WAY 08

45 14 1
                                    

Irene's Pov

"Huy okay ka lang?"-tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung pang ilang beses ko ng tanong yan at hanggang ngayon ay hindi nya ko sinasagot.

Nag aalala tuloy ako ako sa kanya.

Kasalukuyan kaming nakaupo dalawa sa swing.Bahagya kong dinuduyan ang akin habang nakatingin kay Jungkook.

Ang daming gumugulo sa isip ko.

Bakit sya naluha ng makita nya yung mag ina kanina?

May naaalala ba sya?

Hindi kaya yung mama nya?

"Jungkook"-tawag ko sa kanya pero hindi sya lumingon.Nakaupo lamang sya sa swing habang nakayuko.

Kanina pa sya ganyan.Alam ko na tahimik sya pero iba ngayon e.Ang lungkot ng presence nya.Hindi rin sya kumakain ng niyaya ko sya kaya nag aalala na ko.

Tumayo ako sa inuupuan kong swing at nilapitan sya.Umupo ako sa harap nya dahilan para mapatingin sya sakin.

"May problema ka ba?"-tanong ko sa kanya.

Tinitigan nya lang ako.

"Sabihin mo sakin kung may problema ka.Handa akong makinig at subukan na tulungan ka"-sabi ko naman.

Tinignan nya lamang ulit ako pero napansin kong may namumuong luha sa kanyang mata.

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan.Nagsimula lang naman yan ng makita nya yung mag ina kanina.

Hindi ko din alam kung tama ang hinala ko pero...

"Na m-miss mo ba yung mama mo?"-bigla kong tanong.Kanina ko pa yan gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa.Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na itanong yan dahil hindi ko na matiis na malaman ang dahilan ng kalungkutan nya.

"Nagkahiwalay ba kayo?Hindi na ba kayo nagkikita..."-napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumulo ang kanyang luha na kanina ay namumuo pa lamang.

Tama ako.

Naalala nya ang mama nya kaya sya naluha nung makita nya yung mag ina kanina.

Tumayo ako at hindi na napigilang yakapin sya.Mas lalo syang umiyak hanggang sa narinig ko ang kanyang paghagulgol.Ito na ang pangalawang beses na nakita ko syang umiyak.Sana sa mga yakap kong ito...

Gumaan kahit papaano ang kanyang nararamdaman.

Kahit konti lang.

======

"Tara dito Jungkook!"-hinila ko ang kamay nya at pumunta dun sa tindahan ng mga cute na hairpins.

"Hello mam!Pili lang kayo"-sabi nung tindera.Nginitian ko naman sya at nagtingin tingin na ko sa tinda nya.

Ang dami kong nagustuhan na mga design kaya nagtry ako agad.

"Bagay ba?"-tanong ko kay Jungkook pero as usual,hindi sya sumagot.

"Ate bagay ba?"-tanong ko dun sa nagtitinda.

Ang napili ko ay ang kulay yellow na hairpin dahil kahit simple lang ay maganda pa din.

"Oo naman magandang binibini!Bagay na bagay!"-sabi nung nagtitinda kaya napangiti ako.

"Oo naman magandang binibini!Bagay na bagay!"-sabi nung nagtitinda kaya napangiti ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🖤 Who are you? |Irene|Jk| 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon