01- THE DAY 'US' EXISTED

36 2 0
                                    

    "Mic test, mic test. Ok na ba?! O sige."

    Naku! Jusko! Pagkatapos nito... Pag di pa talaga ako sinagot ni Taffi.. di na talaga ako papasok sa eskwelahang 'to. Nakakahiya! Pero para sa'yo Taff, kakayanin ko.. kaya makinig ka..

    "Uhhm. Ano po, kaya po ako dito at nakikigulo eh, may gusto po kasi akong tao."

    "Babae o Lalaki?" sigaw nung isang tao sa baba.

    "Siyempre naman po babae. Kaya huwag na po kayong epal. Makinig nalang po kayo at sa magandang babaeng ubod ng talino't bait na nagngangalang Taffyta Jade Barredo. Ang babaeng laman ng puso't isip ko. Para sa'yo ang kantang to.."

    "Ayiiiieeee. Answet mo naman!!" sigaw ng epal na audience. Whoooo! Heto na talaga!

GITARA -- by Parokya ni Edgar

    ....(strum, strum strum)... (pluck, pluck, pluck)...

    Bakit pa kailangang magbihis.

   Sayang din naman ang porma...

   Lagi lang namang may sisilip...

  Sa t'wing tayo'y magkasama...

   Bakit ba kailangan ng rosas,

    Kung marami namang nag'aalay sa'yo...

   Uupo nalang at aawit..

   Maghihintay ng pagkakataon...

   Hahayaan nalang silang

   Magkandarapa na manligaw sa'yo..

  Idadaan nalang kita, sa awitin' kong ito..

  Sabay ang tugtug ng gitara...

  Idadaan nalang, sa gitara...

    ...(strum, strum, strum)... (pluck, pluck, pluck)...

    Sana Taffyta nakikinig ka ngayon, kasi walang kwenta to pag di ka nakikinig.

    Natigilan  ako! Hindi ko na nabuo ang isa pang nota sa tinutugtug ko. Siyempre, sa sobrang kaba ko, nagalaw ko yung mic stand nung tumayo ako ng bigla-bigla kaya  bumagsak kasabay yung maingay na tunog.

    Pero wala akong pakealam. Tiningnan ko yung mga tao sa ilalim ng stage. Iniisa-isa ko talaga mula sa pinaka-unahan, bawat linya ng mga tao, bawat nagkukumpulan na mga grupo ng mga kabataan. Kinakabahan talaga ako!

    G*GO! Dapat kasi sinigurado mo munang nakikinig si Taffyta. Pa'no pala kung wala siya dito, edi nagmukha kang tanga!

    Saka naman may sumigaw na pamilyar na boses mulo sa gilid ng field kung saan naroon ang grandstand stage na kinatatayuan ko ngayon. Banda dun sa ilalim ng mga puno, kumakaway ang tropa kong si Thunder habang sumisigaw...

    "Ituloy mo lang yan, DJ! Huwag kang mag'alala, nakikinig sa'yo si Miss Pres!!"

    Haaaaaaa! Parang nabunutan ako ng tinig sa lalamunan. Ang laking Epic Fail ko naman!

    "Oh! Tuloy mo na.. Nakikinig naman pala eh.. Ganda-ganda na ng kanta eh." sigawan na naman ang mga audience.

    Huminga akong malalim. Tsaka nag'smile sa mga tao. Ginulo ko buhok ko tsaka inayos yung mic stand sunod naman umupo.

Ever EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon