“Ahh. Ibig sabihin ganun siya ka-grabeng influence sa buhay mo?” tanong sakin ni Venice habang may hawak-hawak na stick ng banana cue. Tumango naman ako.
“Alam mo, napakagaling na singer talaga nun.” sabi niya habang ngumunguya. “Siya ‘yung galing dati sa banda diba?”
Tumango ulit ako pero this time hindi ko na natiis. “Ubusin mo muna nga ‘yang kinakain mo bago ka magsalita. Don’t talk when your mouth is full? Alam mo ‘yun?”
Pero itong babaeng ‘to, hindi parin tumigil sa pag-nguya. “Ang sarap kaya! Try mo!” It’s useless. Wala na kong magagawa dito.
Nandito kami ngayon sa loob ng division nila. Lunch time na ngayon at balak kong kumain dito sa kanila. Palibhasa kasi, siya pa lang ‘yung kaibigan ko sa academy na ‘to. Wala naman akong balak na maghanap pa ng kakaibiganin dahil okay na ko sa isang ‘to... Kahit ba parang hindi talaga siya babae.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya ng uminom siya ng tubig kakagaling lang sa paglamon ng sunod-sunod. “Tubig pa? Gusto mo?”
“Hindi. Ayos lang ako.” sabi niya’t sumubo na naman siya. “So, paano pala ‘yung kay Franciso?”
“Anong paano?” tanong ko sa kanya. Sa tingin niyang ginagawa sa mata ko, parang may pinapahiwatig siya. “Haaay. Tigilan mo ko sa mga balak mong kalokohan. Ayoko pang ma-expel sa first day ah?”
“Para namang may gagawin tayong masama!” she said loudly. May napatingin tuloy saming dalawa... “Promise, pagkatapos natin siyang isako, ipapadispatsya ko kaagad para walang ebedensya.” sabay kindat.
“Baliw ka ba?”
“Ito naman! Syempre biro lang.” She continued eating.
I pointed my fork on her. “Para kasing kaya mo talagang gawin eh.” I jokingly said.
“Ang samaaa!” May kasama pang hampas sa balikat ko. “Pero... gusto mo nga?”
“Bahala ka sa buhay mo.” Niligpit ko na ‘yung pinagkainan ko at hinihintay ko nalang siya matapos.
Dumiretso na kami sa paglalakbay sa campus after naming mag-lunch. Kaso natagalan kami dahil sa bagal tagal kumain ng babaeng ‘to.
“Saan tayo ngayon pupunta?” tanong ko sa kanya.
Bigla siyang kumapit sa siko ko at sinabing, “Sa lugar kung saan wala pang nagbalak na pumunta!” sabay takbo palabas.
“Ha? Ang higpit ng kapit mo! Aray!”
“Ang hina-hina mo naman boyfriend!”
...
Parehas kaming natahimik pagkasabi niya nun... Naglakad kami ng ilang saglit, pero napatakbo rin ako nung tumakbo siya.
Ang dami naming nabangga na tao sa kakatakbo niya... Pero masaya kasi para lang siyang bata na gusto lang makipaglaro at magsaya.
Napadpad kami sa amphitheatre kung saan nagperform nung umaga sila Francisco. Pero parang hindi ‘to yung talagang pinunta namin.
“Alam mo ba? Sabi nila, may secret place daw dito.” she said. Oo. Alam ko rin ‘yun. Pero hindi naman nila sinasabi kung saan dito ‘yung sikretong ‘yun.
“Alam mo kung saan?” tanong ko sa kanya.
“Hindi.” Then we started walking down towards the center stage. “Pero may riddle akong naririnig na sinasabi nila.”
Naka-abot kami dito at wala naman akong makitang kakaiba sa lugar na ‘to.
“Academy of sound and silence...” she cited, “where silence is heard during its loudest cry!”

BINABASA MO ANG
Heart Note
Teen FictionMusic is meant to be understood by all. May it be singing or dancing, they need to feel what you want to express. Sa Sound & Silence Academy nagkakilala ang isang lalaking maka-OPM at ang isang babaeng maka-KPop. Maunawaan kaya nila ang nararamdama...