Chapter 1

1K 25 0
                                    

Kakatuntong ko palang ng Grade 7 ay ipinagkasundo na ako nina mama at papa kay Reuben, na ex-boyfriend ko ngayon. Kaya lang naman sila boto doon dahil tingin nila ay malaki ang maitutulong ng pamilya ng ex ko sa business namin which is ang Private Hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni mama. Dahil sa takot ako at para hindi madisappoint sa akin ang magulang ko ay wala naman ako magagawa. Sinunod ko ang gusto nila. Pero sadyang hindi talaga kami nag-work out ni Reuben.

Ngayon, ang pinoproblema ko ngayon ay kung papaano ko sasabihin sa kanila na wala na kami ni Reuben. Hindi ko kasi ugali ang maging martyr. Hindi ako katulad ni papa. Kung ayaw na sa akin, edi 'wag. Hindi naman sila ang kawalan. At isa pa, alam ko namang hahantong kami ng siraulong Reuben na dito. Sa sitwasyon na ito.

"Are you sure na hindi mo na babalikan ang Reuben na iyon? Paniguradong magagalit ang parents mo. Alam mo naman na daig pa nilang nalugi ng hundred million pesos kapag nalaman nilang tapos na ang relasyon ninyong dalawa." May halong pag-aalala nang sabihin iyon ni Evelyn, ang bestfriend ko.

Tumango ako bilang tugon habang narito kami ngayon sa Green House ng University, na sabihin nating Cafeteria din ito. "In the first place ay wala akong pakialam sa kaniya, ganoon din siya sa akin. Ayoko lang din madangwit ang pangalan ko sa mga kalokohan niya." Sagot ko pa. Totoo naman, tuwing may kalokohan na ginagawa 'yon ay palagi ako nadadamay. Tulad noong nakipag-away siya, kung ano ang tingin nila doon, ay ganoon na din tingin sa akin. Minsan pa ay mas disappointed pa sila kun bakit nagawa kong makipagrelasyon sa isang tuladniya, as if! Kainis. Feeling ko, nasisira ang reputasyon ko dahil sa mga mapanghusgang mga mata sa paligid. Badtrip!

Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil hindi ganoon ang tingin ng mga teachers dito sa Stoneford. Kung ganoon ang tingin nila sa akin, binabawi ko sa academic performance ko. Ngayon, supalpal sila. Tss.

"Nga pala, may ka-date ka na ba para sa JS Prom?" Bigla niyang tanong ulit. Pinaglalaruan niya ang hawak na straw ng kaniyang frappe.

Bahagya akong natigilan sa tanong na iyon. Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa Library kahapon. Bwisit na Farris na iyon, talagang hinalikan niya ako! Kung maaari lang gaganti ako.

"Oi, Marguerite, okay ka lang ba?" Talagang kinaway-kaway pa niya ang palad niya sa mukha ko.

Bumaling ako sa kaniya at hilaw akong ngumiti. "Oo, okay lang ako..." Hindi ko na magawang dugtungan ang sasabihin ko dahil ayokong sabihin kay Evelyn ang nangyari kahapon dahil grabe ang isang ito. Palagi niyang pinagpipilitan na bagay daw kami ng hunghang na iyon kaysa kay Reuben. "W-wala..." Iyon ang naging ending ng sagot ko.

"Aw, sayang naman!" Punong-puno nang panghihinayang nang sabihin niya iyon. "Ang akala ko pa naman ay inaya ka na ni Farris maging prom date niya."

Napalunok ako. May alam pala siya doon?! Sa pagkakatanda ko, hindi naman talaga sila close. Isang tanong, isang sagot lang ang interaction nila so how come?

Pinili ko nalang na huwag pansinin o itanong 'yon. Mas mabuti nalang na ituon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain at mamaya ay mag-aaral ako ulit.

**

Pabalik na kami ni Evelyn sa classroom namin nang makakasalubong namin si Reuben, kaakbay niya ang bagong babae niya ngayon. Masaya silang nag-uusap. Scratch that, naghaharutan pala. Panay halik pa ni Reuben sa buhok ng babae. Grabe, lakas magharutan ang dalawang 'to at talagang sa school pa. Sa harap pa ng mga estudyante. Oh well, ano bang magagawa ko sa mga malalantod na tulad niya? Ikaka-proud pa ba niyan?

Unbounded Fondness | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon