Hello Guys!! short story lang nga pala po ang PUSONG LITO! siguro mga 5 or 6 chapter na lang po !! xd
sa chapter na ito ay tuklasan po natin ang makulit at nakakatuwang pagkikita ni Dj at ang isa pang mag papagulo ng puso nya!! si julia!!
CHAPTER 3
“ OH kath nandyan ka pala!! Kanina ka pa dyan?? Mukhang pagod na pagod ka ah!” sabi kong gulat na gulat. Nakakahiya, kung anoa no sinasabe ko yun pala nandyan na sya.
Nag smile lang sya “ hinde naman, kakadating ko lang, yung nakita kita , nacurious lang ako kung sino nag dodoorbell, kaya tumakbo na ako papunta dito, galing akong dyan sa park , nag jogging lang saglit.” Sabi nya. Malamang nag jogging nga sya. Mukhang pagod sya, pawis na pawis eh, she look so sexy. Nakasuot pa sya ng headset. Ganda nya talaga!
“ahhh , kanina ka pa ba dyan?? Halika pasok ka sa bahay!” aya nya sakin tapos binuksan nya yung gate.
“ wait lang ha?! Pwede bang ipasok ko tong kotse ko sa bahay nyo?? Baka kc..., alam mo na?” sabi ko sa kanya sabay turo ng kotse ko.
“ Oo, naman.. sige pasok mo na!” sabi nya tapos binuksan ng mabuti ang gate nila at ako naman pumasok na at pinaandar ang kotse at pinasok at pinark sa garahe nila.
Pag kababa ko, pumunta na ako kung nasaan sya. “ ehhhmm, da-daniel..” sabi nya.
“Dj nalang!! “ sabi ko naman. Sabay smile ng todo habang sya ay parang naiilang sakin.
“ahh, Dj, hmm.. pwedeng hintayin mom una ako sa sala habang maliligo muna ako?? Kasi,kita mo na, pawis na pawis ako oh? Ang lagkit ko!” sabi nya. Mukhang nahihiya sya kasi halata sa mukha nya, hindi sya makatingin ng diretso sakin.
Tumango lang ako at naupo sa sofa nila at nilabas ko ang iphone 4s ko at nag laro ng temple run! Mahirap na, baka maboring ako, baka buksan ko yung tv nila at pag sabihan nila akong masyadong feel at home ako.
Mga 45 minutes LANG naman siguro ako nag antay bago sya bumaba!! Mga babae nga naman , inabot sya ng mahigit isang oras?? Eh ako pag maligo 30 minutes lang nakabihis na ako nun at ready to go na!
Hayyy may nakalimutan pala ako sa kotse.. “ kath, pwedeng doon muna tayo sa garden nyo?” tanong ko sa knya.
“Oohh sige!” sabi nya tapos nag smile ng bongga.
“pero, pwede mauna ka muna may kukunin lang ako sa kotse k opero susunod rin ako!” sabi ko. Mukhang nag taka naman sya pero sumunod naman sya sa sinabe ko.
SA GARDEN
KATHRYN’S POV
Ano ba yung lalaking yun,mag aayang pumunta dito sa garden tapos pinauna ako dahil may kukunin daw? Pinag hihintay nya lang ako eh, mukhang bumabawi sya kasi pinag hintay ko sya ng matagal !!
!! Hayyy maka upo na nga muna!” sabi ko sabay hinga ng malalim at umupo sa isang beach tapos pinagmasdan ko yung mga bulaklak at mga paro-parong nag sisiliparan. Ngayon ko lang nalaaman na maganda palang tumambay dito sa garden, dati diretso lang akong lumalabas at di ko man lang pinapansin itong jardin.
Maya maya may kamay na nag takip sa mga mata ko. Sino toh? Baka si dj siguro... “ D-dj ikaw ba yan?” sabi ko.
“ ay ang daya!! Alam na agad!” angal nya . sabay tangal ng mga kamay nya at umupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Ang cute kasi pag nag papout syaa?
“ paano ko di malalaman eh tatlo lang tayo ang nandito sa bahay! Wala yung mga kasambay namin si manang Perla lang ang kasama natin dito noh, at hindi namang pwedeng maging sya yun dahil halatang lalaki yung may ari ng kamay!” sabi ko sa knya na natatawa tawa.
BINABASA MO ANG
PUSONG LITO [on going]
Teen FictionWhat if kung matagal ka na nag hahanap ng mamahalin mo at wala kang mahanap. tapos humiling ka sa Dyos na bigyan ka nya ng kasintahan. Isa lang ang hiniling mo pero dalawa ang dumating at nagkataong pang mahal mo sila pareho. anong gagawin mo kung...