Sakristan

268 14 2
                                    

Patay ang ilaw ng buksan ng hepe ang pinto.

Sumalubong sa kanila ang mainit at madilaw na liwanag nanggagaling sa dilaw na kandila.

Sarado ang mga bintana at may kahoy na nakapako, takot na may pumasok sa loob.

Madilim ang buong kwarto na may pinturang itim at makikita ang mga letra na sinulat gamit ang invisible na pintura at blacklight.

Nakasulat sa buong kwarto ang dasal na Ama Namin. Mahigpit ang kapit ng hepe sa kanyang baril, inakala na may panganib sa loob.

Hinawakan sya ni Minero sa balikat at sumenyas na huwag gawin.

Nasa likod nila ang matanda takot na takot.

            Pinagpapawisan si Minero sa init mula sa kandila.

Amoy usok ng insenso sa loob na ginagamit ng sakristan kapag nagmimisa ang pari.

Hinugot ng hepe ang kanyang panyo at tinakip sa ilong hindi nagustuhan ang amoy ng magkahalong usok ng kandila at insenso.

Sa likod ang matanda ay natatakot.

Sobrang tahimik ay naririnig nya ang bulong ng dasal ng Ama namin.

Dahan dahan silang pumasok at naabutan nila na nakaluhod ang sakristan at nagdarasal sa  maliit na altar.

            “Imbestigador kami Teo. Gusto ka naming makausap tungkol sa pagkamatay ni Padre Zaldanya” sabi ng hepe.

            Lumingon ito na namumugto ang mata, namumula at pawisan ang mukha sa init ng kwarto.

Mapayapa itong tumayo, nakatulala at hindi nagsasalita na sumama sa kanila, sa presinto nila dinala ang sakristan.

            “Ano ang iyong alam sa pagkamatay ng Pari?” tanong ni Minero.

            Habang sa likod palakad lakad ang hepe hindi mapakali, para sa kanya ay guilty ang sakristan.

Lahat ng ebidensya at testimonya ay tumutukoy sa sakristan kaya ramdam nya na malapit ng maresulba ang krimen.

Magagamit na ang amoy kalawang nyang posas sa likod kapag nahuli ang kriminal.

Naririnig nya ang tunog ng rehas sa batuta habang hinahatid nya ang sakristan sa kulungan.

Babangon ang kanilang kredebilidab sa mata ng publiko, media at presidente.  

            “Nakita mo ba kung sino ang pumatay kay Padre Zaldanya?” tanong ni Minero.

            “Si Belzebub. Pero huli na. Patay na ang pari. Parating na ang kadiliman” sagot ng sakristan.

            Hindi maintindihan ni Minero ang sinasabi ng kanyang kausap.

Pero ramdam nya ang sinseridad sa tono ng boses nito.

Pumapasok sa kanyang sistema ang luha ng sakristan, alam nyang luha ng paghihirap at hindi kalungkutan.

Naririnig nya ang pagngangalit ng ngipin ng hepe.

Iba ang nasa isip ng hepe, sa kanya ay ang sakristan ang pumatay pero walang sapat na ebidensyang magdidiin dito ng walang alinlangan.

            “Hindi ka namin maintindihan Teo” sabi ni Minero.

            “Huwag kang magkaila Teo” sabi naman ng hepe.

Minero Guinto  -  TRINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon