CHAPTER 3

124 3 0
                                    


CHAPTER 3

Vinson's POV

"P're? Nabalitaan mo na 'yung kumakalat na balita ngayon sa campus?" inaayos pa ni Kirk 'yung headphones niya nang mabuksan niya ang computer.

"Ha?" sagot ko habang nakatingin pa rin ako sa screen ng computer na 'to, at saka ini-log-in ang account ko sa computer shop na 'to.

"Teka nga, saan na ba sila Aser?" Dumungaw pa siya d'on sa may dulong pintuan sa computer shop na 'to para tanawin yung dalawa pa naming kaibigan na makakasama namin ngayon sa paglalaro ng rank game.

"Maya maya pa yata susunod 'yun. Mamaya pa vacant ng mga tukmol na 'yun."

"So tayong dalawa nalang muna?"

"E ano pa nga ba?"

Abalang-abala kami sa paglalaro. Isang oras lang naman talaga 'yung vacant namin kaso umabot na kami ng tatlong oras dito sa comshop. Wala eh, hindi na namin napansin ang oras sa paglalaro. Hindi na rin naman dumating sila Aser dito, naharang na yata d'on sa bilyaran kaya hindi na nakasunod dito sa 'min. Bahala sila diyan, baka dagdag pabuhat pa sila e okay na naman 'yung tandem namin nitong kolokoy na 'to.

"Ooh! Talon par! Talon! Una ulo!"

"Ha ha ha! Bagsak!"

Natatawa nalang kami sa kalokohan naming dalawa. Paano, sumugod bigla itong si Cyclops sa Dragon nang siya lang mag-isa at walang ibang kasamang mga kagrupo. Ending, bugbog siya sa amin!

"Nice one, dude!"

Nag-apir kaming dalawa sabay tanggal sa headphones.

"So ito na nga.. alam mo na 'yung balita kay Noa?"

Napakurap kaagad ako nang banggitin niya ang pangalan ni Noa.

Tumingin ako sa kanya, "Ano na naman 'yun?"

Napailing habang nakangiti itong si Kirk.

"Sus... di mo pa pala alam?" nang-aasar pa talaga siya.

"Library with Hero?"

"Last week issue pa 'yan."

Napalunok ako. Ito na naman eh, may panibagong isyu na naman tungkol kay Noa.

"Ano nga 'yun?" naiintriga na lalo tuloy ako pero kinakabahan sa ikukuwento nitong si Kirk. Bakit hindi ko man lang kasi nalalaman kaagad 'yung mga ganyang balita? Para bang lagi nalang ako napaghuhulihan sa mga ganyan patungkol kay Noa. Hindi naman ako ipinanganak kahapon.

Umayos siya ng upo.

"She made out with orb Dave." orb= bro

"Dave?" kunot noo kong tanong. "As in Dave Arquiza?" paninigurado ko. Baka naman kasi ibang Dave ang tinutukoy niya, e bro namin itong si Dave.

"Uh-uh." Dahan dahan pang tumango itong si Kirk habang nakangisi.

"Ows?"

"Gago, pramis!" tinaas niya ang kanang kamay niya. "Kalat na kalat na may nangyari sa kanila and guess where they did..."

Tinaasan ko siya ng kilay at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Sa Vios din mismo ni Dave."

"The fuck?" ito nalang ang nai-react ko.

Hindi na talaga nagbago si Noa. Hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya n'ong una pero simula nawala na ang lahat, nagbago na rin ang lahat sa kanya.

Hindi na sa akin bago kung sino man ang naiisyu sa kanya...

Hindi na rin bago kung kakalat at kakalat kaagad 'yung mga ganyang balita tungkol sa kanya...

Hindi na bago kung paulit-ulit nalang na ganyan 'yung gagawin niya.

N'ong una nanibago pa ako sa kanya nang nalalaman kong ganyan ang ginagawa niya. Pero sino naman ba ako? Hamak na ex nalang naman niya ako. Pero kahit naman gan'to, minahal ko siya nang sobra at alam ko naman sa sarili kong hindi ako nagkulang.3

"Bakit p're? Hindi niyo ba nasubukan dati sa kotse?"

"Gago."

"Iba sa ka-wild-an 'yang ex mo 'no."

"Anong mayr'on dyan kay Dave?" pagbabago ko ng tanong.

"Ewan ko ba diyan. Basta ang balita lang din, matagal na palang may pagnanasa itong si Dave kay Noa. Nagkataon lang daw na nagkita sila don sa En Route sa Morato, ayun, dala na siguro ng kalasingan. E kilala mo naman 'yang si Noa... palaban sa kung sino palaban."

"Daig mo pa babae kung makaalam ng mga ganyang tsismis ah."

"P're, tawag dito 'sources'." Hawak pa niya ang phone niya.

Napatigil na naman ako at lumakas ang kaba ng dibdib ko. "H'wag mong sabihin..."

"D'yan ka naman nagkakamali. Wala silang video."

Napahinga ako nang malalim.

Sapat na 'yung kirot sa akin kapag nalalaman kong may naiisyu sa kanya tungkol sa mga ganyan, pero h'wag na nga sana aabot sa point na may mapapanuod pa ako.

"Nakausap niyo na si Dave?"

"Hindi pa siya pumapasok simula kahapon."

Tropa kasi ng ibang trop ani Kirk 'yang Dave Arquiza na sinasabi niya. Nakausap ko na rin at nakilala ko na siya dati.. nakasama sa mga inuman, gan'on. Alam naman niya panigurado na nagkar'on kami ng thing ni Noa pero talagang balewala sa kanya ang bro code ah.

Kunsabagay hindi ko naman siya gan'on lagi nakakasama, pero sana respeto nalang. Kung ako nga... hay. Ewan, ayoko nalang umimik.

"You still can't get over with her, 'no pare?" bilis mag shift nitong loko lokong to ah.

"Sus, sino may sabi."

"Five months, erp. Limang buwan na rin kayong hiwalay."

"Pinagsasabi mo diyan? Sinagot ko ba 'yang tanong mo?"

"'Yung mukha mo nangungusap!" tinuro pa niya ang mukha ko para lalong idiin ang pang-aasar niya sa akin.

"E ano naman sa limang buwan? Okay na naman."

Binalik ko ang atensyon ko dito sa harap ng screen ng computer na 'to. Ayan na naman siya eh, pasimuno na naman ng mga kalokohan.

"Pero tang ina, dude. Hindi ba parang nagsisisi ka kay Noa? No offense ha, kung sinu-sino nalang din kasi 'yung pinapatulan niya."

Napaayos ako bigla ng upo.

"Pasmado bibig mo ah."

"Gagi, tunay lang orb. Masyado mo naman yata kasing sinaktan kaya nagkaganyan siya eh. Biruin mo, pati aport nating si Dave pero nakaisa pa."

Hindi ko rin naman masabihan 'tong kaibigan ko na mali 'yang mga pinagsasabi niya dahil may punto rin kasi eh.

Hindi ko lang din kasi lubos maisip na pati kay Dave, may nangyari na sa kanila tapos sa kotse pa. Ibang iba na talaga 'tong si Noa. Hindi ko na masala kung ano ba talagang gusto niya.

"H'wag ka namang sumumang dyan!"

Tinaas ko ang middle finger ko at tinutok sa harapan ng mukha niya sabay sabi ng, "Pakyu."

"Ba't hindi mo nalang siya gayahin?"

"Magpaka-fuck boy?"

"So sinasabi mong fuck girl na siya? Edi sa 'yo na rin mismo nanggaling!"

Loko 'tong gunggong na 'to. Talagang hinuhuli niya ako, ah.

"Hindi kaya. Pinanganak akong loyal." Tinaas ko ang kanang braso ko tyaka nag flex.

"Weh? Sana all."

"Ulol, ang korni mo."

Lust, Delights, DesiresWhere stories live. Discover now