Eight

4 0 0
                                    

Eight
Walls

"H-hindi po yata ako yung Raiah na sinasabi niyo. Buhay pa po ang mga magulang ko at w-wala po akong kapatid! " Nagmamadali kong sabi nang ako'y makabawi.

Awtomatikong tumayo ang katawan ko at nagsimulang maglakad palabas ng maliit na silid na 'yon. Hindi ko alam ngunit parang paliit 'yon nang paliit dahil nahihirapan akong huminga, isabay mo pa ang ngayo'y mabibilis na pintig ng puso ko.

This is a mistake. Hindi ako ampon. Doon palang dapat ay umalis na ako. I'm definitely not the Raiah this nun is talking about. That Raiah's parents are dead, but mine aren't! I'm sure of that. Nawawala lang sila pero hindi sila patay. At least that's what I believe in...

"Hindi ba't si Amy Nicole at Randy Rafael Gonzales ang umampon sa'yo?"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi niya. It seemed like those words materialized as force which stopped me from even making at least one step.

Amy Nicole and Randy Rafael Gonzales...

They are my parents.

Hinarap ko ang madre na ngayo'y nagtatakang nakatingin sa akin, ngayo'y medyo magkasalubong na ang dalawang kilay. I stared at her eyes intently, hinahanap ang bahid ng kasinungalingan. Sabi nila ay sa mga mata ng isang tao mo malalaman ang katotohanan ng kaniyang mga sinasabi, and in her eyes, I saw no lies. All I saw was a sincere and honest woman.

But how could we be so sure sa kasabihan na 'yon? After all, kasabihan lang naman 'yon, it's still up to us kung maniniwala ka ba doon. Nagtatalo ang loob ko sa pagitan ng nakikita ng mga mata ko at nalalaman ng puso't isipan ko.

Naglakad si Mother Tania palapit sa kabinet at may kung anong hinalughog doon. Nakita kong binuksan niya ang isang compartment na puno ng mga kulay puting folder. Naglakbay ang kaniyang hintuturo sa bawat isa nito at huminto na tila ba ay nahanap na niya ang kung anong hinahanap. Kinuha niya naman ito at nilapag sa lamesa.

"Hindi ko alam kung bakit parang wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari, Raiah..." Sabi niya, bakas pa rin ang pagkalito sa kaniyang mukha. I can also see a faint expression of... pity. Awa? Awa para saan?

"Ito ang naging kasunduan namin ng mga umampon sa'yo. Narito lahat, kung kailangan mo ng patunay..."

Lumipat ang tingin ko sa bagay na nakapatong sa lamesa. I could feel my heart beating like a drum again. I could tell that the presence of suspense became present. Gusto kong lapitan at tignan ang mga papel sa pagitan ng folder na 'yon... pero natatakot ako sa mga bagay na pwede kong malaman.

I was so sure na hindi ako ampon. I am not adopted! Anak akong tunay nina Mama at Papa. If ever I really am adopted, if ever, how would you explain those people's remarks? Our neighbors say I got my facial features mainly from my Mom, kay Mama Amy. Samantalang ang galaw at ugali naman ang namana ko mula kay Papa. Everytime someone sees me and my mom together, they would always say na para kaming kambal, na para kaming pinagbiyak na bunga.

I am not an expert at science, lalong-lalo na pagdating sa usapang pinagmanahan. But would it be possible for two strangers to look completely alike? It may be possible, yes, but what's even the probability of it to happen?

Hindi ko pwedeng ibale-wala nalang ang mga 'yon. I can't just shrug those off my head.

Hindi ako ampon. Hindi.

Yun ang alam ko.

Unless... that's what they wanted me to know?

Napahawak ako sa sentido nang maramdaman ang pagsakit ng ulo. Pinilit kong ayusin ang sarili ko, ipinilig ko ang aking ulo para kumawala ng saglit sa mga iniisip. I have to be brave. Kailangan kong tignan ang folder na 'yon nang matapos na ang pagdududa ko sa aking pagkatao. May pinanghahawakan ako, hindi dapat ako matakot.

Matapang kong nilakad ang maliit na distansya ng lamesa. Huminga ako ng malalim ng mahawakan ko na ang folder. Nakita ko ang nakasulat sa pabalat nito.

'Raiah Jane Soledad'

Napakunot ang noo ko. Raiah Jane Soledad? Raiah Jane is my first and second name, but Soledad isn't my last name for sure. Gonzales ang surname ko.

Pero teka... hindi ba't binabago at nadadala ng orphan ang surname ng mga taong umampon sa kanila?

Nanginginig na mga kamay ang lakas loob na binuksan ang puting folder. Madaming mga papel ang nakalagay doon at kung ano-ano ang mga nakasulat, mga dokumento tungkol sa pag-aampon ng isang bata... at nakalakip doon ang impormasyon tungkol sa taong ang pangalan ay nakasulat sa pabalat.

Napatigil ako nang may mapagtanto. Hindi pwede... ang mga impormasyong iyon ay walang ibang tinutukoy kung hindi -- ako!

Napasulyap ako kay Mother Tania na ngayo'y bakas ang pagka-awa at pagmamalasakit sa mukha.

"H-hindi po a-ako iyan." Diretso kong bigkas, not being able to look at her eyes.

"Imposible po ang sinasabi niyo... N-napakaimposible." Dagdag ko pa upang siya'y makumbinsi. But really, Raiah... Alam kong sa loob-loob ko ay sinabi ko ang mga salitang 'yon hindi para kumbinsihin siya, kung hindi para paniwalain at kumbinsihin pa ang sarili ko.

Inilayo ko ang hawak at nagpakawala ng buntong hininga.

The thick walls of my beliefs were suddenly hit by a huge hammer that caused a crack. Buong-buo ang paniniwala ko tungkol sa aking pagkatao. I even stated some proofs and statements which, I believe, are enough for me to keep grasping onto the thought that I am not adopted! But when those documents were seen by my eyes, alam kong unti-unti nang lumalaki at lumalala ang biyak na iyon sa matibay na pader ng paniniwala na siyang binuo ko. But is it really that sturdy as what I thought it was? Kasi kung oo, dapat ay hindi iyon matitibag ng kahit katiting.

"Tignan mo ang kasunduan, hija..." Paanas ngunit buong sambit ng madre, tinutulak papalapit sa akin ang isang papel.

It was an adoption agreement, and at the bottom right corner of the paper are my parents' complete name accompanied by their signature...

At that moment, I knew the walls I've built were now completely shattered into tiny little pieces, almost pulvurized.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Clairvoyant's DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon