Chapter 5

648 18 0
                                    


Sinisigurado kong walang makakita sa akin sa pag-alis ko ngayon. Sa mga oras na ito, paniguradong nasa study room si papa habang si mama naman ay nasa bar ng bahay na ito at nag-iinom na naman ng red wine na ginagawa niyang pampatulog. Ang mga maid naman ay paniguradong nasa quarters na para magpahinga. Tsansa ko nang umalis kahit may iilang bodyguards sa paligid! Subalit hindi 'yon hadlang para hindi ako tuluyang makalabas dito. I have still my ways para makatakas. And besides, mabilis lang naman siguro. Sinisiguro ko na hindi ako mahuhuli kahit isang beses ko lang ito gagawin sa buong buhay ko.

Sweat pants, black jacket na may racer back shirt sa loob ang suot ko ngayon. Sinadya ko ding ipusod ang buhok ko para maging komportable sa lakad na inaaya ako ni Farris.

Maingat na maingat akong umalis para hindi ako mahuli.

Hanggang sa tagumpay akong nakalabas na walang aberya. Binilisan ko ang paglakad-takbo ko para makalayo. Sa kanto ng subdivision ako tumigil sa paglalakad. Sa may waiting shed. Dala ko din naman ang cellphone ko kaya hindi ako mahihirapang kontakin si Farris kapag ganitong pagkakataon.

Ako:

Where are you? Nandito na ako. Sa may waiting shed.

And sent!

Umupo ako habang hinihintay siya. Hindi man ako nakatanggap ng reply sa text ko ay ayos lang. Paniguradong abala pa 'yon sa pagpunta niya dito. Ngayon ko lang din naalala na hindi pa pala ako nakapagcharge ng phone kaya paniguradong malolowbatt din ako mamaya. Hayaan na nga!

Ilang saglit pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko. Awtomatikong napatayo ako. Kusang bumaba ang bintana sa passenger's seat. Tumambad sa akin si Farris na kaniya pala ang sasakyan na ito. Malapad siyang ngumiti sa akin bilang pagsalubong. Kinalas niya ang seatbelt at lumabas. Lumapit siya sa akin. Naka-v neck gray shirt, faded jeans at pares ng Chuck Taylor high cut shoes ang suot niya. Simple, pero mas maaliwalas siya sa paningin ko ang ganyang pormahan niya ngayon.

"Kanina ka pa ba?" Marahan niyang tanong sa akin nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

Agad akong umiling. "Hindi naman, kakarating ko lang din." Sagot ko pero umiwas din ng tingin sa kaniya. Kailangan kong maging normal ngayon! Pakiramdam ko ay nagiging abnormal na naman ang tibok ng aking puso sa tuwing kaharap ko siya.

Hinawakan niya ang bewang ko para igiya at alalayan ako hanggang sa marating namin ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na sa front seat. Isusuot ko sana ang seatbelt pero bigla niya iyon inagaw at siya na ang mismong nagsuot n'on para sa akin. Pero, parang titigil na naman sa pagtibok ng puso ko dahil masyado siyang malapit sa akin! Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango... Ang bango niya. Shít, nagiging abnormal ka na naman nang tuluyan, Marguerite!

Sumulyap siya sa akin. Muli siyang ngumiti. Umiwas agad ako ng tingin. Rinig ko nalang ang pagsara niya ng pinto sa gilid ko. Nakaw sulyap ang ginawa ko nang umikot siya harap, hanggang sa narating na niya ang driver's seat. Bago man niya binuhayin ang makina ay sumulyap siya ulit sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" Lakas-loob kong tanong sa kaniya.

"I told you, sa lugar na hindi mo pa nakikita." He answered. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Promise, magugustuhan mo ito." Masuyo pa niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita pa. Sa halip ay napalunok ako. Tumingin ako sa harap. Bakit ba sa tuwing kasama ko siya ay umiiba ang aking pakiramdam? Hindi na ako nagiging normal? Kung dati ay balewala lang siya sa akin, ngayon ay namamangha ako sa bawat kilos niya? Maski sa pagsasalita niya?

"Let's go?" aniya.

Tahimik akong tumango. Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng seatbelts para doon ko na lang ibaling ang aking nararamdaman ngayon.

Unbounded Fondness | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon