Two
Ria"Ma, alis na ako." I kissed goodbye to my Mom and started to walk towards the gate.
Nauna na si Papa na umalis papuntang trabaho kanina. Mas maaga kasi ang oras ng pasok niya kaysa sa akin. Bukod doon, malayo-layo rin ang kailangan niyang i-byahe kung kaya't dapat na maglaan siya ng oras para sa transportation. Isama mo pa ang posibilidad na magkaroon ng traffic.
Si Mama lang ang kadalasang naiiwan sa bahay, typical housewife. One time, I asked her if she doesn't get bored spending all her time doing household chores. Sabi naman niya, simula nang mag-asawa siya ay nasanay na siya. Nalilibang naman daw siya sa panonood ng Tv pag wala na siyang ginagawa. Kung tutuusin, my Mom wants to work, too, but my Dad wouldn't let her. She was a teacher before she got married with my Dad. Ayos lang naman daw 'yon sa kaniya. She said that between her profession and her family, she will definitely choose the latter.
"Sige, Anak. Mag-iingat ka ha." She said, patting my head.
I nodded and gave her my sweetest smile. This is what I usually do before leaving the house, para hindi masyadong mag-alala si Mama.
I heard the rusty creak of the gate. Sensyales na isinara na ito ni Mama. Nagsimula na akong maglakad papunta ng school, nangingiti pa rin dahil sa masayang pagsasalo namin kanina sa hapag kainan.
"Aia, anak! Yung lunchbox mo naiw-"
Nilingon ko pabalik ang aming bahay only to find my Mom in front of our house, on the ground. She bumped on a stranger who was wearing an old dirty shirt na punit-punit at napakarumi at sira-sira ring pantalon. Wala naman itong pansapin sa paa.
Hindi pala siya isang estranghero, si Aleng Ria pala 'yon, ang kapitbahay namin.
I immediately ran towards my Mom at inalalayan ko siyang tumayo.
"Ma, ako na po. Pumasok na po kayo sa loob." Sabi ko kay Mama at pinagtulakan ko na siya palayo kay Aleng Ria. Nagmamadali ko namang kinuha ang nakalimutan kong lunch box sa lapag, mabuti nalang ay hindi ito natapon.
Nang mailagay ko na sa bag, mabilisan na akong maglakad upang makalayo na sa Ale. But my peripheral vision can't help but see Aleng Ria who drew a straight horizontal line on her neck while creepily smiling and staring at me. Napataas ang balahibo ko.
Matagal na naming kapitbahay si Aleng Ria. Minsan ko lamang siyang makita rito sa lugar namin, dahil kadalasan ay nagtatago at nagkukulong ito sa kaniyang bahay. Wala na siyang pamilyang kasama, tanging siya lang mag-isa. Sabi ng iba, may sakit daw ito sa utak kung kaya't ano-ano ang ginagawa.
I shrugged my shoulders. Wala naman sigurong ibig sabihin ang inaakto niya kanina.
I shook my head and tried all my best to divert my attention. Wanting to forget what happened.
"Hay, nakakapagod!" I automatically said when I sat on the bench in the locker room. The relief I felt when my back depended on the wall is just so satisfying.
Katatapos lang ng Physical Education class namin. Ang sports na nilaro namin ngayon ay Volleyball. I admit, I don't know anything about volleyball. In fact, may takot ako sa bola. Kinakabahan kasi ako na baka tumama iyon ng direkta sa mukha ko o di kaya sa kamay ko at mabalian ako ng buto.
I didn't expect na meenjoy ko pala ang sport na 'yon. Masaya pala iyong laruin. Sure, it made my hands hurt a little, but the pain is tolerable. It's not a big deal, really. Tsaka ko lang naman naramdaman 'yung sakit nung tumigil na ako sa paglalaro.
I saw some of my classmates change their clothes dahil sa sobrang pawis dulot ng activity kanina, while others are bringing out their Mathematics book to read.
Wait. Ba't sila nagbabasa niyan? Anong meron?
Shoxx! May long quiz pala mamaya sa Math!
I immediately stood up from the bench and opened my locker. Agad kong hinanap ang nakalagay na libro ko ng Matematika sa loob no'n at kinuha.
How stupid of me to forget. I actually planned on scanning my notes yesterday to prepare for the long quiz, which never happened, dahil nga sa nakalimutan ko.
I rolled my eyes heavenwards due to the irritation I feel for myself.
Ang pinaka-ayoko pa namang minamadaling reviewhin ay yung mga subjects na mahihirap intindihin. Kaya naglalaan talaga ako ng oras sa pag-aaral ng mga asignatura na 'yon pero kinalimutan naman ng utak ko.
Bahala na, susubukan ko nalang intindihin ng madalian.
I opened the book on the table of contents section. I pointed my finger on each of the lesson written on it.
Hmm... Estimation of parameters... Estimation of parame- ayun!
I turned the book to the lesson's page and started to read the complicated terms, equations, and numbers.
Ah, so kailangan pala munang kunin ang Z sub alpha over two through diminishing the area of the Z-score from 50% or 0.50.
Oh, I actually remember this one. Nakinig naman pala ako kahit papaano.
Then we have to solve for the margin of error... Ano nga ba ulit ang formula nito? Ah! E is equal to Z sub alpha over two multiplied to the quotient of the standard deviation and square root of small letter n! Tama, 'yun ng-
"What's this?" My attention diverted when I saw a piece of scratch paper fall on my lap. It was from my book.
Kinuha ko naman ito at instinctively na binasa.
December 24, 2015... Helven Village Phase IV, No. 999, Black street.
My forehead knotted. Is this an address?
I tried to remember kung may inipit ba akong papel sa librong ito, but I don't remember putting a piece of scratch paper between the pages. Isa pa, hindi ko naman iyon gawain. Tsaka, this obviously isn't my penmanship at lalong hindi naman ito address ng bahay namin.
Hmm, baka naman naipit lang ng seatmate ko at inakala niyang libro niya ang libro ko.
*KRIIIIIING!*
Shit! Ang bilis! Math time na agad?!
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang malakas na tunog ng school bell.
Parang sumali ng race ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig!
"Tara na, Aia. Next class na." Sabi sakin ni Louise, isa sa mga kaklase ko.
I nodded at her at sinenyasan ko siyang maghintay sandali. I fixed my things and put it inside my locker. Nang matapos ay sumabay na ako kay Louise papunta ng classroom.
Ghad! Ni hindi pa nga napaprocess ng utak ko ang mga inaral ko eh. Paano na 'yan, Aia?
I heaved a deep sigh.
Sana naman magbunga ng mayabong na score ang sandalian kong pagrereview sa Mathematics.
Fingers crossed, tiwala lang.

BINABASA MO ANG
The Clairvoyant's Date
Mystery / ThrillerA story about Raiah Gonzales, a teenager, who thought she had the perfect family. One day, she recieved a suspicious paper with a date written on it. Who would've thought that a group of numbers would change her life? A series of numbers which have...