* * * * * *
Escape
"Sinong nandyan?!"
O_O Hala ang mga Margard Keepers nandidito! Paano ako makababa nito? Kung makita nila ang mukha ko siguradong makukulong ako ng napakaaga at paano na si Kuya? Saan ako dadaan? Anong gagawin ko?
"Kung sino man ang nasa taas bumaba ka na dito! Kung hindi, kami ang aakyat dyan!"
"Ang taas nyan pre ah, kaya ba nating akyatin yan?" Tugon ng isang kasama nya.
"Tumahimik ka!" Sigaw sa kasama nito. Pakiramdam ko dalawa sila ang nasa baba.
"Joy!" Tumingin agad ako sa taas.
"Saluhin mo ang lubid dali!" Inihagis niya ang kabilang dulo ng lubid at sinalo ko naman ito. Tinititigan ko muna ito at napaisip. Susunod ba ako kay Lian? Iiwan ko ba talaga si Kuya mag-isa dito sa baba? Magiging makasarili din ba ako katulad niya? Gusto kong makasama si Lian pero naaawa ako kay Kuya! Ano nang gagawin ko?!
"Hindi ka pa bababa ha?! Ako ang aakyat dyan!" Rinig ko ang yapak ng mga paa nya sa napakalaking bato na parang umaakyat na.
"Kaya mo na yan, pre." Sabi ng kasama niya at parang nagkasagutan ang dalawa na hindi ko marinig at maintindihan.
"Ano na Joy?! Bilisan mo baka maabutan ka niya!" Taranta kong tinali ang lubid sa bewang ko at nang makasigurado na ligtas ang pagkakatali ko sumigaw ako.
"Okay na!" Sinimulan niyang hilain ang lubid at medyo mabagal ito dahil sa gravity na pumapagitan sa amin. Tumingin ako sa baba at hindi ko pa nakikita ang kamay ng tagapagbantay so ibig sabihin matatagalan siya sa pag-akyat.
"Hindi kita b-bibitawan." Binalik ko ang tingin sa taas. May diin ang pagkakasabi niya dahil sa hirap na dinadanas niya ngayon sa paghila sa akin papunta sa kinaroroonan niya.
"Hindi ako mamamatay." Bulong ko sa sarili ko. Sana hindi maulit sa akin ang nangyare sa babae na minahal ni Lolo. Sana maging matagumpay si Lian sa paghila sa akin.
"Hoy-asdfghjkl!" Narinig ko mula rito ang boses ng tagapagbantay. Ibig sabihin malapit niya ng abutin ang tuktok ng bato.
"Dali-an mo, Lian!"
Pagkatapos nun sumakit nang grabe ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Nagmamanhid na ang buong katawan ko pero ramdam ko pa rin ang bawat kirot sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Bigla akong nanghina at lumalabo ang paningin at pandinig.
Anong nangyayare sa'kin?
Ganito ba ang pakiramdam kung tumawid ang mga lowlanders sa itaas? Parang lalagnatin ako na parang maraming sugat ang natamo ko.
Ang tanging alam ko lang, hinihila ako pataas ni Lian habang bakas sa mukha niya ang hirap at hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya.
Sumulyap ako sa malaking bilog na kasing liwanag ng mga kaulapan. Ito na siguro ang huling sandali na makikita ko ang buwan.
At tuluyan na akong nawalan nang malay.
* * *
Hindi ko na alam ang nangyari kasunod nun. Parang tumigil ang oras at hindi ko na maalala ang sumunod na nangyare dahil pagkagising ko nakikita kong puting kisame at hindi ako makapagmuklat ng maayos dahil sa matinding sinag ng ilaw na bumabalot sa kwarto. Ginalaw ko ang ulo ko nang mahina para makita ang loob ng kwarto. My head throbbed when I tried to turn my head. So hindi pa pala nawala ang nararamdaman ko sa mga oras na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/123402800-288-k796084.jpg)
BINABASA MO ANG
Upside Down (ON-GOING)
RandomTHOUSAND YEARS AGO - there's an enchanting floating island called Meridia. It was exploded for unknown reason and two huge remnants remained, known as the Fikovia and Margard. One is pulled by the gravity from the north but upside down; and the othe...