Chapter 9

551 19 0
                                    


Inilapat ko ang mga labi ko habang tinititigan ko ang back pack na dala ko. Walang tigil ang pagkalabog ng aking dibdib. Saglit ako sumulyap sa wall clock. It's quarter to 11 PM. Kinuyom ko ang aking mga palad at huminga ng malalim. Mas lumalalim na ang gabi. And usually kapag ganitong oras ay dapat tulog na ako pero ngayon ay ni hindi ako dinadalaw ng antok. Parang mas nabubuhayan pa ako ng dugo sa mga oras na ito na ngayon lang nangyari sa akin.

"Kaya mo ito, Marguerite." Mahina kong sabi sa sarili ko. Kailangan kong lakasan ang loob ko ngayon lalo na't first time ko gagawin ang bagay na ito. 

Labag man sa kalooban ko na umalis sa bahay pero wala din akong choice. Kapag mananatili pa ako dito, paniguradong pagpipilitan pa rin ni mama na ipakasal ako kay Reuben. Hindi lang iyon, paniguradong mamanipulahin pa niya ang buhay ko at iyon ang hinding hindi ko mapapayagan. Kahit sa ganitong paraan lang ay makuha ko naman ang gusto ko. Kahit sa ganito lang ay maging masaya naman ako - na kahit imposible ay magiging posible. 

Maingat akong lumabas sa kuwarto kahit na nakikipagsabayan ang puso ko sa mabilis ng tibok. Hindi ako nagpadaig. Kailangan mas maingat pa ako, hindi ako maaaring mahuli dahil paniguradong kakalakadkarin ako ni mama pabalik ng kuwarto. And worst is, ikukulong niya ako dito! Magiging limitado ang bawat kilos ko!

Hindi naman mabigat ang dala ko. Mga iilang damit at sapatos lang naman. Pati na din ang kakaunting pera at cellphone ay dala ko. Balak ko pa sanang iwan ang cellphone ko, ang kaso, kailangan ko ito para may komunikasyon ako kay Farris hangga't hindi pa kami magkasama.

Ilang beses na ako nangangalangin sa isipan ko na sana ay tulog na sina mama at papa. Na sana ay wala ni isa man sa kanila na tumatambay sa study room. Kahit ang mga bodyguard namin ay sana hindi ako mahuli sa gagawin kong ito.

Bahagyang inilusot ko ang ulo ko sa pagitan ng pinto at doorway para silipin kung may nagbabantay dito sa likod ng bahay. Tumambad sa akin na walang katao-tao dito mukhang wala. Maingat akong lumabas. Mahigpit ang pagkahawak ko sa strap ng bag ko. Halos magtip-toe na nga ako para hindi ako makalikha ng ingay. I even turn my phone into a silent mode just in case na tatawag si Farris.

Napasinghap ako nang may narinig akong paparating sa direksyon ko. I immediately hide at the bush. I pressed my lips to be silent. Tinakapan pa ng mga palad ko ang aking bibig. Muli na naman ako nangangalangin na sana ay hindi nila ako matunugan. Na sana ay mabilis lang sila dumaan at huwag nang tumambay pa dito sa gayon ay payapa akong makaalis nang tuluyan.

"Nadatnan ni Madame Alice na wala na si Miss Marguerite sa kuwarto niya! Hanapin ninyo!" Malakas na utos ng head ng security namin.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig kasabay ang pakalabog ang puso ko. Lumakas ang pintig nun dahil sa kaba at takot. Oh my, nalaman agad ni mama?! Ang bilis naman yata? O sadyang bantay-sarado niya ako ngayon? Talagang sinisiguro niya na tuluyan na niya kaming maipaghiwalay ni Farris?

Habang abala ang lahat sa paghahanap sa akin ay kinuha ko na ang pagkatataon na ito. Halos gumapang ako para hindi nila ako mahuli. Maingat na maingat. Sinisiguro ko na hinding hindi nila matutunugan. Kailangan ko muna takasan ang mga ito bago ko kokontakin si Farris para wala na ako masyadong poproblemahin. Alam kong naghihintay na siya sa akin. Kahit ganoon ay hindi ako maaaring magmadali kung ayaw kong mahuli nang wala sa oras!

"Mga inutil! Kapag hindi natin nahuli si Miss Marguerite, lagot tayo kay Madame!" Sigaw ulit ng head ng security.

Palinga-linga ako sa paligid. Tinitingnan ko kung may mga nakakabit na cctv. Merong isa. As in nakatutok pa talaga sa direksyon ko. Napasinghap ako't nagmamadaling umalis! Makikipaghabulan nalang ako sa oras na makita nila ako! Hindi nga lang ako sigurado kung mabilis akong tumakbo because the last time I check, I'm not an athletic type!

Unbounded Fondness | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon