Chapter 27

1.3K 24 4
                                    

"Kim!" masayang wika nito.

Ngumiti lang ng kunti si Kim.

Napaiyak si Xian at sobrang masaya siya na nagising si Kim, "Salamat sa dios na nagising ka! Matagal ka na ba nagising, anong pakiramdam mo ngayon?"

Ngumingiti lang na naman si Kim. Bigla nagalala si Xian.

"Dok bakit di siya nagsasalita?"

"Dahil naapektohan ang brain niya naapektohan rin ang pagsasalita niya. Pero normal yun sa condition niya. In time babalik din ang speech niya. Kung gusto mo siyang kakausapin pwede mo sabihin sa kanya na pumikit ng isang beses kung Oo o dalwang beses kung hindi. Pero sa mga ibang tanong pwede niya ipasulat sayo." paliwanag ng doktor.

"So makapagsulat parin siya?" tanong ni Xian.

"Oo naman po. Speech lang ang naapektohan sa kanya pero nasa tamang isip parin siya. Actually nagulat po kami kasi naaalala parin niya ang lahat. Sa tama ng untog ng ulo niya akala po namin na mawawala ang memorya niya kaya great improvement to para sa kanya" sabi ng doktor.

Sobrang natutuwa si Xian. Tinawag niya si Maja at si Matt, "Bro! Nagising na si Kim! Nagising na siya!"

"Ano! Talaga! Sige pupunta na kami jan" masayang wika ni Matteo.

"Hon bakit, may nangyari ba kay Kim?" tanong ni Maja.

"Gumising na si Kim!"

"Talaga! Hay salamat naman sa sa dios! Tara puntahan natin siya!" malaking ngiti ni Maja.

Mga 1 hour dumating na sila sa ospital. Nakita nila si Kim na ngumingiti.

"KIM!! Oh my god! Okay Ka na talaga!!" malakas na sabi ni Maja.

"Oh Kim anong nararamdaman mo ngayon?" masayang tanong ni Matteo.

"Hindi pa siya makapagsalita." sabi ni Xian.

"Bakit?" tanong nila Maja at Matteo.

Sinabe ni Xian ang lahat na pinaliwanag ng doktor sa kanya at sobrang masaya silang lahat sa pag galing ni Kim. Nagbigay sila ng papel at pen para kung may gusto siyan sabihin sinusulat lang niya. Habang nagkwekwentohan ang mga mahal niya sa buhay may bigla siyang gustong tanongin.

*Anong nangyari sa akin? Sinong gumawa to sa akin?*

"Babe, si Jennelyn. Pero wag kang magalala, nasa kulongan na siya. Hindi na niya tayo gugulohin." sabi ni Xian sabay ngiti sa girlfriend niya.

Sa mukha ni Kim parang nagtataka ito.

"Bakit babe?"

*Akala ko okay na kami*

Napabuntong hininga si Xian, "Sorry babe, pero pinlastikan ka lang niya para pumunta ka sa deck."

Nakita nila na medyo na lunkot si Kim.

"Wag kang magalala mahfriend, wala na siya hindi ka na niya i-sasaktan. Kaya smile ka na jan! Gumaling ka na dapat masaya ka okay!" tumawa si Maja.

Ngumiti na si Kim at tuloy tuloy ang kasayahan.

Two months later~

Nakaalis rin si Kim sa ospital at patuloy tuloy ang pag galing niya. Unti unti bumabalik ang speech niya. Si Xian araw araw hanggat gabi inaalagaan si Kim at binabantayan. Aalis ito pag nakatulog na si Kim at babalik siya tuwing alas kawtro ng umaga. Kung meron show si Xian, si Maja o si Matt ang nagaalaga sa kanya. Tuloy to hanggat na fully recover si Kim

Isang araw bumisita si Maja at Matteo sa bahay ni Kim.

"Sobrang masaya kami na gumaling ka na talaga." masayang sabi ni Matteo.

