Stay Awake, Agatha

8 0 0
                                    

by Serialsleeper

Summary ni Summer: Nothing can ever break something as powerful as love—not even sleep.

Kung nasabi kong napaiyak ako sa Institute of Happy Thoughts, beh mas malala na 'tong isang 'to. Para sa isang katulad ko na halos iniiyakan lahat ng bagay (hahaha), parang maling desisyon ata na ipagsunod ko ang dalawang kwentong 'to *iyaks*

Habang mala-hebi drama sa luhaan ang ganap ko dito, ito na muna ang chika ko sa inyo:

Otor. Uunahin ko talaga sya kasi grabe idol ko na sya. Walang keme-kemerut. Yung plot, yung characters. Ginawa nyang realistic ang kwento kaya lamoyown nadala talaga c akez.

Technique. To be honest, nababagot talaga ako sa mga kwento masyadong maraming explain-explain chuchu na ganap. Mahabang chika bago yung mismong statement/answer ng characters. Pero sa kwentong 'to medyo machika sya na side pero di sya nakakabagot. Like curious ka rin na basahin yung part na iyon at hindi rin naman kasi sya masyadong paligoy-ligoy. Straight to the point!

Lasa. Simple lang yung plot eh, (opinion ko itu don't bash me phowx) para sa mga readers na talaga ng watty, mapre-predict na nila yung end eh. Lalo na sa mga mahilig manood rin ng mga teleserye. Pero kahit na alam mo kung saan tutungo yung binabasa mo, may nagtu-tug parin sayo na basahin yung kwento. Hindi sya yung typical cliche; lolz sure akong magulo na ito pero yun kasi talaga! *Lalo gumulo*

Actually ayaw ko syang tawaging cliche, basta hindi na sya bago sa atin pero parang bago parin. Like alam mo yung lasa ng adobo pero nung matikman mo yung nasa mesa, mas maanghang sya o di kaya mas maalat ng konti pero soooobrang sarap nya parin. Ganurn. *rambol sa gulo* *gutom c akez, penge fudz*

At dahil magulo na itong langkwentang review na itu, eto last na point ko:

Tissue. Magbaon ng napaka maraming tissue. Please lang.

Sabi ko nga, mababaw akong tao kaya kahit anong maisip kong iyakan, iniiyakan ko. At to be honest, hindi sa lovestory na part ang 65% na iyak ko kundi dun sa mga kaibigan ni Agatha. Sobrang ganda kasi ng samahan na nabuo nila, parang they found a stronger wall to lean on when they found each other. Lalo na kay Reema! Ayan naiiyak na naman ako, chaka.

Sobrang saya ko na nabasa ko yung kwentong 'to. Such an inspiration. It made me realize na sobrang swerte ko to be born as me, kasi wala akong sakit na iniinda. There are people like yung mga nasa zero ward, na yung ospital na ang naging tahanan, araw-araw iniinda ang sakit na hindi nila deserve makuha. I just want to thank God na napakaswerte ko pala. Sana marealize nyo rin yun :)

(Akala ko ba, last point mo na yung 'tissue'? Drama much ei.)

;;: Reading it was like riding a rollercoaster but you can't stop crying.

Yun lang muna! Nyong~

Recommendations ni Aling SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon