"Eto na naman siya. Bakit ba nakukuha niya lagi ang attention ko. Lahat ng ginagawa niya nakikita ko. Pero ang ganda niya kasi. Matalino pa. Mabait. Haaayyyy, pero hindi naman niya ako mapapansin. Okay lang. Kuntento naman ako sa ganito."
"Glaiza.."
"Glaiza.."
"Glaiza!!!"
Bigla naputol ang thoughts ni glaiza.
"Ano ba yun Lauren?"
"Luhhh... Kanina pa kita tinatawag. Pero i think i lost you there. Ano ba kasi? Bakit kaba tulala?"
Bakit nga ba? Tanong ni glaiza sa sarili niya. Well, isa lang naman ang sagot. Dahil kay Rhian Howell.
Si Rhian Howell ay Student council president. Kapag may concern sa mga subjects, sa tuition fees, sa mga kung anu ano... Pwede siya mag bigay ng assistance.
Malaki nadin ang naitulong ni Rhian sa mga studyante. Hindi lang siya basta president pero kaibigan din siya.Top honor student si Rhian. Madalas siya ang nanalo sa mga contest inside and outside ng school. Kaya very proud ang School Council dahil nabibigyan ng opportunities ang school at bawat estudyante dahil sa dedication ni Rhian.
Well, anak si Rhian ng sikat na business man. Si Mr. Garette Howell ang nagveventure ng halos lahat ng business sa Pilipinas kaya naman kung tutuusin hindi na kailangan magsikap ni rhian pero sa kagustuhan niya na maging matagumpay sa sarili niyang sikap nakiusap siya sa tatay niya na mag aaral siya sa isang public school. Ayaw sana ng tatay niya pero dahil sa pakiusap at explanations niya napapayag niya nadin ito.
"Glaiza! Ano ba?!!!" Tapik ni Lauren sa balikat ni Glaiza.
"Sorry Lauren. Ahhh naisip ko lang yung mga assignments at ipapasa na projects kasi." pag iwas ni Glaiza.
"Talaga? Nasa mukha ba ni Ms. Student Council President ang assignments at projects natin?" Pang aasar ni Lauren.
"Siraulo. Napatingin lang ako sa kanya noh. Andami pa natin gagawin Lauren. Yung sayo ba nakagawa kana?"
"Nako.. Ang hirap nga eh. Lalo na yung reaction paper para sa libro na pinapabasa ni Ms. Enriquez. Haaay... Nga pala.. Pupunta ako sa Student Council mamaya. Gusto mo sumama?" pag aya ni Lauren kay Glaiza.
Bigla binuksan ni Glaiza ang libro niya para maitago ang pagbblush niya. "Ahhh Lauren, ano naman gagawin ko don. Wala naman ako concern don eh."
"Glaiza.. Sige na. Doon mo na gawin ang assignments at doon ka nadin magreview. Please?" pakiusap ni Lauren.
"Hayyy Sige na nga. Hindi lang kita best friend eh. Sige after class nalang."
Narinig na nila ang bell hudyat na start na ng afternoon period nila.=================================
"Hello Lauren.. Asan kana?" kausao ngayon ni Glaiza ang kaibigan sa cellphone.
"G, antayin mo nalang ako sa labas ng Student council office. Overtime si Mr. Olivar eh. Wala daw kasi siya bukas. Pero saglit nalang naman ito."
"Eh kung bukas kanalang kaya pumunta sa S.C office?" pagsuggest ni Glaiza kay Lauren.
"Glaiza, hindi pwede. Dapat nga noong nakaraan pa ito naging busy lang. Magpapatulong lang ako saglit kay Ms. President tapos uuwi na tayo."
"O sige. Aantayin nalang kita dito sa labas ng S.C Office."
At inend na ni glaiza ang tawag.
Maaga natapos ang klase ni glaiza. Nagpa seatwork lang ang teacher niya na natapos naman niya agad.
Para hindi siya mainip, kinuha muna ang assignment niya sa bag niya.
Upang hindi madistract sa katahimikan ng paligid dahil halos lahat ay nasa klase pa kinuha niya ang phone niya at nakinig ng music.
YOU ARE READING
My Ultimate Crush
FanfictionShe's different amongst the sea of people. Well, as a person, she is amazing. She is beautiful, inside out. My ultimate Crush