"Oo nga best friend! Hindi kasi kami sanay na hindi ka nagsasalita eh!" sabi ni Maja sabay tawa.

"Siempre naman! Paano ba ako di gagaling, kung meron akong Maja, meron akong Matteo, at meron akong BEST BOYFRIEND EVER!" malakas ang wika ni Kim.

Lahat sila nagtatawanan at nagkasayahan.

"Pero salamat talaga ha. Dahil sa akin naabala ko kayo" sabi ni Kim.

"Sus! Wag mong isipin yun! Alam mo naman parang kapatid ang tingin namin sayo no!" ngumiti si Maja sa kanya.

"Sigurado ako napagod kayo sa pangaalaga sa akin. Lalo na ikaw" tumingin to kay Xian.

"Babe, kahit habang buhay kitang aalagaan gagawin ko. Hinding hindi ako mapapagod basta para sayo." hinalikan ni Xian ang mga kamay ni Kim sabay ng isang matamis na ngiti.

"The best talaga kayo!" masayang sabi ni Kim.

Habang nagkwekwentohan sila may biglang kumatok sa pinto. Binuksan ni Xian.

"Gerald! Napadalaw ka. Ano ba nangyari sayo bro? Pagkatapos ng kaso natin kay Jennelyn hindi ka na nagpakita sa atin! Pasok." bati ni Xian

"Hi guys. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa inyo. Meron lang ako inasikaso sa states eh." sabi ni Gerald.

"Hi Gerald" bati ni Kim

"Kim, musta ka na? Mukhang ang galing galing mo na ah"

Tumawa si Kim, "Oo nga eh.. Um Gerald...salamat pala sa lahat na ginawa mo para sa akin"

"Wala yun, alam ko kasi maraming beses kitang sinaktan. Bumabawi lang ako. Actually pumunta talaga ako dito para humingi ng tawad sayo, sa lahat na ginawa ko sayo." ngumiti ng kunti si Gerald kay Kim.

"Oo naman! Basta wag mo ulitin ang ginawa mo noon ha!" pambiro ang boses ni Kim.

"Oo promise" sabi ni Gerald sabay tawa.

"Oh ano! Since okay na ang lahat, mag mini party tayo!" masayang wika ni Xian.

Nagustohan nila ang idea ni Xian at agad agad sila nag party. May masayang music, maraming pagkain, at nag karaoke sila. Tuloy ang kasayahan habang nagkwekwentohan at nagchichikahan. Paminsan minsan pinapanood ni Xian si Kim. Pag nakikita to na tumatawa o ngumingiti si Kim sobrang masaya ang pakiramdam niya. Para kay Xian ang pangarap lang niya para kay Kim na magiging masaya siya.

Nung natapos ang party nag paalam silang lahat. Si Xian lang ang natira sa bahay ni Kim.

"So babe, did you enjoy your day?" tanong ni Xian

Yumakap to kay Xian, "Oo naman. Sobrang masaya ako. Lalo na ngayon na kasama kita."

"Alam mo, ako rin. Sobrang masaya ako ngayon. Pag masaya ka masaya rin ako." sabi ni Xian habang kayakap niya ito.

"Sa tingin ko, malaya na tayo. Malaya sa mga problema. I mean alam ko marami pang pagsubok darating sa buhay ko, pero alam ko kakayanin ko ang lahat na yun basta kasama ko ang mga mahal ko sa buhay." ngumiti si Kim kay Xian.

Tumingin to kay Kim at hinawak niya ang mga kamay ni Kim, "Babe, mahal na mahal kita. Wag na wag mo kalimutan yun"

"Mahal na mahal rin kita" sabi ni Kim.

Sobrang masaya silang dalawa at buong gabi sila naglambingan.

{Ano bang tingin niyo sa chapter na to?}

Vote/Comment/Like below!!

~Thank you for reading my story. To get updates please follow me on my twitter @143MrXianLim and/or my Tumblr @143alexanderuy. God Bless

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love in ShowbizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon