CHAPTER 2

152 4 0
                                    


Author's Note:

Chapter two is now posted! Any insights about the book? Comment below!


-----


CHAPTER 2

Roronoa's POV

"Kamusta, Noa? Kinukulit ka pa rin ba niya hanggang ngayon?"

I puffed my cigar, "Nakakainis na nga, e."

"Baka naman kasi nakikipagkita ka pa."

"Ni mag reply nga sa mga texts niya hindi ko ginagawa, makipagkita pa kaya."

"Okay, okay." Matawa-tawang sabi ni Dom. "Bakit hindi mo kasi subukan? I think David's a nice guy---"

"Dave." Pagkorek ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Akala ko ba David pangalan nung guy?" pagtataka niya.

"Well I thought so, too."

Hindi maipinta ang mukha nitong kaibigan kong si Dominique. Nahihilo na yata siya sa mga pinag-uusapan namin ngayon dito.

"Miss Noa? Miss Noa po." Tawag sa pangalan ko ng lalaki dito sa counter.

Mahitsura ang lalaking tumatawag sa pangalan ko ngayon.

"Uy, wait up." Kinindatan ko itong si Dom.

Napatingin siya dun sa lalaking tumatawag sa pangalan ko at napailing nalang. Alam na siguro niya ang ibig sabihin ng kindat ko.

"Your Caramel Frappuccino, Ma'am Noa." Nakangiti nitong abot sa akin. Ang pogi naman niya masyado para sa ganitong trabaho... Hindi kasi common ang hitsura niya kaya bagong bago talaga sa paningin ko.

"Thank you." Malandi kong sabi.

Nang iabot niya sa akin ang inumin ko, dahan dahan ko naman itong kinuha sa kanya. Medyo hinaplos ko pa 'yung kamay niyang nakahawak dito habang nakatingin ako sa mga mata niya.

Namumula 'tong lalaki, hindi ako nagkakamali.

"Uhm, may small paper ka and ballpen?" tanong ko sa kanya.

Napakurap naman siya nang ilang beses nang mag tanong ako, "P-pencil lang, ma'am."

"Sure, okay na 'yan." Sweet kong sabi.

Para siyang natatarantang humanap ng papel. Sticky note pa yata ang iaabot niya sa akin, at nasa bulsa nalang niya ang pencil.

Inabot niya ito sa akin...

Kinuha ko ito at nilagay ang contact number ko at pangalan.

"If you want, you can meet me tonight at Greenridge Heights Subdivision, Makati. I'll text you the exact details later." I winked at him.

Bumalik na rin ako sa puwesto namin na dala ang inumin ko, habang naka-flash pa ang nakakalokong ngiti ko nang tanawin ako ni Dom.

"Iba talaga ang atake mo, gurl."

"Roronoa Zoa pa ba?"

"May bago ka na naming bibiktimahin. Naku talaga, Noa! Sa dami dami ng mga lalaking niyayare mo, lagot ka kapag may isa sa mga 'yan ang ma-in love sa 'yo. Worst is habol-habulin ka pa..."

"Kahit dalawahin o tatluhin mo pa sila." Tinawanan ko nalang siya sabay sip sa frappe ko.

"Pero balik tayo! Kamusta last night? Magaling?" Humirit siya ng nakakalokong ngiti sa mukha niya. Kumurot din siya sa cake niya sabay subo.

"Hmm... Siguro? Naka-round two pa kami, eh."

"Ay ang hina naman. Two rounds lang pala."

"Hindi mo pa kasi ako pinapatapos... Sa car kasi."

Naibaba niya ang fork niya. Hindi kasi ako pinapatapos, eh.

"Legit? Masarap?"

Tinaas ko ang dalawang kilay ko bilang response sa tanong niya. Never pa rin kasi siya makaranas ng sex inside the car. Hanggang motel lang yata sila ng boyfriend niya. Yes, may boyfriend na ang kaibigan kong si Dominique at mahal naman niya 'yang jowa niya. Hindi naman por que ako ang kaibigan niya, pareho kami ng trip na ginagawa. At syempre, hindi ko naman siya pipilitin na sabayan ako sa trip ko.

"Hindi ba ako hihirit ng round two kung hindi?"

Napatakip siya ng kanyang kamay sa bibig niya. See? Hindi siya makapaniwala ngayon.

"At ikaw pala talaga ang humirit, ah!"

"Well." Sabay puff naman ng cigar ko.

Nahihiya talaga ako minsang aminin kahit sa kanya na hindi magaling 'yung nakakatalik ko. Ayoko lang talaga.. Kaya kahit hindi maganda ang performance, pagmamalaki ko na magaling pa rin at puwede na. Feeling ko kasi ego ko ang maaapektuhan dito pag sinabi ko kunwari na kesyo maliit, hindi naman magaling, nakakakiliti lang... edi ako pa lugi?

Well anyways, "Saan kaya namin gagawin mamaya nito?" Nakatitig naman ako ngayon sa lalaking nasa counter na pinagbigyan ko ng number. He's kinda hot. Sana lang talaga ay pumunta siya mamaya.

"Ano ba 'yung binigay mong address? 'Yung apartment mo o 'yung condo mo?"

"Apartment ko. Nasa condo ngayon 'yung mga pinsan ko."

"Ayun naman pala, edi d'on nalang din nga sa apartment mo."

"I mean, saang parte d'on sa loob naman kaya?"

Napahawak siya sa baba niya na parang nag iisip din...


"Na-try mo na sa kitchen?"

"Fabian ata o Florence? Not sure."

"Washing machine? Sa loob mismo."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Joke only! Pero nasubukan mo na?" natatawa niyang tanong.

"Patungan pa namin mismo 'yung washing machine, sige. Tignan ko kung ano bang trip ng lalaking 'to."

Sumipsip na muli ako sa inumin ko habang nakatingin pa rin sa lalaking 'to sa counter.

Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya... But anyways, at least she got my address and number. Saka na namin aalamin ang isa't isa... kahit hindi na pala? Ooh, I've almost forgot na hindi ko pa sila kinakilala matapos ko silang gamitin at pag-aksayahan ng oras.

Lust, Delights, DesiresWhere stories live. Discover now