CHAPTER 4
Roronoa's POV
8:46 P.M.
Kanina pa ako tingin nang tingin sa wall clock dito sa nakasabit sa taas ng pinto ng kuwarto ko habang nagkukuyakoy.
Ibinagsak ko na ang sarili ko at humiga na dito sa kama ko.
Nakasuot ako ng black sando lang at naka-maong na shorts. Dapat naka-pajama na ako ngayon pero dahil nga sa may hinihintay akong bisita, kailangan kunwaring nakapambahay lang ang pormada.
8:51 P.M.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagte-text o tumatawag man lang.
May nagte-text nga sa akin pero paniguradong isa na diyan si Dave na sobrang kulit. Tunog din nang tunog ang phone ko dahil sa mga notifications ko from Tinder, Twitter, IG and FB lang naman 'yan.
Out na kaya niya? Bakit kaya kahit isang text hindi man lang niya gawin?
Duh, ako na 'to, si Roronoa matatanggihan pa ng isang barista lang naman? H'wag lang niya talaga ako pahiyain kahit kay Dom man lang. Kasama ko pa naman si Dom n'ong nagpasikat akong lapitan siya...
9:01 P.M.
Feeling ko tuloy sobrang bagal ng oras.
Bumangon na ako at inalis ang pagkakatitig ko dito sa kisame. Hindi na 'to puwede, hindi dapat ako 'yung naghihintay ng gan'to eh. Bakit wala man lang pasabi kahit sabihin nalang sana kung hindi siya makakapunta?
Bullshit na barista 'yan.
Hindi dahil sa gusto ko siya kaya hintay ako nang hintay sa kanya. Kailangan lang na may maipagmalaki ako kay Dominique na hindi ako palpak sa pagpapa-cute ko sa lalaking 'to. Wala pa naman siyang nababalitaan na sumablay ako pagdating sa mga gan'to.
Hinilamos ko ang dalawang kamay ko sa pagmumukha ko.
Napatanggal din agad ako nang maalala kong naka-make up pa pala ako. 'Yung maskara ko, kakalat. 'Yung kilay ko, magugulo. Shit!
Dapat pala kinuha ko nalang din 'yung number niya para ako mismo ang kokontak sa kanya. Magawan ko pa sana ng alibi kung nakakausap ko siya ngayon, kaso hinamon ko pa naman si Dominique na bukas na bukas din, may bagong isyu na kakalat at maghintay lang siya sa happenings na mangyayari.
10:04 P.M.
*DING DONG!*
"Coming!" sigaw ko.
Wala akong ganang tumayo sa kinahihigaan ko dito sa kama dahil sa dala na rin ng kaantukan. Hindi na rin ako nag-abalang mag-ayos pa ng sarili kaya lumabas na agad ako sa kuwarto ko para pagbuksan siya ng pinto.
*DING DONG!*
"Wait nga lang." tamad kong pagkakasabi.
Hindi ko na rin inayos ang mga kalat dito sa sala ko. Puro kasi mga lata ng alak ang nandito dahil nilasing ko nang very light 'tong sarili ko. Nag Netflix lang kasi ako saglit dito pampatanggal ng antok at pagka-boring.
Binuksan ko na ang pinto at tumambad sa akin ang matipuno niyang katawan.
Walang anu-ano'y hinalikan na niya kaagad ako at agad naman akong gumanti sa mainit niyang halik sa akin.
Nagpadala na kami sa lamig ng gabi at init ng aming mga katawan.
************************************************************************************

YOU ARE READING
Lust, Delights, Desires
RomansaSi Roronoa Kendra Malvar ay isang babaeng pinagkaitan ng pag-ibig kaya nakisabay nalang siya sa gulo ng buhay. Will she ever learn to love and appreciate someone without just Lust, Delights, and Desires? Pure heart and love will set her free.