CHAPTER 1
Roronoa's POV
"That was great, Roronoa." He said while catching his breath.
Ningitian ko nalang siya habang nakatutok dito sa phone ko. Hindi ko pala na-reply-an itong si Dominique.
"So.. um.. I'll see you again some other time?"
"'Di ko pa sure." I replied kahit 'yung atensyon ko ay nandito pa rin.
"Ahh.. You're not sure pa pala."
Hindi ko na siya pinansin pa. Ano sa tingin niyang ire-reply ko diyan sa sinabi niya? Buti sana kung tanong ulit 'yan.
It is already 2:03 in the morning. Halos isang oras lang din pala ang itinagal namin dito sa loob ng kotse. In fairness, hindi ko rin napansin 'yung oras. So summarize, he was good.
"Hindi ka ba nag-enjoy?"
"I enjoyed it." Wala nang pagdadalawang isip pa.
"You did not."
Itinigil ko muna 'tong pagte-text ko at ibinaling ko ang atensyon sa kanya. Ano bang inaarte nito?
"'Pag sinabi kong nag-enjoy ako, nag-enjoy talaga ako. Ano d'on ang hindi mo maintindihan?" Medyo iritable na 'tong tono ng boses ko.
Tumingin siya sa harapan. Makikita mo talaga sa kanyang parang nagtatampo siya. Ano ba? Macu-cute-an ba ako sa kanya o maiinis? I really don't know what to feel, seriously!
"Para kasing wala na lang sa 'yo ang lahat pagkatapos nating gawin."
I chuckled, "May pinagsamahan na ba kaagad tayo sa halos tatlong oras lang nating pagsasama? Kani-kanina lang?"
Hindi niya ako pinansin. Teka... was he really serious?
I heaved a sigh, "David---"
"Dave." Diin niyang sabi at pagkorek sa pagtawag ko sa pangalan niya. Oh, okay. My bad! Kalapit na rin naman kasi ng pangalan niyang Dave 'yang David eh.
"Dave..." I rolled my eyes. Hindi rin naman siya nakatingin sa akin ngayon, "Nag-enjoy talaga ako.. You're really good, to be honest." Sarkastiko ko nang pagkakasabi. Kung diyan siya sasaya.
"Okay, I'm sorry. Nag-text na pala kasi 'tong si.. uh.. Mom. Ngayon ko lang siya na-reply-an."
He glanced at me. Effective na ba 'yang pagsisinungaling mo, Roro?
He smiled, "Sorry. I just... really thought na---"
"Ssshhh." Itinapat ko ang index finger sa lips niya, "I know. Bakit? Gusto mo pa ba?" I said in a teasing tone. Ewan ko nalang kung tatanggihan pa ako nito o ano. Basta ako na ang nag-initiate, period.
"But.. will I ever see you again---"
"You should not keep the girl waiting lalo na kapag sila na ang nagre-request." Pagputol ko sa sasabihin pa niya. Jusko, sana matapos nalang 'to at inaantok na rin naman ako.
He sighed, "How can I say no?"
Pagkasabi na pagkasabi niya n'on, I sealed his lips again with a deep kiss. 'Wag nalang siyang magsalita and just savor the moment nalang.
He grabbed my waist kaya naman pumatong ulit ako sa kanya. Buti nalang at medyo nakapahiga pa ang upuan niya kaya naman hindi ako nahirapang sumampa ulit sa kanya. Naka-bra nalang naman ako kaya advantage na rin ulit. Topless pa rin siya dahil nga katatapos lang namin kanina at kung hindi lang naman nag-drama 'to, hindi ko ulit sana pagbibigyan.
I just don't hang out with guys I hooked with. It's just that... ang awkward. And it isn't my thing na rin. Hindi ko yata kakayanin na makita o makasama ulit ang isang lalaking nakatalik ko lalo na first meet namin, bakbakan na kaagad. Makikita ko siyang hubo't hubad then the next day makikita ko siya sa liwanag nang nakadamit? I would really feel uncomfortable.
Lalo na 'to, nakilala ko lang siya sa party kanina lang. Dave or David, whoever he was, wala naman akong pakielam sa kanya. Once is enough na sana but I have no choice. Though gan'to ako, hindi naman ako ganun ka-harsh para direct sabihin sa isang tao na kesyo ayaw ko naman talaga sa kanya.. kahit sino pa man yata 'yan, I would really say no.
Tumigil siya habang nakikipaghalikan ako sa kanya...
"Uhm, why?"
He sighed, "You don't really want to hang out with me some other time?" Medyo malungkot niyang sabi. I can feel it.
Hanggang ngayon pinu-push pa rin ba niya? He looks sincere, eh.
"Hindi naman kasi sa ganun.. Dave..."
"Then why not?""
Ano ba talagang gusto niyang mangyari tonight? Siya na nga ang pagbibigyan pero nag-iinarte pa siya ng kung anu-ano.
"I didn't say no." I replied. "Alam mo, hayaan na natin 'yun. Let's just continue what we've started. Ayoko sa lahat 'yung nabibitin."
Though hindi na naman ako aroused, kailangan lang talaga na ganitong segwey at pagsisinungaling para ipalabas na magaling siyang makipag-sex, lalo pa dito sa kotse pa namin ginawa.
Hinalikan ko ulit siya. Buti nalang at hindi na siya pumalag pa.
Ganito na rin naman ang takbo ng mundo ko.. Paulit-ulit na ganito lang.
Wala nang bago, wala nang thrill, hindi na kakaiba. Normal at common nalang kung iisipin.
Welcome to the world of Roronoa Kendra Malvar. Welcome to my life. Marami-rami pa sigurong downs ang dadating sa buhay sa isang failure na tulad ko. But who knows? Maybe somehow, someday, I can manage it... or someone will?
---
Author's Note:
Please leave your comments and insights about the story. Para alam ko kung push natin yung gantong genre or nah.
Thank you so much!
YOU ARE READING
Lust, Delights, Desires
RomanceSi Roronoa Kendra Malvar ay isang babaeng pinagkaitan ng pag-ibig kaya nakisabay nalang siya sa gulo ng buhay. Will she ever learn to love and appreciate someone without just Lust, Delights, and Desires? Pure heart and love will set her free.