Seven

0 0 0
                                    

Seven
Revelation

"Naku, Raiah, ikaw na nga!" An old lad, maybe at her late 50's, said in so much delight.

Nakasuot siya ng isang kulay abo at mahabang bestida na sumasayad sa lupa. Mayroon naman itong puting lining sa bandang bewang na nagmumukhang sinturon ng damit. It was paired with a long belo of the same color, with a lining of white cloth in its hem.

I figured it was the same of a nun's uniform. Nakumpirma ko pa ito ng makitang may suot siyang kulay tsokolateng rosaryo sa kaniyang leeg.

"Napakalaki mo na! Malaki rin ang ipinagbago ng iyong tangkad! Parang dati lamang ay ang liit-liit mo pa..." Sunod-sunod na sabi niya, hindi pinipigilan ang sarili na haplusin, kurutin ng bahagya, pisilin, at panggigilan ang aking dalawang braso. Tila ba sabik na sabik na makita ako pagkatapos ng napakatagal na panahon.

My forehead knotted instinctively. I could feel some indistinctive horizontal lines form on it.

Kilala ba niya ako?

Something within me lit up. This was the same feeling I felt when I reminisced my mother's voice and advices inside my head. This is very familiar. This is the feeling of hope!

Napatingin ako sa piraso ng papel na pinagpupunit, pinagpipiraso, at itinapon ko sa lupa kanina.

So... I was led to the right place.

Nakaramdam naman ako agad ng pagsisisi sa aking ginawa. Nanatili pa rin ang tingin ko sa mga piraso nito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. You can't blame me after all. I was feeling so hopeless and worthless that time. Wala na akong ibang naisip kanina kundi gawin iyon dahilan ng pagkainis sa aking sarili. My mind's state isn't that rational anymore. Of course... what kind of human could still stay as rational if they're facing this kind of situation? I don't even know what kind of situation I am in. Magulo, nakakabaliw, at nakasisira ng bait.

"Mabuti at nakabisita ka rito..." she said. I suddenly felt both of her arms on the sides of my waist, initiating a warm, tight, and long hug.

I didn't move.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya pagkatapos niyang bumitaw sa pagkakayakap.

Bahagya namang kumunot din ang kaniyang noo ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik ang kaniyang mga ngiti.

Tsaka ko lamang napansin ang kaniyang maamong mukha. Mapupungay ang kaniyang mga mata, matangos na ilong, at maninipis na labi. Some freckles were evident on her cheeks. The lines and wrinkles under her eyes shout aging. But I had to admit, kahit matanda na siya ay kitang-kita pa rin ang kaniyang ganda. It didn't fade throughout the years.

"Ikaw talaga, hija... napaka-makakalimutin mo." Ang tangi niyang sabi.

Naramdaman ko naman ang kaniyang magaang kamay sa aking kanang siko.

"Ang mabuti pa, maupo tayo sa loob at nang makapag-usap tayo..." Aya naman niya bago nagbigay ng pwersa sa kaniyang kamay. Wala naman akong magawa kung hindi ang magpahila sa madre.

Dinala niya ako sa isang maliit na silid. Sa loob nito ay mayroong malapad na lamesa kung saan may nakalagay na mga papel. Para itong opisina ng kung sino man ang mataas na taong namamahala sa gusaling ito. May mga kabinet rin ito sa bandang gilid at mga luma ngunit komportableng upuan, mga sofa, sa gitnang bahagi. Taliwas ito sa itsura ng gusali sa labas na aking nakita. Itong silid ay maliit ngunit malinis at maayos pa naman.

"Ahm, k-kilala niyo po a-ako?" Tanong ko nang nakaupo na ako sa bangko, habang siya ay nakaupo rin sa aking harap.

Dumaan naman ng ilang segundo ang pagtataka sa kaniyang mukha, ngunit kagaya ng kanina ay agad niya itong pinalitan ng kaniyang mapag-intinding ngiti.

"Hindi mo na ako maalala, anak?" Tanong niya at sinundan ng mahinang tawa.

"Sabagay ay bata ka pa noon at hindi ka masyadong nakikihalubilo. Ako si Mother Tania..." Pagpapakilala naman niya sa sarili.

Pinilit kong alalahanin kung mayroon ba akong kilala sa ganoong pangalan. The name doesn't ring a bell. I don't mean to be rude but, I just don't remember knowing someone with the same name.

Marahil ay nabasa niya sa aking ekspresyon ang pagkalito. Hinawakan niya ang aking kamay at tsaka pinisil.

"Naparito ka tatlong taon na ang nakalilipas..." Panimula niya.

Inalala ko naman ang itsura ng gusali mula sa labas. The dead trees, the soil, the old rusty building. Hindi ito pamilyar sa akin. This place surely is new to my eyes... I've never been here. How come this woman says the opposite?

"Hinatid ka dito ng isang nagmamalasakit na kapitbahay niyo. Wala na raw kasing mag aalaga sa'yo," Pagpapatuloy pa niya.

Walang mag-aalaga? How about my parents, then?

Her gaze shifted away from my eyes as if she heard my question. Ang dalawa niya namang kamay ay itinanggal niya mula sa pagkakahawak ng akin. She suddenly became uncomfortable. I could feel that she's feeling uneasy.

Pilit kong hinuhuli ang mga mata niya, pero agaran niya naman itong iniiwas pag nagtatama na ang paningin namin.

"B-bakit po?" I asked, now feeling the nervousness building up in my system.

Bumuga siya ng isang malalim na buntong hininga, surrendering everything that she's holding back.

"P-pinatay ang mga magulang at kapatid mo mismong bisperas ng pasko..."

I was taken aback by what she said. Literal na bumigay ang bigat ko sa sandalan ng upuan. I still can't completely digest what she just said. Patuloy pa rin itong pinoproseso ng utak ko.

Napatulala ako sa kawalan ng may kung anong umilaw na bumbilya sa aking isip.

"Naparito ka tatlong taon na ang nakalilipas..."

This woman says I was admitted here three years ago. The current year is 2018...

"P-pinatay ang mga magulang at kapatid mo mismong araw ng bisperas ng pasko..."

Christmas eve... Isn't it dated December 24?

Biglang nagflash sa utak ko ang imahe ng isang papel na dati ay kulay puti ngunit nababahiran ng kulay pula.

December 24, 2015... Helven Village Phase IV, No. 999, Black street.

December 24, 2015

Shit. This isn't true. This is very impossible. This must be a coincidence!

The Clairvoyant's DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon