Prologue

1.7K 38 1
                                    

"Hi, Marguerite!"

Marahas kong tiniklop ang aking libro. Matalim na tingin agad ang aking binigay para sa kaniya. Tanda na ayaw ko siyang makita. Ngunit, wala akong magagawa dahil maya't maya ang lapit niya sa akin at dahil na din sa iisang eskuwelahan kami. Wala nga talaga kong kawala. Kainis.

Farris Dalton Wu, ahead siya sa akin ng isang taon. Laging hinahabol ng mga kababaihan dito sa school, bukod sa mga kaibigan niyang sina Dominic, Howard, Harold, Xander at Jaxon na matitinik din sa mga babae. And the worst is, they taking the advantage. Pinapatulan din nila ang mga babaeng alam nilang patay na patay sa kanila, but in the end, iiwan lang din naman.

"Bakit ka ba narito? Marami namang lugar dito sa Stoneford na pupwede mong tambayan." Bakas sa aking boses na pagkairita.

Aba't hindi pa nakuntento, talagang umupo pa talaga siya sa tabi ko dito sa lilim ng puno ng narra. "Hindi ba pwedeng samahan ko ang nililigawan ko?" Tanong pa niya sa akin na may kasamang matamis na ngiti. Tss, bakit ba palagi nalang ito ngiti nang ngiti? Wala namang nakakatuwa o ano. O sadyang nababaliw na siya nang lingid sa kaniyang kaalaman.

Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Kungwari sa malayo akong nakatingin. "Hindi mo naman ako kailangang samahan." Saad ko pa. Akmang tatayo na ako pero bigla niya akong pinigilan kaya napaupo na naman ako sa damuhan. Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na napatingin sa kaniya na kunot ang noo. "Ano na naman ba?"

Lumabi siya. "Papaano ako mapapalapit sa iyo nang tuluyan kung palagi kang nalayo?" He asked.

Napangiwi ako. "You shouldn't have, Farris. Marami pa akong gagawin, may quiz pa ako mamaya." Palusot ko pa para tuluyan na akong makalayo sa kaniya. Hindi ba niya nakikita na ayaw kong mapalapit sa kaniya? Paniguradong susugurin ako ng mga babae niya! Aba, ayaw kong umuwi na may sugat at pasa, ano! "Bitawan mo nga ako." Sabi ko saka marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkahawak niya, buti naman ay agad din ako nakawala mula sa pagkahawak niyang 'yon. Mabilis ko siyang nilayasan hanggang sa tagumpay akong nakabalik ng classroom.

Sa buong buhay ko, si Farris palang ang naglakas-loob na ligawan ako. Papaano kasi, naunahan na niya ako. Hindi pa ako naka-hindi ay gumawa na siya ng hakbang! Siraulong iyon! Hindi ako interisado sa lovelife dahil gusto kong pagtuunang pansin ang pag-aaral ko. Kaya panay tulak ko papalayo ang mga nagtatangkang manligaw sa akin. Sa kaso naman ni Farris, kahit anong tulak ko sa kaniya ay siya naman lapit nang lapit. Ayokong madisappoint sa akin ang parents ko at marami pa akong goals sa buhay.

I belong to the family of doctors. Si papa kasi ay isang Neurologist habang si mama naman ay isang Cardiologist. Sa ngayon, wala pa akong mapili kung anong field na gusto ko kapag nakakuha na ako ng kursong Medicine. Basta ang gusto ko lang ay maging doktor tulad ng parents ko at gagawa ako ng sarili kong pangalan na hindi umaasa sa pangalan ng mga magulang ko.

"You got a perfect score, Ms. Apostol. Congratulations." Wika ni Ms. Manabat sa akin, ang science teacher namin. Nakangiting inabot niya sa akin ang test paper at tinanggap ko iyon ng maluwag. Hindi mawala sa aking mga labi ko ang ngiting tagumpay. May maipapakita na naman ako kina mama at papa nito mamayang dinner. Excited na din ako kung ano ang magiging reaksyon nila sa oras na maipakita ko sa kanila ito!

"Thank you, ma'm." Masayang sambit ko pagkatapos ay bumalik na ako sa aking upuan.

"Oy, Marguerite." Mahinanag tawag sa akin ng isa ko pang kaklase, si Evelyn. Ang naturingan ko na rin na nag-iisang kaibigan ko dito sa Unibersidad. Mayaman din pero simple lang ang manamit ang isang ito. Ang daddy niya ay nagmamay-ari naman ng isang Construction Firm at isa naman engineer. Nang tanungin ko siya tungkol sa pormahan niya ay ang tanging sabi lang niya ay gusto niya lang maging low-profile. Ayaw niya ng show off.

Bumaling ako sa kaniya na nagtataka. "Bakit?"

Sumilay ang mapaglaro niyang ngiti at wala akong ideya kung para saan. "Busy ka ba mamaya?"

"Dadaan ako mamaya ng library bago umuwi. Bakit nga?"

"Malapit na ang JS prom, eh. Alam mo na..." Mas lumawak ang ngiti niya. Hindi ko talaga alam ang takbo ng isip nito kahit kailan.

Kumunot ang noo ko. "Anong kinalaman ng mamaya sa JS prom?" Hindi ko na maiwasang lalo magtaka. Ano bang pinagsasabi ng isang ito?

Ngumisi siya. "Wala... Don't mind me na nga lang." Saka humarap na siya sa pisara.

Naiiling ako. Ang weird niya, ah. Hindi naman ganyan 'yan dati, eh.

Tulad ng plano ko, dumaan muna ako ng Library bago umuwi. May hihiramin sana akong libro para may mabasa ako mamaya pagdating ko ng bahay.  Nagtext na din ako sa driver na hintayin lang niya ako sa ParkingNlot at pumayag naman siya.

Nasa Science Section ako. Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng libro na 'yon. Mabuti nalang ay kaming dalawa lang ng Librarian dito sa loob ng silid dahil kahit may malaking nakasulat na 'OBSERVE SILENCE' ay hindi pa rin nila iyon sinusunod.

Tumigil ako sa paghahanap sa mga shelf nang may nabasa akong title ng libro sa gilid nito. "Heto na iyon." Nakangiting sabi ko nang makita ko ang libro na hinahanap ko. Kaso, mas mataas iyon at mukhang mabibigo akong abutin iyon. Kinakailangan ko pang tumingkayad para lang maabot iyon. Pero may isang kamay na nakakuha n'on na ikinagulat ko.

Lumingon ako para tingnan kung sino nagmamay-ari ng kamay na iyon. Mas lalo ako nawindang nang bumungad sa akin si Farris. Nakangiti siya sa akin habang hawak niya ang naturang libro.

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin ngunit mahina kong tanong sa kaniya. Ayokong masita ng Librarian nang wala sa oras.

Nagkibit-balikat siya. "Ang pangit naman kung sasabihin kong sinusundan kita dito, magmumukha akong stalker..."

Mukha ka ngang stalker. Halata naman!

"Book is not your thing, Farris." Mahinang sambit ko, unti-unting nabubuhay ang pagbabanta sa boses ko. "Akin na iyan."

Bago siya ulit nagsalita ay talagang inilayo pa niya bahagya ang libro sa akin!

"Ibibigay ko sa iyo ang libro na ito kung papayag ka sa gusto ko..."

Aba, may balak pa yata makipaglaro pero no, thanks. Hindi ako interisado. Gustuhin ko man sabihin ay hindi ko naman magawa.

Napaawang ang bibig ko. Pero ano na naman bang kailangan ng isang ito?

"Be my prom date, Marguerite."

"Ayaw." Mabilis at mariin kong sambit.

"I don't take nos." Sabi niya pero may mapanglarong ngiti.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at isinandal niya ako sa bookshelf kung saan hindi kami makikita ng Librarian! Na-korner niya ako! Namilog ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa! What the...?

Ang mas nakakagulat pa sa ginawa niya ay bigla niyang dinampi ang mga labi niya sa labi ko! Parang huminto ang puso ko sa pagtibok ng ilang segundo! What the heck, Farris!?

Nang humiwalay na ang mga labi niya sa akin ay sunod niyang ginawa ay idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Sumilay ulit ang ngiti sa kaniya mga labi. "I'll take this as yes, Marguerite."

And he leave me breathless...

Unbounded Fondness | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon