----------------------------★
"Hindi. Hindi pwede."
"You know, you cant just say that. Not now. Not ever."
"I can! And I WILL."
Oo. Tama. Kakayanin ko 'to. Kakayanin namin to. Pangako ko yan.
Gusto kung sabihin ang mga katagang yun sa harapan niya. Gusto kung sabihin 'yon habang nakatitig sa mga mata niya. Gusto kong maramdaman niyang di siya mag'iisa, na magkasama kami. Hinding-hindi kami magpapatalo. At balang araw, tatawa nalang kami sa mga pinagsasabi namin ngayong gabi.
Pero hindi ko kaya.
Hindi ko kayang papaniwalain siya sa isang pangakong maaring di na niya maabutang matupad pa.
Ang gusto ko lang naman ay maging masaya siya... Yung masayang-masaya. Yung saya na ako lang ang makapagbibigay sa kanya. Yung sayang kahit di ko na masilayan pang muli ay maaalala ko kailanaman.
"Masaya naman ako eh. At sasaya pa ako kung magiging masaya kadin para sakin." Ang sabi niya habang ngumingiti sa akin.
Ang ngiting yun. Yun yung ngiting kailanman di ko nakitang nawala sa kanya. Yung ngiting alam kong kahit nasasaktan na siya ng sobra-sobra ay pilit na lumalabas sa mga labi niya.
Naramdaman ko nalang ang init ng mg kamay niyang nasa pisngi ko na at pinapahid ang tumulo kong luha.
Ayoko kong mabura ang mga ngiting yun sa kanya.
Pero sana kahit ngayon lang....
Sabihin niya namang di na niya kaya oh. Sana sabihin niya ring suko na siya. Na nasasaktan din siya kagaya ko.
Taffi, kahit ngayon lang umiyak ka naman oh. Kahit ngayon lang umiyak ka, kasi andito ako sa tabi mo, andito ako na magpapatahan sa'yo. Kahit ngayon lang iparamdam mo din saking kahit papano may nagawa ako para sa'yo.
Kinuha ko ang mga kamay niyang kanina pa nasa pisngi ko.
"Taffi, mahal na mahal kita at gugustuhin kung sumama sa'yo kahit saan kaman magpunta. Mali ako dahil di ko naiparamdam sa'yo yun ng todong-todo. Maling-mali ako. Alam ko gusto mo lang maging masaya ako, pero Taff, dito ako sasaya."
Umiling-iling lang siya. I know she cant be shaken when she made up her mind already... But im not giving up just yet.
"Taff, just the mere thought of losing you and living without you is inconcievable. But if you let me do this... pag hinayaan mo lang akong gawin ang gusto ko.... pag hinayaan mo lang akong pasayahin ka sa abot ng makakaya ko.... pag hinayaan mo lang ako sa tabi mo sa lahat ng oras, pag hinayaan mo kong mahalin ka araw-araw......" Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tinignan ang babaeng mahal ko sa mga mata.
".......pangako, kayanin ko pa ang mabuhay sa isang bukas na wala ka."
BINABASA MO ANG
Ever Enough
ContoSA HULI ANG PAGSISISI. Same old common saying that tells us our same old common mistake. Taking our stuff for granted, our life, our education will only cause us regrets. WHAT IF... the thing that you regret the most is taking your precious TIME for...