“Ireumeun mueosip nikka?... I mean, you are?...” tanong niya sakin. Teka, nabibigla ako sa mga nangyayari. Kani-kanina lang nasa taas ako ng rooftop. Nag-iisip ng malalim. Tapos ngayon nandito ako sa Center Park at may kasamang hindi taga-division namin?
“I am confused. Really.” iyan nalang nasambit ko dahil sa sobrang pagkabigla.
“Oh. Hello Confused.” sabi niya sakin at bigla siyang ngumiti. “Mannaseo bangawoyo.” She then waved her right at me.
“Manase- what?” Medyo nagtataka na ko sa babaeng ‘to. Nagsasalita siya ng lengwaheng hindi ako pamilyar. “Anong salita ‘yan?”
“Mannaseo bangawoyo. Pleased to meet you, po. And Hangugmal,” She then raised a peace sign. “Korean language po.”
Okay. Habang tumatagal, medyo nagiging cute na siya sa paningin ko. Though mukhang mahilig lang siya sa Korean kasi mukha naman wala siyang halong lahi.
“May lahi ka?” I asked her straightly.
“German shepherd po.” Then she laughed a little, trying to prevent herself from bursting out. I couldn’t help it. I laughed out loud and she did the same too.
“Baliw ka nga talaga.” sabi ko sa kanya at parang nag-pout ata siya. “Ohh. Did I hurt you?”
“Dangsin eun-han...” She acted as if she was really starting to cry. “You didn’t have to be rude.”
“Ohh. Wait. No. That’s not what I wanted.” I tried defending myself. I patted her on the back and said, “Ice cream? Gusto mo?”
“Yaaa! Tara! Tara! Saan?!” Bigla siyang sumigla. Grabe. Anong trip nitong babaeng ‘to?
Ano pa bang magagawa ko? Dahil inaya ko na siya, edi naghanap kami ng mabibilhan. Sakto namang may naglalako ng dirty ice cream sa gilid-gilid lang ng Central Park.
“So... Anong ginagawa mo sa Heartstrings?” tanong ko sa kanya habang kumakain na siya.
“Wala lang.” She then licked her ice cream. “May pinuntahan lang.”
“Sino?”
“Kapatid ko.” We walked towards the nearest bench. “Gusto ko lang talaga makita kung ayos lang siya dito.”
“Hindi ba bawal dito ang hindi taga-Heartstrings hangga’t walang event?” tanong ko sa kanya.
“Yup. Kaso gusto ko talagang pumasok dito. Iba’t-iba daw kasi yung itsura at feel ng bawat division. Nagkataon na gusto kong pumunta dito sa Heartstrings.” paliwanag niya sakin.
“Ahh. May kapatid ka pala dito? Anong pangalan? Anong year?” tanong ko sa kanya.
“Yup. Andrea. First-year din. Ikaw? Anong year ka na?” tanong niya naman sakin.
“Ako? First ko lang din dito.” sagot ko.
“Really?” Tumingin siya palayo sakin na para bang pinipigilan niyang tumawa.
“Wow, what’s wrong with that? First-year ka lang din diba?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Wala lang. Akala ko Third-year ka na.” Seriously? Ugh.
“Ewan ko sa’yo. Papasundo na kita sa unang guard na makikita ko. Umalis ka na rito kung ayaw mong mapadala sa kung ano mang detention ang ginagawa nila dito.” sambit ko sa kanya.
“Guerae? I mean, really? Papahuli mo ko sa mga guard?” sabi niya’t kinutkot niya yung mga mata niya. “Bad ka po kuya!”
“Hindi naman sa ganun, Vensie.” gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya. “Kasi lang naman-“
BINABASA MO ANG
Heart Note
Teen FictionMusic is meant to be understood by all. May it be singing or dancing, they need to feel what you want to express. Sa Sound & Silence Academy nagkakilala ang isang lalaking maka-OPM at ang isang babaeng maka-KPop. Maunawaan kaya nila ang nararamdama...