Computer Area

198 12 0
                                    

Computer Area

             

            Sinara nya ang cabinet na may pulang ilaw, lumabas muli sa maliwanag na hallway at muling nasilaw. Namumula ang gilid ng kanyang mata, lumalabas ang mga ugat. Ayaw nya ang sobrang liwanag na hallway, hindi sya makahinga sa sobrang puti ng paligid, pakiramdam nya ay maraming nakatingin sa kanya. Ilang hakbang pa lamang nakita nya ang pintuan at binasa ang letrang nakalagay sa acrylic-white na plastic, COMPUTER ROOM. Nag-swipe sya ng ID na binigay ng receptionist guard, inikot ang stainless na door knob at bumukas ang pinto.

            Sumalubong ang gray na liwanag ng pumasok sya sa loob ng kwarto. Mas ok pa rin dito kesa sa labas ng hallway, nakahinga syang muli ng maluwag. Abuhin ang kulay ng dingding, gray na cubicle, gray na office chair at gray na desk kung saan nakapatong ang computer. Ilang hakbang pa lamang sa loob ay nakita nya may isang empleyado na hindi pa umuuwi. Mabuti na lamang at nakatalikod itong nakaupo sa kanyang cubicle. Banda ng atiatihan ang pintig ng kanyang puso. Naririnig nya ang tunog ng YM message, nagcha-chat ang lalaki. Yumuko na lamang sya upang hindi makita. Pumunta sa pinaka dulo na computer at binuksan ito. May pinindot sa keyboard, lumabas ang status bar na loading. Sinimulan nya ang downloading. Kapag nakarating sa dulo ang status bar ay tapos na rin ang loading.

            “Anong ginagawa mo?”

            Kamay ng lalaki ang madiin na bumagsak sa kanyang balikat. Napatili sya sa gulat at lahat ng tinik na nawala kanina ay muling nagbalik. Lalong bumilis ang paghinga at tibok ng kanyang puso. Banda ng atiatihan ang kabog sa kanyang dibdib. Gusto nyang pagpawisan pero malamig ng sobra sa loob ng kwarto, nalunok nya ang sariling laway.

            “Gotcha!” sabi ng tinig ng lalaki na nakahawak sa kanyang balikat. Hindi sya lumilingon, baka makilala sya. Bigla itong natawa ng malakas. “Hahahaha…Gulat ka no? Siguro may ginagawa ka? Hacker ka no?” sabi ng tinig.

            Hindi malaman ni Lovely ang sasabihin. Hindi pa rin sya sumasagot, hindi tumitingin sa lalaki, naghintay na lang na hulihin sya.

            “Biro lang! Ayusin mo nga computer. Technician ka diba? Password ko dolphin with capital D. Mauna nako sayo. Bukas gusto ko ayus na ‘yun. OK? Bye” sabay umalis ang lalaki ng hindi nililingon o sinasagot ni Lovely. Narinig nya ang pinto na bumukas at sumara.

            Hingal na hingal si Lovely, akala nya ay nahuli na sya. Sa sobrang taranta ay nagmamadali itong tumayo at iniwan ang computer habang nasa loading proseso pa ito. Paglabas nya ng kwarto ay lumiko sya sa kaliwa upang lumabas kung saan sya unang pumasok. Lalong nagbigay ng problema ang liwanag at hindi sya makahinga. Nahihilo na rin sya sa kanyang suot na salamin na may makapal na grado. Paglingon ni Lovely, may guardia na  nakakita sa kanya, nagmamadali sya at baka maabutan. Nagmamadali rin ang guardia, hinahabol sya.

            “Sandali!” sabi ng guardia.

            Pero tuloy lamang si Lovely sa paglakad. Nadadapa pa sa kanyang high heels.

            “Sandali lang!” sumisigaw na ang guardia.

            Walang magawa si Lovely kundi huminto ng malapit na ang guardia sa kanya. Nanginginig ang kanyang tuhod kasabay ng banda ng atiatihan na tibok ng kanyang puso. Naabutan sya ng guardia na hinihingal sa kaba, aatakihin sya ng hika.

            “Anong ginagawa mo sa computer room?” tanong nito.

            Hindi makasagot si Lovely, gulat pa ito sa nangyari. Kung may sakit sya sa puso ito na ang tamang panahon para atakihin sya sa bilis ng tibok nito.

Minero Guinto  -  TRINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon