Kabanata 8 - TRINITY

243 10 2
                                    

Kabanata 8

TRINITY

            Larawan sa krimen ang pinag-aralan ni Minero na binigay ng hepe. Kasama rin tinitingnan ang nakuhanan sa loob ng simbahan lahat ng anggulo sa palibot , labas, harap, loob at bintana sa kwarto ni Padre Zaldanya.

Sumasagi ang pahayag ng security guard at matandang caretaker. Walang clue kung sino ang pumatay sa pari. Pakiramdam nya may mali sa sinasabi ng lahat ng sangkot sa imbestigasyon. Paulit-ulit na pumapasok ang salita ng nagpatiwakal na sakristan. Bibliya! Trinity! Belzebub!.

Lumalabas ang ugat sa noo ni Minero sa kakaisip.

Naalala rin nya ang masamang bisyo ng hepe na paninigarilyo at usok nitong pumapasok sa ilong nya.

Sa kanan ay kinuha ang mainit na tasa ng tsaa at isang higop lang ang ginawa.

            Nanariwa sa isip nya ang insidente ng sindihan ng sakristan ang naliligong katawan sa likidong gas at sinunog ang sarili gamit ang lighter.

Naaamoy nya ang malakas na singaw ng gaas na pumasok sa sinus nya. Nang tumalon sa itaas ng tulay at bumagsak sa rumaragasang sasakyan. 

Nanindig ang kanyang balahibo ng kaladkarin ng mga sasakyan ang katawan.

Sigurado ang kamatayan sa pamamagitan ng pagpapahulog sa mataas na overpass.

Lalo pang siniguro ng mga sasakyan na hindi ito makakaligtas.

Masusunod ang kahilingan ng kamatayan sa sinuman magnais nito.

Naalala ang huling sinabi ng nagpakamatay.

            “Mabuti na ang ganito kesa mapasa-kamay ng kadiliman ang aking isip at kaluluwa at maging Balakyot na lumalakad sa daigdig na walang layunin. Nandito na sila! Si Belzebub!”

            Nanghihina ang kalooban ni Minero gusto ng sumuko ng wala syang nagawa.

Hindi nya nailigtas ang sakristan sa masaklap na kapalaran.

Kung nasagip ang buhay nito ay baka may nasabing karagdagan upang malinawan ang kaso.

Ebidensya na sinasabi ng hepe na nakatuon sa sakristan at itinuturo ng pahayag ay hindi sapat upang masabing sya talaga ang pumatay kay Padre Zaldanya ng walang pagdududa.

Sa halip na makatulong sa krimen ang malagim na kamatayan ay lalong nagpalabo. Humigop muli ng tsaa.

Nabaling ang atensyon sa tinig ni Lovely ng pumasok sa kwarto.

"Kung kelan ka ready boss" sabi ni Lovely.

"Yes, Im ready."

 “Kailangan nyong makita ito boss.”

"Tara"

            Lumabas ng kwarto at pumasok silang magkasabay sa computer room na pwesto ni Lovely bilang hacker. Walang nakakaalam ng lugar ng computer room kundi silang dalawa.

Minero Guinto  -  TRINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon