WAY 02

82 19 2
                                    

Irene's Pov

"Sigurado ba kayong nabangga nyo sya?"-nagtatakang tanong samin ni lola.

Andito kami ngayon sa kwarto ko.Kasalukuyan namang nakahiga at natutulog yung lalaking nabunggo namin kanina.

Si lola ay nurse noon kaya dito ko sya naisip na dalhin.Nung i check nya ang lalaking nabangga namin ay nagtaka sya kung bakit wala man lang syang natamong mga sugat.Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit wala.

Nakakapagtaka lang.

Napalingon naman kami ni Manong kay lola.

"Opo lola.Malakas nga po ang impact e.Kala ko patay na sya"-mahina kong sabi at napatingin dun sa lalaki.

"Pasensya na po madam.Hindi po ako nag iingat"-narinig kong sabi ni Manong.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko syang nakayuko.

"Ija.Dito ka muna at bantayan sya.Mag uusap lamang kami ni Robert"-sabi ni lola.

Tumango naman ako.

Tinignan muna ni lola ang lalaking nakahiga ngayon bago sila lumabas ni Manong Robert.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya.Kumuha ako ng chair at umupo sa harap nya at pinagmasdan sya.

Ang dungis nya.

Parang hindi sya naliligo at hindi naranasang gupitan ang kanyang buhok.

Meron din sya mabahong amoy.

"Anong pangalan mo?"-nasabi ko na lang kahit na alam kong hindi sya sasagot.

Kanina pa syang mahimbing na natutulog.

Napakunot naman ang noo ko ng mapansin ko ang maliit na peklat sa kanyang mukha.Natatakpan ito ng kanyang buhok.Hahawiin ko sana ng biglang...

"Irene"

Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko.Si lola pala.

"Po?"-sabi ko at tumayo.

Lumapit sya sakin"Kumain ka na.Ako.muna ang magbabantay sa kanya"-sabi ni lola.Sinunod ko naman sya.

"Ok po"-sabi ko sabay yakap kay lola.Namiss ko sya ng sobra.

"Sge na.Bumaba ka na.Susunod na.lamang ako"-nakangiting sabi ni lola.

Kumalas na ko sa pagkakayakap kay lola pero bago ako lumabas ay sumulyap muna sa lalaking yun.

======

"Hmmm"-nasabi ko na lang habang inaamoy ang paborito kong karekare.

Natakam tuloy ako kaya agad agad kong nilantakan.

"The best talaga ang kare kare mo lola!"-sabi ko ng matikman ko ang luto nya.

Nginitian naman ako ni lola"Hinay hinay ka lang ija.Baka mabilaukan ka naman nyan?"-pabirong sabi ni lola.

Natawa naman ako"Kayo talaga lola.Hindi lang kayo ang namiss ko.Pati na rin po ang the best nyong kare kare!"

"Hindi ba nagbago ang lasa?Alam mo na habang tumatanda nag-iiba narin ang aking panlasa"-tanong naman ni lola.

Umiling ako"Napakasarap pa din tulad ng dati"-sagot ko.

"Hmmm talaga ba?Baka naman binobola mo lang ako?"-sabi ulit ni lola.

"Hindi po.Masarap talaga.Gusto nyo ako lahat umubos ng kare kare nyo e"-sabi ko at nilantalakan ang pagkain ko.

"Ikaw talaga.O sge na tama na ang usapan.Kain na tayo!"-masiglang sabi ni lola.

Ng matapos akong kumain ay niligpit ko na ang aking pinagkainan.

Aakyat na sana ako muli ako para tignan ang lalaking yun ng...

"San ka pupunta ija?"-tanong ni lola.

Nilingon ko naman sya"Aakyat po.I ch-check ko lang po sana kung gising na yung------"-sagot ko.

"Ako na bahala.Magpahinga ka na at matulog.Ang layo pa ng pinanggalingan mo kaya alam kong pagod ka na"-sabi naman ni lola.

"Ok lang po lola.Hindi pa naman ako inaantok------"

"Irene"-seryosong tawag sakin ni lola.

"Sorry po"-sabi ko na lang at napayuko.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni lola"Wag ng matigas ang ulo.Magpahinga ka na ok?Dun ka muna sa kwarto ko magpahinga at bukas muna sya kamustahin ok?Sge na"-sabi ni lola at hinaplos pa ang aking buhok.

Tumango na lang ako at sinunod sya.Pumunta na ko sa kwarto ni lola pero nilingon ko pa sya.

"Goodnight apo"-nakangiting sabi ni lola.

Kung kanina ay ang seryoso nya ngayon naman ay nakangiti na sya.

"Goodnight din lola"-sabi ko at pilit na ngumiti.

Tuluyan na kong pumasok sa kwarto ni lola.Nagpalit ako ng damit at pagkatapos ay nahiga na.

Napatitig ako sa kisame.

Ang daming gumugulo sa aking isip.

Sino ang lalaking yun?

Bakit ganun ang itsura nya?

Paano nangyaring wala man lang sya natamong sugat?

Parang hindi sya normal.

"Aish!"-nasabi ko na lang at napailing iling.Pumikit na din ako.

Ayoko ng mag isip ng kung ano ano.

Matutulog na ko.

======

Nagising ako ng tumama ang sikat ang araw sa aking mga mata.Tumayo ako at nag unat unat.Napatingin ako sa aking pinaghigaan.

Wala na dun si lola.

Maaga siguro syang nagising para magluto.

Nag ayos na ako at nagligpit.Pagkatapos ay lumabas ng kwarto.

Nagugutom na kasi ako.

"O apo.Gising ka na pala"-bungad sakin ni lola.

"Wow~"-nasabi ko na lang ng makita ang mga nakahain.

May tinapay,mga prito tulad hotdog,maling at ham.Syempre hindi mawawala ang kanin.

"Kain ka na Irene"-sabi ni lola.Tumango naman ako at umupo.

Pero napakunot ang aking noo ng may mapansin ako.

"Asan po yung lalaki kagabi?"-tanong ko.

Imposible namang hanggang ngayon ay tulog pa sya.

Napahinto naman si lola sa kanyang ginagawa.

"A-ah apo"-tawag ni lola.

"Po?Hindi pa rin po ba sya nagigising?"-tanong ko.

"H-hindi sa ganun"-nauutal na sabi ni lola.

"Ah...Siguro nahihiya po syang kumain?Teka tatawagin ko lang po"-sabi at tumayo para tawagin yung lalaki  kagabi pero...

"Wala na sya sa kwarto mo"

Napahinto ako sa sinabi ni lola at napalingon sa kanya.

"A-ano pong ibig nyong sabihin?"-tanong ko.

"Kanina ng tatawagin ko sana sya para kumain ngunit hindi ko na nakita sa kwarto mo.Umalis na sya"

Napanganga na lang ako sa sinabi ni lola.

Pero hindi pa sya ok.

Bakit sya kagad umalis?

Napabuntong hininga na lang ako.

Nasan ka?

======

To Be Continue...

🖤 Who are you? |Irene|Jk| 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon