"Lauren.."
"Uy glaiza, ano ang busy mo ahh."
Nasa may cafeteria si Glaiza at Lauren ngayon. Since break time nila dito nila naisip magkita.
"Oo nga eh. Kahit ikaw din naman ahh. Ano ba yan ginagawa mo?" tanong ni glaiza.
"Wala, sa soc sci lang. Reporting. Eh teka... Kamusta na kayo ni rhian?" pataas taas pa ang kilay ni lauren habang nagtatanong.
"Alam mo ikaw, matagal ka napalang may alam hindi mo man lang sinabi saken. Grabi ka."
"Hello, Glaiza. Ano kaba. Secret nga yun eh. Tsaka pinagkatiwalaan ako ni Rhian sa bagay na yun. So ano nga kamusta naman kayo?" Pangungulit ni Lauren kay Glaiza.
"Steady lang naman kami laur. Pero alam na niya yung feelings ko para sa kanya." Nakangiti na sabi ni glaiza habang nagsusulat sa notebook neto.
"Aba! Talaga inamin mo na ha. So mutual naman pala kayo. Ano paba inaantay nyo?"
Napabuntong hininga si glaiza. Ano pa nga ba ang inaantay nila ni Rhian?
Ilang araw na naging busy si glaiza kaya hindi sila nakakapag usap ni rhian. Ganun din naman si rhian. Malapit na din ang school event na inoorganize nila pero dahil nagsabay sabay ang mga projects and exams madalang sila mag usap. Buti nalang 90% na ng program ang natapos nila. The rest madali nalang since ang concern nalang naman don yung school grounds nila na hindi naman masyadong problema dahil may mga nakausap na sila na studyante na tutulong plus nag post pa sila sa bulletin board ng kung sino pwede mag volunteer ay pwede magpalista sa S.C office.
Nasa library ngayon si glaiza. Siya kasi ang library assistant ngayon
Nagsusulat siya sa notebook niya ng magiging schedule niya next week.
Nang may nag abot sa kanya ng library card na humihiram ng book."Sorry, wala kasi tayong—"
"Ouch.. wala palang tayo."Nagulat si glaiza ng nadinig ang boses ng nasa harap niya. "Rhian?"
"Hello Glai." All smile na pagbati ni rhian.
Nangiti naman si glaiza. Tumayo siya at niyakap si rhian. "Grabe, namiss kita."
"I missed you too Glai."
Bumitaw si glaiza sa pagkakayap kay rhian. Parang kumabog kasi bigla yung dibdib niya.
"Wala kang klase ngayon?" Pag iiba ni glaiza." wala. Tapos nakita kita dito so pinuntahan kita. Ayaw mo na naandito ako?"
Nangingiti si glaiza sa kakyutan ni rhian. Kinuha ni glaiza ang kamay ni rhian. "Tara nga dito. Maupo ka. Alam mo naman na gusto ko lagi kitang kasama diba? Mejo naging busy lang tayo kaya hindi tayo nakakapag usap. Pero naiisip kita lage."
Namula naman si rhian sa mga salita ni glaiza. Did glaiza just confessed?
"O bat namumula ka djan?" Tanong ni glaiza
"Glai.. i want the truth?" Tumingin si rhian sa mata ni glaiza. "What are we? This? Ano ito?"
"Kailangan ba may ibig sabihin?" Balik na tanong ni glaiza.
Nasaktan naman si rhian sa tanong ni glaiza. Bakit nga ba magkaroon ng meaning sa kanila ito?
"It's just that—"
"I know. I'm just kidding. Pero seryoso. I meant everything i said rhian. I like you rhian. So much." Sincere na pagsasabi ni glaiza.
"Then, if so... i would like to take you on a date. I want this. Everything that's happening between the two of us."
"But rhian.." bakas sa hesitation sa boses ni glaiza.
"what?" Kinakabahan ni rhian. "aren't we on the same page?""Of course, we are. But are you sure? President ka ng Student Council. They might question you or—"
Inilagay naman ni rhian ang index finger niya sa lips ni glaiza. "Glai... just don't think about what lies ahead? Okay?" Nakatingin naman sila sa mata ng isa't isa. "What important is now. This. What we have. I know na naging mabilis at spontaneous ng closeness na meron tayo. But you don't have to worry. Walang pressure. I just like take you on a date. Because you deserve it. Because you are such an amazing person."
Naluha naman si glaiza sa mga words ni rhian. Sa pagitan nila si rhian talaga ang vocal sa nararamdaman nito.
"O bat umiiyak ka?" Nag aalala na tanong ni rhian.
"Tears of joy. Why on earth ako ang nagustuhan mo? I don't deserve this pero ito ka pinapasaya mo ako."
Hinawakan naman ni rhian ang kamay ni glaiza. "Sabi ko nga... you are such an amazing person. Madami ang hindi pa nakakakita non kasi very private kang tao. Pero masaya ako kasi nakita ko yon in a short span of time na nakasama kita. So this is very important to me. You are important to me."
=========================
After ng library cheesy moment nila ni glaiza, nag isip si rhian ng paano ang date nila ni glaiza. Hindi naman sana mahirap para sa kanya kaso naisip niya na very special si glaiza kaya hindi pwede ang basta basta. Napag usapan nila ni glaiza na after nalang school event at exams nila ang date. Pero gusto ni rhian na maging memorable ito.
=========================
Palapit na ng palapit ang event para mga students. Ang exams naman ay malapit naden matapos.Naisipan ni glaiza na ayain si rhian para mag lunch sa bahay nila.
"Glaiza, iba ang kinang ng mata mo ah. Mukhang iba talaga ang epekto sayo ni rhian." Panunukso ng mama ni glaiza sakanya.
"Haha! Grabe ka mang asar noh?"
"Hahaha! Bakit anak? Totoo naman ah. Mas naging energetic ka pumasok." Sagot naman din ng papa ni glaiza
"Lage naman po ako energetic even before pa ni rhian."
"Nako anak. Wag mo nai-deny kasi iyon talaga ang nakikita namen."
Nadinig naman nila ang busina ng sasakyan ni rhian.
"Ma, Pa please wag nyo po ako tutuksihin sa harap ni rhian. Okay?"
Nadinig na nila ang doorbell.
Nangingiti naman ang parents ni glaiza.Nasa harap sila ngayon ng hapag kainan. Kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na kamustahin ang isa't isa.
"So Yoyon, how's your dad?" Tanong ng papa ni glaiza."Yoyon?" Tanong ni glaiza.
"Well, hindi nyo pa po pala nakakalimutan ang nickname ko na yon. Haha! Dad's fine. Nasa california po siya ngayon for some sort of convention." Masaya na kwento ni rhian.
Very smooth naman ng naging lunch nila. After nila mag ayos ng pinag kainan nila, nanuod sila ng movie kasama ang parents ni glaiza.
Mga 4pm na ng natapos ang bonding nila.
"Anak, dalhin mo na itong cake. Bake yan ni glaiza."
"Ma.." nahihiya na sabi ni glaiza.
"Bakit anak? Totoo naman diba. Sige na iha, tsaka ikamusta mo kami sa daddy mo ha?" Sagot ng daddy ni glaiza.
"Thank you po. And glaiza, salamat sa pa-cake mo ha?"
"Okay. Ingat pag uwi. See you nalang sa school."
==========================
YOU ARE READING
My Ultimate Crush
FanfictionShe's different amongst the sea of people. Well, as a person, she is amazing. She is beautiful, inside out. My ultimate Crush