√Start√

23K 419 14
                                    

“What the f*ck!” Nagising ako dahil sa isang napakalakas na mura. Ano ba iyan? Umagang-umaga nagmumura.

“Ano ka ba naman? Natutulog pa ako ang ingay-ingay mo,” reklamo ko habang nakapikit at humihikab pa. Pero napamulat at napabangon na ako nang may nagmura ulit nang sobrang lakas.

Hays! Sisirain niya ’ata ang pandinig ko.

“What are you doing here in my condo? F*ck! Bakit tayo nakahubad?”

Napatingin ako sa taong iyon na katabi ko lang pala sa kama. Teka, paano ako nagkaroon ng katabi? Bakit parang mayro’n ’atang kakaiba sa katawan ko? Parang, uhm . . . masakit ang buong katawan ko lalo na ang balakang ko. Pakiramdam ko nangangalay rin ang magkabilang kong hita.

Napatingin ako sa ilalim ng kumot. Nagulat ako sa nakita ko. Oh my! Wala akong suot na damit! Kahit ni isa!

“You r*ped me!” singhal niya sa akin. Anak ng pabebe naman! Ako pa? Ako pa talaga ang nang-r*pe?! Jusme! Inosente ako.

“A-anong . . .r*pe? Hindi, ha! Saka bakit kita kasama?”

“You, b*tch! I’m f*cking right! You are a sl*t! Masaya ka na ba? Nakuha mo na ang gusto mo—ang mapasayo ako lalo na ang katawan ko!”

Napatanga ako dahil sa sinabi niya. Huh? B*tch? Sl*t? Nakuha ko na raw ang gusto ko? Ang mapunta siya sa akin lalo na ang katawan niya? Teka, ano ba ang ginawa ko sa katawan niya? Masyado pa akong lutang para alalahanin ang mga nangyari.

“A-ang sakit mo namang magsalita. Palibhasa alam mong may gusto ako sa ’yo kaya ginaganito mo na ako. Saka ano ba ang nangyari?”

“Such a stupid b*tch. Hindi pa ba halata? Kailangan ko pa bang ipaalala sa utak mo na mayro’ng nangyari sa atin!”

“Ah, talaga? May nangya—ano?!” Ang b*bo ko talaga. Halata naman, eh. Kaya pala ang sakit ng buong katawan ko pati na rin ng ano ko sa ibaba. Pakiramdam ko nawasak ang pag-aari ko.

“Hindi puwede ito! Umalis ka nang lalaki ka! Nagkamali ako. Hindi dapat kita ginusto. Manyak ka! Wah! Ayaw ko na sa ’yo. Layaaas!” sigaw ko habang sumisipa pa sa kama na parang bata. Natahimik lang ako nang may biglang humampas ng unan sa mukha ko. Aray ko naman!

“Leave? Stupid!  Condo ko ito kaya bakit ako aalis sa pag-aari ko? Ikaw ang dapat na umalis. Umalis ka na ngayon din bago pa kita sipain palabas dito.”

“Ah . . . sabi ko nga aalis na ako, pero puwedeng magbihis?” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

“F*ck you! Not here!” Naman, oh? Kailangang magmura?

“Oo nga. Hindi rito. Alangan namang magbihis ako sa harapan mo. Of course, do’n sa CR mo.”

“Dream on, b*tch. Magbihis ka roon sa labas ng condo ko.” Natulala ako sa sinabi niya.

“Ha? P-per—”

“Ayaw mo?” taas kilay na tanong niya.

“Kas—” Sinamaan niya ako ng tingin. Nakakatakot talaga siya.

“O-oo na,” sagot ko na lang kahit ang totoo ay ayaw ko.

Kinuha ko ang isang kumot at dahan-dahang ipinulupot sa katawan ko. Pinulot ko isa-isa ang mga saplot ko na nakakalat sa sahig. Tumayo ako nang maayos habang hawak ang mga damit ko. Hindi ko mapigilang maawa sa aking sarili.

Halos mahimatay ako nang makita ko ang dugo sa hinigaan ko. Gumapang ang matinding takot sa buong sistema ko.

“Waah! Mama ko, ano iyan? Ano’ng ginawa mo?!” sigaw ko habang nakaturo do’n kaya naman napatingin din siya sa itinuturo ko.

Pregnant By Heartless Gangster(UNDER MAJOR  REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon