Semideus Saga Series

5 0 0
                                    

by mahrihyumm

Book Titles
Book 1: Olympus Academy
Book 2: The Last Elysian Oracle
Book 3: Alpha Omega
Book 4: The Song of the Rebellion

Summary ni Summer: Daan na gusto tahakin ng karamihan, buhay na lingid sa nakasanayan, pamilyang hindi inaakalang matatagpuan. Kahit gumunaw ang mundo at tumigil ang pagsikat ng araw, tatawagin ko ang pangalan mo.

Oh pak! Poetic nung summary no! Sinasaniban ata ako ng oracle at medyo pwetik ako ngayon.

Machika ko lang hihi, nabasa ko na ang unang libro (at nag post din ako ng review) kaya itong review na ito ay para sa natitirang 3 books, at ang series in general. Matagal ko na talaga gusto tapusin yung series nato kasi sobrang ganda nya pero nabusy sa school eh, at ngayon lang na nagka pandemic ako nagbasa ulit. AT IMAGINE INUBOS KO YUNG TATLONG NATITIRANG BOOK IN JUST 3 DAYS!!! hindi naman ako galit pero gusto ko lang i emphasize na ang gondo nya huhu.

Hanggang ngayon sabog parin utak ko sa series na to kaya share ko sa inyo hihi.

What is air? Yan talaga matatanong mo pag binasa mo yung buong series kasi mapapansin mo nalang na hindi ka na pala humihinga sa sobrang intense ng book series na ituuuu. (Spoiler alert, isa yan sa pinaka na chapter iiiiihhhh malulunod ka sa kilig grabe)

What is rest? Ano nga ba ang pahinga? Parang wala rin yan sa dictionary ng mga staff ng academy na panay ang pagpapadala sa mga Alphas sa misyon. Wala rin siguro yan sa definition ni otor kaseee di ako nakakatulog sa intense ng bawat tagpo ng story na ituuuu.

Pajulet julet eh no, oo na intense nga kasi yung kwento!

*In Chase's voice* Plot twist ba ka 'nyoYung librong to, sobrang daming plot twist na nagaganap, na twist rin ata utak ko.

*In Art's voice* Daming bes. Yep obvious naman sa plot ng mga books sa series na may pangbe-bessss na magaganap. Nakaka stress sa beauty!

Transitionerist. At ito pa nga, hilong hilo ako sa mga pagtransition ng kwento from one revelation to another! Related lang yung apat na books kaya dapat nabasa yung previous book para maka relate ka sa next. Hays, makapag pa spa na nga kasama ang mga boys iiihhhhh

Sana all. Hoy put- ay nahawa ata ako kay Thea, Art lang dapat tayo sa household na ito hahaha (peace Thea!). Pero yung mga loveteams talaga ng librong to, ang lakas makasigaw na "SINGLE KA!" huhu di ko naman sila inaano. Hmp, makakain na nga lang ng ice cream o di kaya, dun nalang ako sa God of Death kasi parang spirit animal, este demigod, ko si Matilda. Relate much sa kalandian eh.

Cesia. Siguro tatapusin ako ang review sa series na ito in Cesia way hahaha. Yung kwento kasi tatagos sa puso mo, tatawa ka sa kagaguhan ng mga alphas at iiyak ka din sa pagpapahalaga nila para sa isa't isa. At ang mas malala, pwede ka pang umiyak at tumawa nang sabay sa sobrang tindi nang dulot ng bawat tagpo sa story na ito. Tumatatak sa puso eh.

Madami akong natutunan sa book na ito at sobrang masaya ako na nakilala ko ang mga Alphas at napasama sa adventures nila.

Sobrang ganda nya.

RECOMMENDED 10/10 PARA SA LAHAT NG DEMIGODS.

Ps: May extra book pa po sya na The Semideus Files at epilogue na Oracle of Time para dun sa mga hindi pa maka get over yieeee

Recommendations ni Aling SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon