Chapter 1

499 7 0
                                    

I hate the Korean-music fever.

Yes, I find them cute, pero hindi ko talaga ma-gets kung bakit magugustuhan mo ang isang kanta na hindi mo man lang maintindihan yung meaning. I mean, yung kowakiyalo-mushu-mushu na lyrics nila. Wala talaga. Hindi ko talaga sila maintindihan.

Ito ako ngayon, sa labas ng isang convenience store. Nakasuot ang earphones ko, tinitignan ang mga taong dumadaan habang naghihintay ako sa isang jeep.

Normal na araw lang naman ngayon. Ibig-sabihin, pinoy-na-pinoy ang mga nakakasalamuha ko. May mga taong nakapang-bahay lang, meron din naman yung mga todo porma pa. Yung tipong naka-suot pa ng Supra? Proud na proud sa tongue ng sapatos nila. Matching necklace na bakal at nakalawlaw na shirt. Mga Pinoy nga naman.

Sa dinami-daming pwede kong makita sa pagpasok ko sa isang music academy, tila ginusto ata talaga ng panahon na maranasan ko ang ganito. Paano ba naman kasi, pagpasok ko sa jeep na nasakyan ko, todo-lakas pa yung tugtugan at mga kantahan pa ng Breezy Boys. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, it’s just that, mapili talaga ako sa mga kanta. Don’t get offended.

Ang tipo ko kasing kanta, yung galing talaga sa mga Pilipino. Mga kanta nila Francis M. kung rap ang paguusapan. Kanta naman ng Rivermaya kung medyo rock. Sarah Geronimo sa pa-sweet, Regine Velasquez sa matataas. Lea Salonga kung gusto ko ng emosyon at Apo Hiking Society kung gusto ko ng makaluma pero kilalang-kilala. Ganyan ako.

Sumaya naman ang mood ko at good-vibes na ulit ako nung may makatabi akong medyo cute. Tahimik, mukhang mahiyain pero mukhang maganda talaga siya. Teka, napapatitig na ko sa mukha niya.

Tumingin ako sa labas ng jeep pero nahagilap ng mata ko na may kinukuha siya sa bag niya. Nilabas niya ito at sinabing, “Paabot po, kuya”

Teka, parang hindi ata tama?

Parang hindi ko ata maigalaw yung kamay kong nahakawak sa sabitan nitong jeep na ‘to?

Napatingin nalang ako sa mata niya’t sakto namang napatingin din siya. Three seconds at tumingin na ulit ako sa ibang lugar. Hirap pala pag may katabi ka na medyo maganda. Medyo mapapaisip ka kung magpapabida ka ba o wag mo nalang pansinin para wala nalang problema.

“Sukli oh” sabi ng driver at dali-dali ko namang kinuha ito para maiabot kaagad sa katabi ko. “Salamat” sabi niya naman ng nakangiti.

Hindi naman ganun kalayo yung lugar ko sa music school na pupuntahan ko. France, Spain, Italy. Rome, Florence, Venice. Haaay, natandaan ko na naman yung nilalaro ko kahapon, may mga lugar kasi sa Italy yun na kasama dun kaya ayun, helpful naman sa taong kagaya ko na mahina sa History. Pero hindi ka naman siguro mas mahirap katabi kong cute? Ngunit, tigilan na natin ang paghanga sa dalaga sapagkat ito na ako’t pababa na.

“Sound and Silence Academy” bigkas ko habang nakatingin sa logo nitong may “SS” at dalawang nota sa magkabilaang taas nito. “Ngayon, hahayaan ko na munang mabago mo buhay ko. Let’s start this day right, right?

Naalala ko ulit yung babaeng nakasabay ko’t di ko na napigilang mapangiti. Naglakad na ko sa medyo mahabang daanan nila’t nakikita ko yung mga mukhang estudyante dito kasama ang kani-kanilang mga barkada. Unti lang ata kaming mga nagbalak na pumunta rito ng mag-isa. Napatingin narin ako sa bulletin-board na nasa gilid lang ng fountain. May nakasulat kasi na iba’t-ibang mga bagay na hindi ko pa naman maintindihan dito, pero mukhang may mga nakakaalam na sa kung tungkol saan ang mga ito. “Can’t wait! Sure akong Heartstrings na naman ang champs!” sigaw ng babaeng nasa tabi ko. Medyo pa-sosyal ang dating niya. Can’t wait? Heartstrings? Champs? I really don’t understand anything. Time to walk on.

Dahil first day pa lang naman, they wanted us to gather in front of the stage. Stage nila? Hindi naman ganun ka-engrande, pero malaki talaga siya. Amphitheater eh.

Heart NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon