My Ultimate Crush (III)

1K 33 1
                                    

Rhian.

"Rhian, anak, mukhang piesta ahh.. Siya ba yung kinukwento mo?" tanong ni nanay josie sakin.

Napangiti ako sa tanong niya.
"Nay, wala talaga kong matatago sayo noh?" Natahimik ako saglit at napabuntong hininga. "Siya yun nay. Yung lagi kong tinitingnan sa school. Pero hindi naman niya ako napapansin."

Lumapit saken si Nanay josie at tinapik ako sa balikat. "Anak, hindi lang siguro kayo nabibigyan ng pagkakataon. Busy kayo parehas. Kayong dalawa ng precious gems ng school nyo. Kaya may mga responsibilidad kayo. Hindi pa naman huli ang lahat para maging magkaibigan kayo."

Sabagay. Tama si Nanay Josie.
Salamat nalang din sa party ng school para sa students nagkaroon kami nI Glaiza ng pagkakataon para magkakilala.

Pag katapos namen ni Nanay josie mag prepare, nagsearch ako sa student's profile ng school. Well, perks. Meron akong access since hawak ko nga ang student council.
Tiningnan ko ang profile ni glaiza.
Nakita ko ang address at contact number ng parents niya.
Kung tutuusin pwede ko naman ito gawin kanina sa clinic habang natutulog siya pero gusto ko siya alagaan. Okay lang siguro ito. Tatawagan ko nalang ang parents niya. Sasabihin na ihahatid ko nalang si glaiza bukas.

==================================

Glaiza.

Nakatulog ako pagkatapos ko kumain ng handa ni rhian na arozcaldo. Wow. Parang yung pahinga ko nabawi ang pagod ko sa school.
Pag check ko sa relo ko... HOLY PANDA!!! ALAS OTSO NA NG GABI!!!!
Napatayo ako bigla sa kama ni Rhian. Dali kong inayos yun.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa lamesa.
Paglabas ko ng pinto doon ko nakita na ang laki pala talaga ng bahay nila rhian!!
Totoo pala yung sinasabi ng mga school mates ko na nakapunta na dito. Akala ko exaggerated lang pero mansion pala.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan at nadinig ko na nasa kusina siya.
Pumunta ako don at nasurpresa ako na andaming nakahain. Naisip ko baka may iniexpect siyang bisita. Dapat na nga ako umalis nakakahiya naman na iintindihin pa niya ako.
Nakatalikod siya saken kaya hindi niya ko napansin.
May kausap siya sa telephone at mukhang masaya pa ito.

"Opo. Sige po ako ang bahala. Thank you po ah.. Ihahatid ko po bukas ng umaga."

Aalis pala siya bukas. Ano naman kaya ung ihahatid niya? Anyway, bago pa dumating ang mga bisita niya, magpapaalam nako.

Pagka-end niya ng tawag humarap siya sa direksyon ko. Nagkagulatan pa kami.

"AHHHHH!!" Napasigaw si rhian kaya nagulat din ako.

"Nagulat naman ako sayo Glaiza. Ahhh.. Kanina ka pa ba dyan?" tanong ni rhian.

"Medyo. Ahh.. Rhi, salamat sa pag aasikaso saken. Tsaka pasenya nadin--"

"It's okay glaiza. Come. Kain na tayo. Pinahanda ko to para makakain ka ng maayos."

Nagulat ako. Kami. Lang. Ang. Kakain. Nito?!!!!!! Sa dami ng nakahain, parang may pyesta!

"Ahh.. Ha.ha. Rhi, may dadating ka pa ata na bisita. Andami kasi nito." Natatawa na sabi ko.

Nagsmile siya saken. Shoot! Yan ganyan niya. Dyan ako nafall eh!

"Wala noh. Tayo lang kakain niyan." hinila niya ko at pinaupo na. "Kaya umupo kana djan at kumain."

"Rhi.. Tatawag lang ako---"

"Okay na. Natawagan ko na ang parents mo. Well, buti nga daw at nandito ka. Hindi naman sila masciado nagworry kasi tumawag na ang school kanina sa kanila."

Wow. So. Wala napala ako aalahanin. Talaga ngang magkakilala sila ng parents ko.

Nagstart na kami ni Rhian kumain.
Nagkwento siya pano nagkakilala ang parents niya at parents ko.

My Ultimate Crush Where stories live. Discover now