WAY 09

40 12 0
                                    

Irene's Pov

"La andito na po kami!"-sabi ko pagdating namin sa bahay ni lola.Tinanggal ko ang sapatos ko at pumasok sa loob.

"O andito na pala kayo!"-bungad ni lola na kalalabas lang ng kwarto nya."Ang lakas ng ulan kanina.Nabasa ba kayo?Hindi ko kayo nasundo kanina dahil masakit ang aking dalawang tuhod.Tumantanda na kasi"-pabirong sabi ni lola.

Nginitian ko lang si lola"Hindi naman po.Nagpatila naman po kami bago umalis"-sabi ko ng hindi nililingon si Jungkook.

Naiilang tuloy ako sa kanya ngayon dahil sa nangyari kanina.

Ano ba kasing pumasok sa isip nya at hinalikan nya ko?

Hindi tuloy kami nagpansin simula kanina.Hindi ko sya magawang kibuin at kausapin dahil naiilang ako *sigh*

Bakit nya kasi ginawa yun?

"Kahit na apo.Maligo pa rin kayo para sigurado"-sabi ni lola kaya sumunod.na ko.

Dumiretso na ko sa kwarto ko para kumuha ng damit.Pagkatapos kong kumuha ay d-diretso na sana ako sa banyo ng biglang mag ring ang phone ko.

Tinignan ko kung sino ang tumawag ang laking tuwa ko ng makita ko ang pangalan ni Taehyung kaya agad kong sinagot ito.

"Hi babe-----"

[Hello?]

Napakunot ang noo ko ng hindi si Taehyung ang sumagot sa phone nya kundi...

Boses ng isang babae.

"Sino to?"-tanong ko.

[Ehhhh?Wth,Nagkamali ata ko ng tinawagan]

"Sino ka sabi!Bakit mo hawak phone ni Taehyung!"-inis kong sigaw.

[Bakit iba ang boses?Ikaw ba yan bessy Joy?]

Naikuyom ko ang aking kamay sa sobrang inis.Mukhang lasing sya dahil hindi sya makasagot ng maayos sa tanong ko.Halata din sa boses nya.

Taehyung ano to?!

Nasan ka at sino ang kasama mo?!

"Gusto kong makausap yung boyfriend ko.Pakibigay yung phone nya kanya"-mahinahon kong sabi.Pinipilit kong hindi magalit pero sana mali ang iniisip ko.

[Omo!Bessy Joy!May boyfriend ka na?I'm so happy for you!Parehas na tayong may lovelife Hihi!Minsan double date tayo a!Kayo ng boyfriend mo at kami ni Taehyung!]

"A-anong sabi mo-----"

[Yah Yeri!Bakit nasayo phone ko?!At sino yang kausap mo?]

[Ah si Bessy Joy!Alam mo yeobo may boyfriend na daw sya------]

(A/N : Yeobo means sweetheart,honey in korean)

[Mamaya na yan!Tara na sa kwarto ko]

[Ok yeobo.Wait for me.Hey Bessy Joy,mamaya na lang okay?May gagawin lang kami ni Taehyung.Babush]

*Tut*

Nabitawan ko ang aking phone at halos manlambot ang aking tuhod dahil sa mga narinig ko.Nanlabo din ang paningin ko dala ng namumuong luha at hindi nagtagal ay bumagsak ang mga ito.

"P-pano mo nagawa to..."-tanong ko habang patuloy ang pag agos ng luha ko.

Ang sakit.No.Sobrang sakit.Hindi ko inakala na magagawa nya to sakin.Ang lakas ng loob nyang lokohin ako.Binigay ko yung tiwala ko sa kanya dahil mahal ko sya at alam kong hindi sya hahanap ng iba habang magkalayo kami pero ano to Taehyung?

Bakit mo ko niloko?!

Bakit mo ko pinagpalit?!

"Bakit..."-nasabi ko lamang.

🖤 Who are you? |Irene|Jk| 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon