#3

8 0 0
                                    

** JAMES JIMENEZ **

"sige manong dito na lang poh."

huminto kami dito sa bahay ko dito ko nalang muna sya patutulugin hindi ko kasi alam ang bahay nila.

"nako iho mukhang sobrang nalasing tong girlfriend mo ahh."

"oo nga poh ehh." susyalin si manong pero ok na rin na isipin nyang ganon para hindi nman pangit tingnan na iuuwi ko ng lasing ang hindi ko naman kaano ano.

binuhat ko sya papasok sa kwarto.ko, mabango naman sya at hindi amoy alak kaya ok na rin.

pag baba ko sa kanya sa bed hindi ko naiwasang titigan yung magandang mukha nya, oo ang ganda nya,may kamukha sya.

"carmela."

carmela kamukha nga nya si carmela yung gf kong matagal ng hindi nag paparamdam.

pinilit kong alisin ang pag kakatingin ko sa mukha nya kaya tumayo na ko, pero bago pa ko makalayo hinawakan nya yung kamay ko bagay na ikinagulat ko.

"bakit jane ?"

"wag ka muna'ng umalis."

"hehe hindi ako aalis bahay ko toh eh." ok na siguro sya.

"Loyd dito ka lang pwede ba ?? iwanan mo muna ang buhay na kinalakihan mo kahit ngayun lang plsss." aray. kala ko ok na sya pero hindi nananaginip ba sya ? pero hindi tumutulo yung luha nya. pero hindi ako si loyd bf nya siguro yun. may problema kaya sya.

"jane." hindi ko alam pero kusa akong lumapit sa mukha nya at pinunas ang mga luha nya.

"loyd nahihirapan na ko ng ganito, sobrang naiingit ako sa mga babaeng binibigyang pansin at halaga ng mga lalake. alam mo unfair ka ehh !" nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak sya.

bigla nya kong niyakap. pero nakapikit lang sya, ako eto nakikinig lang sa kanya hinahayaan sya sa mga ginagawa nya.

"bkit hindi ka nag sasalita ?? unfair ka loyd alam mo kung bakit ? kasi puro ka bussiness ehh sasabihin mo para sa future natin c'mon loyd ni minsan hindi manlang ba pumasok sa isip mo na hindi yun ang kailangan ko'' mas kailangan kita . . sana minsan na isip mo na ang pera hindi nawawala yan hindi tumatanda ang pera at hindi namamatay, pero ang oras lumilipas. . ang buhay nawawala ang pakiramdam nag babago at ang tao na papagod at nag sasawa ! " nagulat ako sa mga sinabi nya ibang iba sya sa mga babaeng nakilala ko, kadalasan ang mga babae mas gusto ang pera kesa sa oras nanlalake i mean mas gusto nilang mag trabaho ng mag trabaho si lalake para masagana ang pag sasama nilang dalawa kaya maraming nag aasawa ng maaga tumatak na yata sa isip nila na pag mag gf/bf ehh kailangan may ipon may pera tapos ayun na pero sya iba sya, basta iba sya.

"jane ok ka lang ba?"

tahimik na sya pero tumutulo pa rin yung luha nya. nakatulog na yata ulit sya . .

dahan dahan kong tinangal yung pag kakayakap nya sakin at lumabas nako ng kwarto.

dumiretso ako sa kusina kasi nabintin ako sa ininum namen may ilang bote ng beer pa naman ako dun.

''Ibang klase sya." hindi ko alam pero hindi maalis sa isip ko yung mga sinabi nya pambihira. hindi ko alam kung bumilib ba ko sa kanya o naawa kasi nangungulila rin sya tulad ko. *binukasan ko ang isang bote ng beer*

ngayun lang ako nakameet ng babaeng ganun.

***

naparami na yata yung inom ko,

"TAMANG MALI."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon