Tiningnan ni Kevin ang kanyang relo saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi matanggal ang ngiti sakanyang labi dahil sa news na nabasa sa Nightfall, kung hindi pa sakanya sinabi ni Jerome ang balita ay hindi niya pa malalaman na bumalik na pala ito.
Alam niyang mas mahihirapan siyang makuha ang trono ng alpha ngayon dahil may posibilidad na ang alpha na mismo ang kaniyang makakalaban. Pero mas maganda sa pakiramdam na ito mismo ang matatalo niya. Sisiguraduhin niyang hindi mapupunta sa wala ang apat na buwang ginugul niya sa pag-iinsayo.
Napa lingon ang lahat ng studyante ng Class 3-D sa pintong bumukas, isang lalaki ang pumasok na ikinagulat ng lahat. Pwera na lang kay Kevin na nginisian lamang ang lalaki.
Huminto si Kiefer sa harap ng mga studyante, inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng classroom. Nang makita niya si Kevin na naka-upo malapit sa bintana ay agad niyang tiningnan ang ibang mga studyante. Napa tahimik agad ang mga ito at naghintay ng kung ano ang sadya niya sa silid.
"All of you, get out." sabi niya na tinawanan lang ng iba, pero sinunod naman ng ilan. Napa pikit na lang siya at huminga ng malalim bago ulit tiningnan ang mga ito, "Everyone get out, except for Kevin Lee." ulit pa nito sa sinabi.
Lumabas ang kalahati sa mga studyante pero nanatili naman ang ilang pinagtatawanan lamang siya.
Kung hindi lang importante ang kailangan niya sakanyang kapatid ay hindi siya pupunta dito. Sino ba naman ang gugustuhing pumasok sa teritoryo ng mga rogues?
"It's an order from the alpha." dahil sa sinabi niya ay napatahimik ang mga nagtatawanan.
Wala pang sampung segundo ay tanging siya na lamang at si Kevin ang laman ng classroom.
Tiningnan niya si Kevin na kanina pa nakatitig sakanya, isang irap ang binigay niya dito na nagpalaki lamang ng ngisi ni Kevin. Ilang minuto silang nagpalitan ng tingin hanggang sa tumayo si Kevin at naglakad sa gitna ng dulong bahagi ng classroom.
"We need to talk." basag ni Kiefer sa katahimikan.
Mahinang tawa lamang ang pinakawalan ni Kevin, "Nasa Pinas tayo, okay? Ghad... my nose is blooding." biro nito na sinabayan pa ng malakas na tawa. "Gusto mong turuan kita magtagalog? Masyado kang stiff." dagdag pa ni Kevin na hindi naman pinansin ni Kiefer.
Sumandal si Kiefer sa teachers desk bago ipinag-krus ang mga braso, "I have a feeling that you already know the reason why I'm here." sabi lang nito, totally ignoring his brothers comments.
Napa hawak si Kevin sakanyang baba at napa tingin sa kisame, na tila ba nag-iisip. Tumagal iyon ng ilang segundo na nagpa-buntong hininga kay Kiefer. "Stop fooling around."
Dahil sa pagkuyom ng kamao ni Kiefer ay napa tawa na lang si Kevin. Hindi maiksi ang pasensya ni Kiefer, lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Parating nauunang uminit ang ulo ni Kevin, kaya naman parating ito ang talo. Pero iba ang sitwasyon ngayon, dahil iba ang may kailangan ngayon.
"Kalma lang... mamaya kagatin mo pa ko eh, sayang naman yung mga babaeng luluha pag nagka-rabies ako." natatawang sabi ni Kevin.
Nang tanggalin nito ang ngisi sa kanyang labi at ibalik ang seryosong tingin ng kakambal ay mabilis na nagbago ang lahat.
Naramdaman ng mga natitirang studyante sa labas ng classroom ang tensyong bumalot sa loob. Sinita ni Jerome ang chismoso't chismosang naka tingin sa bintana ng classroom para makakalap ng sariwang balita. Kahit na gusto niya ring malaman ang pinag-uusapan ng beta at leader ng mga rogues, wala siyang magagawa kundi ang hinatayin na si Kevin mismo ang magsabi nito sakanya.
BINABASA MO ANG
Midnight University
Подростковая литератураThis school year... A new story will be written... A new world will be shown... A new school will be known... New characters will be born... New allies will be loved... New villains will be hated... Untold secrets will be unfold... And a new destiny...