Chapter 2 [Gaano Kaliit ang Mundo?]

687 13 6
                                    

After a stressful day, *BAAAAGH* humiga kaagad ako sa malapad kong kama. Sabay tingin sa wrist watch, 7:45pm.

"Halaaaaa!" dali-dali akong tumayo at dumeretso sa malaking closet ko. I almost forgot, 8pm susunduin na ako ni Vio.

Hinablot ko na lahat ng damit sa closet. Bundok-bundok na ang mga damit ko sa sahig, I just can't find ang perfeeeect dress!

"Oh here!" walang dress, kaya I just grabbed some tees ang shorts. Ikot-ikot ako sa salamin, sout ko ang longsleeve kong black at ang high-waisted shorts ko, hindi siya gaanong short-shorts, ayoko kayang mabastos.

"Perfect!" bulong ko sa sarili ko. Then I paired some accesories na babagay then grabbed my bag. Ready to go na.

*Peeeeeep peeeeeep*

Tumingin ako sa window, at nakapark na ang pink car ni Vio. Tumakbo pababa ng stairs at sinalubong kaagad ako ni mommy.

"Ooooops!" na shock ako ng nilagyan ako ni mommy ng jeancloth na jacket "Maginaw sa labas" and then she smiled at me. The best mommy EVER EVER EVER. Ang swerte ko promise.

"Ayeeeee! Thank you mommy!" I hugged tightly. Tas dumeretso na sa pintuan.

"Curfew is 12am, okay?" Pahabol ni mudra.

"OKAAAAAAY MAAAA!" sigaw ko dahil malayo na ako sa kanya.

Time check: 8:05

Pinagbuksan ako ni Vio ng pinto sa front seat, "Late ka ng 5 minutes" sabi niya sabay paharurot sa sasakyan.

"5 minutes lang ang O.A mo kyaaaaa!" sabi ko sa kanya sabay labas ng phone ko at nagsalamin, ganda ko talaga ehem ehem xD

Umirap lang si Vio at patuloy sa pagmamaneho, kaya ako patingin-tingin lang sa labas at feel na feel ang hangin.

"We're here." Ani Vio, malapit lang pala galing sa bahay namin ang TRIOSTOP, isang sikat bar sa town.

Nagsi-apir kami sa mga kakilala namin na nagtatambay sa parking lot, may katuwaan din sila doon kaya ang saya. Tapos pumasok na kami sa bar, kumikinang ang dress ni Vio na kulay black, pero ang ganda ko pa rin hahaha xD

Nakakabinging sounds, check. Sumasayaw na disco lights, check. Gwapo, check. Liberated feeling mayaman girls? Check na check!

So ayun, pinagtinginan din kami ng mga tao, famous kaya yung kaibigan ko, isang Buenacarra si Violet.

"Violet! Violet! Jaxine!" Tumalon-talon na sinalubong kami ng bading kong kaibigan na si Ryan, hawak hawak niya ang isang bote ng beer at sumayaw-sayaw pa sabay sa beat ng kanta.

"Ryaaaan! Medyo may tama ka na hahaha xD" Salubong na bati ko sa kanya.

"Bes Jaxine! Ang ganda ng outfit mo tonight!" Sabi niya at ngumiti ako, nag-usap sila ni Vio kaya umuna akong umupo sa pinaka maingay na table sa bar, isa-isa kong binati ang mga barkada ko. Mga 15 kaming nasa table, yung iba, kasama ang mga dates nila.

At syempre binati ko ang birthday boy na si Rexar, siya ang may pasimuno ng pagtitipon namin.

"Rexar! Happy Birthday!" bati ko.

"Uy Jax! Salamat!" kumaway siya at bumaling agad sa sexy na babae na ka date niya. Medyo badboy at may pagka chicboy itong si Rexar. Slight manyak din.

Nagkwentuhan kami, nagkwentuhan ng nag-kwentuhan, ah basta ang ingay ng table namin sobrang ingay.

"OMG OMG OMG GUYS!" Nagsisigaw si Ryan sa table namin kaya napunta lahat ang atensyon sa kanya.

Napa 'ANO?' look naman kaming lahat.

"Si Xyrus! Xyrus Eion D. Madrigal!" sabay nguso niya, sumunod kami sa direksyon at bumulang sa akin ang isang gwapo as in the word GWAPO COOL AND HOT boy na kakapasok lang ng bar, may kasama siyang dalawang lalaki at isang chix as in CHIX at SH*T uulitin ko, ANG GWAPO NI XYRUS. Astig na umupo siya kabilang table.m

And on the second thought sumunod na dumating si .. si Inigo at si Barbie, holding hands. Ang LIIT LIIT NG MUNDO ANO BA :<

40 Days With Ms. Rebound (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon