WAY 07

47 15 0
                                    

Irene's Pov

"Irene apo?Gising na"

Nagising ako ng marinig ko ang boses ni lola na tawagin ang pangalan ako.Napahikab pa ko at napaunat.

"Buti naman ay nagising ka na.Wala ka ng itutulog mamayang gabi"-sabi ni lola.

Bumangon ako sa aking hinihigaan pero agad akong mapahinto ng may ma realize ako.

Inilibot ko ang aking paningin at laking gulat ko ng makita ko ang aking kwarto.

"P-panong..."-taka kong sabi.

"Ah nagtataka ka siguro kung paano ka napunta sa kwarto mo?"-tanong ni lola na para bang nabasa nya ang nasa isip ko.

Mabilis naman akong tumango.

"Si Jungkook ang nagdala sayo dito"-sabi ni lola na ikinagulat ko.

"Si Jungkook?!"-tanong ko.

Siguro ay nauna syang magising sakin kanina kaya para hindi maistorbo ang aking tulog ay binuhat nya ako papunta dito.

"Oo ija.Nagulat na nga lang ako ng makita kong buhat buhat ka nya habang ikaw ay mahimbing na natutulog"-natatawang sabi ni lola.

Nahiya tuloy ako bigla.

Aish.

Bakit kasi sinabayan mo syang matulog Irene?!

"Asan po sya?"-tanong ko na lang.

"Ayun kumakain na naman.Wala atang kabusugan ang batang yun"-natatawang sabi ni lola.

Natawa din ako.

"Ah nga pala lola"-sabi ko.

Nakalimutan ko kasing pasalamatan si lola sa pagpayag nyang tumira dito si Jungkook.

"Ano yun apo?"-tanong ni lola.

"Gusto ko lang pong mag thank kasi pumayag kayo na magstay dito si Jungkook"-sabi ko kay lola.

Nung una kasi ay ayaw nya talaga kay Jungkook kaya nagulat ako nung kanina ng makita ko sya dito.

Hinawakan nya ang kamay ko"Wala yun.Basta mag promise ka sakin apo na kahit anong mangyari ay hinding hindi hihiwalay kay Jungkook naiintindihan mo?"-sabi ni lola habang nakatitig sakin.

Nagtaka at naguluhan naman ako sa sinabi ni lola"Ano pong ibig nyong sabihin?"-tanong ko.

"Mangako ka"-sabi ni lola at hindi pinansina ng aking tanong.

"N-nangangako po ako na hinding hindi hihiwalay kay Jungkook ano man ang mangayari"-sabi ko at itinaas pa ang aking kanang kamay.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni lola"P-protektahan ka nya Irene"-narinig ko pang sabi ni lola.

Naguguluhan ako.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng kaba.

======

Kinabukasan...

"La nagbubukas pa po ba yung park na malapit dito?"-tanong ko habang naghihiwa ang patatas.

Kasalukuyan kaming nasa kusina ni lola at nagluluto ng mechado habang si Jungkook naman ay nandun muli sa labas at nakaupo sa hagdanan.Naging
tambayan na nya ata ang lugar na yun.

"Oo apo.Ngayong mga oras ay bukas na yun.Gusto mong pumunta?"-tanong nila lola.

Tumango ako"Gusto ko pong mamasyal"-sagot ko.

Na b-bored na rin kasi ako dito sa bahay.

"O sge.Pagkatapos mong kumain ay magpahinga ka saglit at pumunta kang park"-sabi ni lola.

🖤 Who are you? |Irene|Jk| 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon