WAY 04

58 16 0
                                    

Irene's Pov

"Irene!"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni lola.Nakabalik na pala sya habang may dala dalang prutas.Yun pala ang nakalimutang bilhin nya.

"San ka ba nagpupuntang bata ka?Hindi ba ang sabi ko ay dun ka lamang sa bakery?"-seryosong sabi ni lola.

"Pasensya na po"-paumanhin ko.

"Halika na.Uuwi na tayo"-sabi nya sabay hila sa kamay ko.

Agad naman akong napalingon dun sa lalaki.

"T-teka po!"-sabi ko dahilan para mapahinto si lola.

"Ano yun?!"-iritang tanong ni lola.Ramdam ko na galit na sya pero...

"Hindi ko po sya pwedeng iwan"-sabi ko sabay turo dun sa lalaki.Nakatitig ito samin at bahagyang nakayuko.

"Sinabi ng halika na!"-sigaw ulit ni lola sabay hila sakin.

"Pero lola!"-pigil ko habang pilit na inaalis ang kanyang kamay na nakakapit sakin.

"Wag ng matigas ang ulo Irene!"-sigaw nya muli.

Ramdam ko ang pagtitig ng mga taong nakakakita samin.

Napayuko na lamang ako.Alam kong hindi na tama ang inaasta ko.Pero kasi...

"Sorry po"-paumanhin ko.

Gusto kong makabawi sa kanya at sa nangyari kagabi.

"Halika na"-pag aya muli ni lola.Lumingon naman ako dun sa lalaki at napakagat ako sa aking ibabang labi ng makita ko syang nakatitig din sakin.

"Sorry"-nasabi ko na lang.

Nagsimula na kaming pumunta sa sakayan ng mga tricycle at sumakay pero hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang lalaking yun.

"Ija andito na tayo"-narinig kong sabi ni lola dahilan para bumalik ako sa aking wisyo.Hindi ko namalayan na andito na kami.

Bumaba ako tinulungan magbit bit si lola.

Ng makapasok kami ay dumiretso na kami sa kusina at nagsimula ng tumulong kay lola sa pagluluto.

======

"Thank you po sa pagkain!"-sabi ko kay lola.

Kakatapos ko lang kumain habang si lola naman ay sumandok pa ng panibagong round.

Mismong sya ay nasarapan sa kanyang niluto.

Aakyat sana ako pero napahinto ko ng may maalala ako.

Magpapa load nga pala ako.

"Lola magpapa load lang po ako"-sabi ko kay lola.

Tumingin naman sya sakin"Gabi na.Bukas na lang"-sabi naman nya.

"Malapit lang naman yung tindahan kaya sandali lang po ako"-pilit ko.

Matagal bago ako sinagot ni lola"O sya bilisan mo a?Ikaw talagang bata ka.Napakatigas ng ulo"-sabi ni lola habang umiiling iling.

"Promise sandali lang po ako!"-paalam ako patakbong lumabas.

Napahawak ako sa magkabilang braso ko ng maramdaman ko ang lamig sa labas.

"Ang lamig"-nasabi ko na lang kaya mabilis akong pumunta sa tindahan.

"Pa load po"-sabi ko.

"Ay pasensya na po.Hindi na po kami nagl-load"

"Ay ganun po?San po may malapit pang tindahan?"-tanong ko.

"Duon pa.Malapit lapit ng konti"-sabi nya sabau turo dun sa sinasabi nya.

"Ah sge po.Salamat po"-sabi ko na lang.

Napaisip tuloy ako kung magpapa-load pa ko o hindi na.

Pero sabi naman nung ale e malapit lapit ng konti.

"Aish bahala na"-sabi ko at naglakad papunta dun sa sinasabi nung ale.

Lakad lang ako lakad pero wala naman akong nakikitang tindahan.

Hindi kaya niloko lang ako nun?

Tsk.Tanga tanga mo talaga Irene!

Ba't naniwala ka kagad?!

Bumalik na lang ako dahil mukhang niloko lang naman ako nung ale.

Karmahin sana ang aleng yun.

Habang naglalakad ako pabalik ay may nakasalubong akong grupo ng kalalakihan kaya naman...

Binilisan ko ang aking lakad pero...

"San ka puputa magandang binibini?"

Nagulat ako ng bigla silang humarang sa dinadaanan ko.

"Mukhang naliligaw ka ata a"-sabi naman nung isa.

Mukhang silang mga nakainom.

"Halika ihahatid na kita"-sabi din nung isa.

Kinabahan naman ako kaya agad na ko naglakad paalis at hindi sila pinansin ngunit...

Biglang may humatak sakin.

"Bitawan nyo ko!"-galit kong sabi habang pilit na inaalis ang pagkakapit nila sakin"Tulungan nyo ko!"-sigaw ko muli.

"Wag ka ng sumigaw miss.Walang makakarinig sayo dito"-nakangising sabi nung isa.

"Wag ka na ring pumalag.Maglalaro lang naman tayo"-sabi naman nung isa at nagulat ako bigla nyang hawakan ang hita ko.

"WAG NYO KONG HAHAWAKAN MGA HAYUP KAYO!"-sigaw ko.Naluluha na rin ako dala ng takot.

"Shhhh"

Nagulat ako ng bigla nyang ilagay ang daliri nya sa bibig ko na para bang pinatatahimik ako.

Sa sobrang galit ay kinagat ko ito.

"ARAY!!!!SIRAULO KA A!"-galit nyang sabi sabay suntok sa tyan ko.

Nanghina naman ako sa ginawa nya at ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Mga hayup kayo..."-mahina at naiiyak kong sabi.

Naiyak lalo ako ng mula sa hita ay umakyat ang kamay nya papunta sa private part ko.

Napapikit na lamang ako habang umiiyak.

Tulungan nyo po ako.

Parang awa nyo na po.

Iligtas nyo po ako sa hayup na mga lalaking to...

"Grrrrr!!"

Napamulat ako ng may marinig akong kakaibang tunog.Nanlalabo ang paningin ko dala ng luhang bumabalot dito.

"TULONG!!!!"-narinig kong sigaw ng isang lalaki.Kung hindi ako nagkakamali ay sya yung nanghahawak sakin kanina.

"P-pare.TAKBO!!"-narinig kong sabi namang nung dalawang nakahawak sa magkabilang braso ko.

Napaupo na lang ako ng bitawan nya nila ako.

Hinang hina na ko.

Napatingin naman ako sa harap ko.Kahit na malabo ay pinilit ko pa ring tignan ang taong nagligtas ng buhay ko.

"Grrr"

Napakunot ang noo ko ng marinig ko na naman ang kakaibang tunog.Para bang tunog ng isang hayop.

Napapikit ako dahilan para luminaw ng kaunti ang paningin ko at halos manlaki ang mata ko.

Pulang mata.

Mabalahibong nilalang.

At...

Matatalas na ngipin.

Gaya ng isang...

"Werewolf..."-sabi ko na lang kasabay ng pagikot ng aking paligid.

Then everything went black.

======

To Be Continue...

A/N : Hello~Salamat dahil naka abot ka dito ^.^ Gusto ko lang magpasalamat sa nagbabasa at sumusuporta sa story na to.Sana hanggang sa huli ay andyan pa din kayo hihi.So ayun lang.Lab na lab ko kayo 💋💕

-AuthorJ❤

🖤 Who are you? |Irene|Jk| 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon