03 - FOREVERMORE

26 1 0
                                    

  Ewan ko ba. Pero nung nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng cafe, hindi ko manlang sila tinignan at nagpasalamat. Masyado kasi akong naaliw kay Taffi.

Nandoon lang siya sa itaas at nakatingin sa amin. Nakatingin sa akin. Di ko alam kung anong nararamdaman niya kasi para lang siyang nakatulala at nakaharap sa amin.

Buti nalang, tinapik siya ni Liyah at natauhan siya. Bigla nalang siyang ngumiti sa akin. Ano kayang iniisip niya?

Dali-daling bumaba sina Taffyta at niyakap ako. Nahihiya ako kasi masyadong maraming tao dito ngayon, pero anong magagawa ko? Sa twing lumalapit sa Taffi sa akin pakiramdam ko hindi na ako ang kumokontrol sa katawan ko.

Kaya heto, kami na nagyayakapan sa gitna ng cafe.

"I Love You, Taff." bulong ko sa kanya habang di parin kumakawala sa yakap niya.

"I know, thats why I Love You, too." bulong din niya.

Andun lang kami ng ilang minuto sa gitna nagyayakapan at nagngingitian.

Liyah: "Ano ba 'yan! TOMO NO PLEASE!"

Thunder: Berry, tayo dn ooh, kainggit oh!

Liyah: Sapak Thunder, gusto mo?

Keith: Huwag nga kayo panira ng moment! Epal niyo naman eh..

Thunder: Di bale pre, gusto mo, tayo din?!

Keith: Liyah, mukhang gusto talaga ng sapak eh.

Narinig namin ang mga kaibigan namin. Unti-unting kumawala si Taffi at tumingin sa kanila habang nakangiti.

"Ano ba.. Ang epal niyo naman eh.." biro ni Taff, para tumigil na ang tatlo.

Lumapit siya dito saka sila niyakap lahat. "Salamat ah. Grrr. Mga walang hiya! Pinagtulungan niyo pa talaga ako."

Habang ako, nakatayo lang dito, nakaharap sa kanila, masayang-masaya dahil napasaya ko si Taff kahit sa ganitong paraan lang.

Grabeh, paano kaya siyang nananatiling masaya samantalang paulit-ulit nalang ang ginagawa ko sa kanya. Hindi ba siya nagsasawa?

Matapos ang palabas namin, inayos na muli namin yung ginulo namin kanina. Kumain, kwentuhan, tawanan at nagpaalam na sa isat-isa.

Nagpasalamat ako sa barkada, dahil sa kanila sinagot ako ni Taffi, dahil sa kanila, masaya pa din kaming dalawa, at dahil sa kanila, siguradong mas magiging masaya pa.

"Taff, lika may pupuntahan tayo." sabi ko sa kanya, habang hinihila palabas ng sasakyan nina Thunder. Sasabay kasi daw sana siya kena Liyah kasi mas malapit yung bahay niya sa kanila.

Siyempre, dahil anniversary namin ngayon, hindi ko naman hahayaang maging masaya siya sa ginawa kong hindi naman ako ang nag'isip kundi si Thunder. Napaka'gago ko if I wont make it up to her kahit di niya talaga alam na may kasalanan ako sa kanya.

Pumunta kami sa isang beach. Actually, di lang yun isang beach. Yun yung beach kung saan namin unang na'celebrate ang anniversary namin.

'NA-CELEBRATE' Yun talaga ang sinabi ko. Kasi nga hindi naman sana talaga dito.

Dinala ko si Taff sa dalampasigan na hanggang ngayon di pa rin umiimik pero ngumingiti.

Taff? Bat ba ganyan ka, ngumiti ka lang alam ko nang buhay ako at masaya sa kinaroroonan ko.

Umupo siya sa buhangin. At siyempre, tumabi na din ako sa kanya, hawak-hawak ang mga kamay niya. Umupo lang kami dun, hindi nag'uusap.

SILENCE. At naghihintay ng sunset.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ever EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon