si Mich dahil sa narinig pero mas lalo lang nitong inilapit ang tinidor, gusto pang pilitin ah...

"Dali na, isa lang. I even bought this for you... so please?" pilit ng babae na mas lalong ngumuso saka nagpuppy-eyes.

Naging dahilan yun upang mabura ang ngiti ni Chase. Pumikit ito ng mariin saka tiningnan ng seryoso ang babaeng naka upo sakanyang lap. "If I say no, then that means no." natigilan na lang si Mich dahil sa tingin at sinabi ng lalaki.

Unti-unti niyang binaba ang tinidor bago binigyan ng isang pilit na ngiti si Chase. "O-Okay."

Hinugot ni Zake ang kanyang cellphone na nagtatago sa loob ng bulsa ng kanyang pants. Walang tigil ito sa pagvibrate kaya naman binasa niya ang pangalan ng caller, Mr. Rosewood. Nang mabasa niya ang pangalan ay agad niyang tinurn off ang device bago muling ipinasok sa loob ng pants niya.

Hindi niya pinansin ang pagkaing naghihintay sakanyang harapan, kinuha na lang niya ang kanyang earphones saka ito isinaksak sa mp3. Tiningnan niya ang dalawang taong naglalandian sakanyang tabi bago hinablot ang rubiks cube sa tabi ng mga 'to saka nagsimulang buohin ang makulay na puzzle.

Midnight UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon