Chapter 6

35 0 0
                                    

Two months? Yeah. Two months na kong naghihintay at hindi hanggang ngayon, hindi ko parin nakakausap si Venice. Iniisip ko tuloy na baka nagkataon lang talaga na nagkita kami. Baka naman kasi iniisip ko lang na may rason kung bakit ko siya nakilala? Ano ba yung sabi nila tungkol dun? Yung people either stay or go away?

Sabihin nalang siguro natin na si Venice ay isa sa mga taong daraan-raan lang sa buhay ko, pero ‘yun lang talaga ‘yun. Wala ng susunod dun... Sabi ko nga, ‘yun lang. Kaso malakas kutob ko na may iba pang rason kung bakit ako may nakilalang taong kagaya niya.

Ito tuloy ako, sa may terrace sa taas ng bahay. Labas nalang kaya ako?

...

“Hindi naman big deal sakin ‘yun.” Pero bakit para akong umaasa sa hangin, nagbabakasakaling dadalhin ka nito sakin.

Isa sa mga hindi alam ng karamihan, ay marami naman talaga akong nakakasama sa buhay ko. Hindi lang talaga kasi ako ‘yung tipo na sobra kung makisama sa lahat. Pili lang talaga mga kaibigan ko dahil ayokong nagkakamali sa mga desisyon ko.

May mga pagkakamali kasing pwedeng bumago sa buong buhay mo. Mga tipo ng pagkakamali na hindi mo na maibabalik pa ulit.

The famous “Broken Plate” for example. Mistakes that can be forgiven, pero may marka na sa taong iyon.

Kaya siguro, mas pinili ko nalang na manahimik. Mas pinili ko nalang na makisabay. Para bang sa jeepney kung saan nakasabit lang ako sa likod.

Masisi mo ba ako? Mas maganda na kung may gagawin ka, at gagawin mo ito ng tama.

Buhay ko? Simple kung titignan sa mga mata ng ibang tao, pero sa pagpasok mo sa buhay ko, kakailanganin mong maghanda para sa iba’t-ibang pangyayaring pwedeng bumago sa mga pananaw mo.

Kaya nga medyo masaya narin ako’t hindi ko na siya nakikita. Natatakot kasi ako.

...

“Bryan?” Boses ng babae? Teka, sino- “Bryan Constantino, right?”

Pambunggad na ba sa araw ko na ito ang makakita ng babaeng maganda sa harap ko? Pero parang kilala ko ‘to. “Ashley?”

“Yup!” She then raised a peace sign. “Kanina pa kita hinahanap. May pinapahanap ka daw sa office.”

“So, kasama kita?” Did I sound repulsive sa sagot ko?

“Ayaw mo ba? If you weren’t chosen, hindi kita hahanapin.” Wait, I guess I did offend her.

Bigla siyang tumingin palayo at naglakad paalis. I was confused. Masyado ba kong harsh magsalita? O sadyang mabilis lang siyang mapikon?

Sinundan ko nalang siya ng hindi nagsasalita. Nakatingin lang ako sa likod niya’t biglang may sumalubong samin. “HI ASHLEY!”

“WHY ARE YOU HERE?! DIBA SINABI KO NA SA’YO NA LAYUAN MO KO?!” sigaw ni Ashley. Baka may problema ‘yung babae?

“Hoy! Ikaw! Anong ginawa mo kay ‘Ashy’ at naging magagalitin ‘yon?!” sigaw naman sakin ng lalaking kaka-gulat lang sa kasama ko. Tinitigan ko lang siya sa mata na may halong pananakot. Kailangan na nitong manahimik. “Hoy! Kinakausap kita diba? Magsali-“

“W O N ‘ T   Y O U    J U S T   S H U T   U P?!” Hinawakan ko nalang sa kwelyo’t naiinis na ko sa kanya. Hinigpitan ko pa ang paghawak at tinitigan siya ng madiin sa mata. Sumenyas ata siya sa dalawa niyang kasama at bigla nila kong tinulak papalayo.

Susuntok na sana ang isa sa mga kasama niya kaso may pumigil sa kanila. Salvacion? Benedict? Sinikmuraan gamit ng tuhod at tinulak papalayo. Sinalag niya naman ‘yung paparating na isa pa’t siniko sa dibdib. Sasapak na sana ‘yung mayabang na nanggulat kay Ashley kaya’t nilapitan ko na para tigilin ‘yung kamao niya’t sinabing, “Leave. Damn it.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon