Chapter 24

1.2K 21 7
                                    

"IKAW" sigaw ni Xian at Matteo.

"May kinalaman ka ba sa nangyari kay Kim ha! Hayop ka!" galit na wika ni Xian. Sinubukan niya sampakin yung lalaki kaharap niya pero pinigilan siya ni Matteo.

"Wala akong kasalanan, tumutulong lang ako. Nakita ko kung sino nagnakit kay Kim." mahinang sabi ni Gerald. Nanginginig ang boses to at halatang natatakot siya.

"Paano, at sino" tanong ni Matteo

Napabuntong hininga muna si Gerald bago sumagot, "Sa mga nakalipas na buwan sinusundan ko kayo ni Kim. May nag padala ng sulat sa akin, ang nakasulat sa letter kung gusto ko siya tulungan sumira sa buhay ni Kim. Nung una hindi ko alam kung bakit ako pa ang tinanong niya pero naalala ko ang rumor na kinalat ko sa balita tunkol kay Kim at baka akala niya may galit din ako kay Kim. Natakot ako, baka kung anong gagawin niya kay Kim kaya araw araw ko kayo sinusundan. Nung nagtaping kayo sa Palawan nakita ko ang lahat na nangyari. At totoo ang sinasabe ang mga pulis, sinadya talaga ang accidente."

"Eh sino!" malakas na tanong ni Xian.

"Walang iba kundi yung tanging babae nagseselos sa kanya... si Jennelyn Dela Santa." determinadong sagot ni Gerald.

Hindi alam ni Xian kung ano talaga and dapat niya maramdaman. Ang alam lang niya na galit na galit siya sa mga kasalanan ni Jennelyn. Parang sasabog ang puso niya. Nakonsensya siya dahil ipinagtangol pa niya si Jennelyn noon.

"Tingnan mo bro. Si Jennelyn nga!" sabi ni Matteo.

"Hayop talaga ang babaeng yun, pag nakita ko siya di ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa kanya!" galit ang wika ni Xian

"Bro relax lang, take it easy" sinubukan ni Matteo ma huminahon si Xian.

"Take it easy, TAKE IT EASY!?? Matt, ang pinakamamahal kong babae nasa ICU, di ko nga alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon, at nangyari ang lahat na yun dahil kay Jennelyn! Matt kung may masamang mangyari kay Kim pasensya na lang kay Jennelyn, pero di ko talaga kaya makita ang pagmumukha niya kahit kailan." sabi ni Xian halos lumuluha na.

Walang nakapagsalita. Tahimik silang lahat muling nagsalita si Xian.

"Gerald, bakit mo to sinasabe sa akin?" mausisang tanong ni Xian.

"Dahil alam ko marami akong kasalanan kay Kim.... at sayo. Gusto ko na makipag ayos na tayong lahat. Handa na ako kalimutan si Kim." magmamakaawa si Gerald.

Nakita naman ni Xian na sincere si Gerald at tinangap niya to ng buong buo, "Sige Gerald, pinapatawad na kita. Pero wag mo akong sisihin kung di ko pa kaya magtiwala sayo."

Tinangap to ni Gerald, "Naiintindihan ko, at gagawin ko ang lahat para bumalik yun."

"Pero guys, anong gagawin natin ngayon? Sigurado ako tatago yun si Jennelyn pag nalaman niya alam na natin na siya ang may kasalanan. Tatakas yun!" problemadong wika ni Matteo.

Nagisip si Xian, "Sabihin nalang natin sa pulis at sila nalang ang bahala."

"Pwede, pero sigurado ba tayo na maniniwala sila sa atin. Baka kailangan nilang mas maraming ebidensya" sabi ni Gerald.

"Tinago mo ba ang mga sulat na pinadala sayo ni Jennelyn?" tanong ni Xian

"Oo pero di nakasulat ang pangalan niya sa mga letters eh" napabuntong hininga si Gerald.

Tahimik na naman silang lahat. Nagisip sila ng paraan. 

"Ipakita nalang natin ang mga sulat. Baka makakatulong yun." sabi ni Xian.

Pumayag silang lahat tapos umalis sila. Habang nagda-drive sila tumigil si Matteo sa pagmamaneho.

"Bakit bro?" tanong ni Xian.

"Kailang pa natin bumili ng pagkain" ngumiti si Matt.

Tumawa si Xian, "Oo nga no!"

Confused lang si Gerald, "Bakit?"

"Eh kasi nagsinualing kami kay Maja. Sinabe ko sa kanya na magbibili lang kami ng pagkain." paliwanag ni Matt.

"Ikaw kasi brad!! Para kang criminal magtext sa amin" biro ni Xian kay Gerald sabay tawa.

Tumawa rin Gerald, "Eh kailangan ko kasi gumawa ng paraan para masigurado na di kayo isama ang mga pulis"

Naging maayos ang samahan nila. Bumili muna sila ng pagkain tapos dumiretso sa ospital. Nung nakarating sila dun nakabahan si Xian sa nakita nilang umiiyak si Maja.

"Maj, bakit ba?"

Ano ba kaya nangyari? Abangan

Heeelllooo guys!!!! Sorry talaga sa matagal ko di nag UD. Di ko agad nakasulat ng estorya nung bumalik ako sa bakasyon. Tas nagsimula pa ang skool ko kaya sobrang busy ako. Pasensya na rin kung medyo bitin ang story pero simula lang pa to.

Vote and Comment kung deserving ako!

I-message niyo sa akin kung anong bagong FanFic gusto niyo, ipagpahanda ko yan

SALAMAT <3

Love in ShowbizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon