"Naalala ko pa noon nung narealize niyang kayo na talaga eh pinunit niya yung 'Leave of Absence' Form niya. Ahahha" Kwento ni Liyah.
"Alam niyo, di ko nga alam kung pa'no ba yan naka'pasa dito sa'tin eh. G*GO talaga yang kaibigan ko. Ahahhaha. Sabi pa niya noon, pag di talaga siya sinagot ni Ms. Pres. nung araw na yun, ipapasa niya talaga yung LOA noh!" singit naman ni Thunder.
"Hoy! Hoy! Hoy! Huwag niyo nga pagtawanan kaibigan natin.. kahit ganun 'yon.. pumapasa 'yon sa mga subjects niya..!" saway ni Keith.
Liyah: "Kahit ano nga ba Keith..?"
Keith: "Kahit.... medyo... may.... pagka'tangahan..."
Sabay-sabay namang tumawa ang tatlo. Andito kami ngayong apat sa isang cafe malapit sa school. Paboritong tambayan to ng tropa kaya ngayong anniversary namin ni Dylan, eh dito nalang namin naisipang dalhin ang tropa.
Oo nga pala, isang taon na din ang nakalipas matapos kong sagutin si Dylan, at isang taon na rin ang nakalipas sa aming napaka'sweet at napaka'kulit na relationship. Simula nung araw na 'yon di ko maiwasang ma'excite sa bawat umaga na magigising ako.
Diyos ko, maraming salamat sa bawat araw na binibigay niyo sa buhay ko. Biyaya po yung maituturing. Dahil sa bawat araw na 'yon mas lalo ko pang nakakasama ang mas malaking biyayang binigay niyo sa'kin, ..... si Dylan.
Thunder: "Oh, Taffi.. ang tahimik mo naman yata. Asan na ba si DJ? Kanina pa tayo andito ha?!"
Ako: "Ewan ko nga ba. Di nagre-reply sa mga text ko eh. Teka, diba kayo mga blockmates niya.. Dapat magkasama kayo papunta dito.."
Keith: "Sabi niya kasi may susunduin lang siya. Akala naman namin ikaw. Kaya natanong namin sa'yo kanina si DJ kasi si Liyah kasama mo imbes siya."
Liyah: "Sus! Andiyan lang yan sa tabi-tabi! Baka maya-maya andito na yan eh."
Thunder: "Tama. Tama. kahit may pagka'gago yan, di ka iindyanin nun noh! Mahal ka nun!"
Liyah: "Ikaw ang gago! Ba't ba yan ang pinagsasabi mo! Kung magsalita ka parang may pinagdadadaan ang dalawang to ha! Ni hindi nga nag'aaway ang dalwang yan eh....!"sabay batok kay Thunder..
Thunder: "Aray! Sakit nun ah!"
Liyah: "Bakit may angal ka?!"
Ako: "OhOh! Tama na yan! Ikaw Liyah simula nung naging kayo ni Thunder, naging sadista kana... Palagi mo nalang sinasaktan tong lalaking to.." reklamo ko kay Liyah
Oo nga pala. Nung una palang na nanliligaw sa'kin si Dylan pinakilala niya sa'kin si Thunder, ang napakakulit niyang kaklase. Silang dalawa lang ang magka'blockmate kaya silang dalawa ang palaging magkasama..
That time, blockmate ko si Liyah.. And then.. kayo na bahala mag'tagpi-tagpi ng istorya... Naging sila bago pa magpasukan ngayong taon.
Thunder: Oo nga. Pagalitan mo nga yan Pres. Sinagot lang ata ako niyan para may sumalo ng lahat ng galit niyan sa mundo eh. Di naman niya ata ako mahal eh."
Ako: "Ikaw Thunder.. Huwag mo na kaya akong tawaging Pres ano? Tapos na po yung term ko last academic year. Baka anong isipin ng iba.."
Liyah: "Ewan ko ba diyan sa mokong na yan. And drama-drama mo. Ang arte-arte mo. Pasalamat ka mahal kita! Kundi matagal na kitang binugbog!"
Thunder: "Well, if you cant see the obvious.. Matagal mo na kaya akong binubugbog... Pero okay lang Liyah. Kahit ipa-lapa mo pa ako sa tuta.. Okay lang.. Kasi mahal kita..."
BINABASA MO ANG
Ever Enough
Short StorySA HULI ANG PAGSISISI. Same old common saying that tells us our same old common mistake. Taking our stuff for granted, our life, our education will only cause us regrets. WHAT IF... the thing that you regret the most is taking your precious TIME for...